HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  
Share | 
 

 August 12, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts: 684
Age: 26
Location: Quezon City
Registration date: 2007-12-19

PostSubject: August 12, 2009 Book Release   Wed Aug 12, 2009 2:46 am

1. PHR 3138 My Baby's Daddy by Camilla



Sa kagustuhang patunayan na mali ang akala ng lahat na iresponsable siya, inampon ni Gracielle ang sanggol na si Maxine. She had fallen in love with the baby, ngunit dumating ang isang problema: si Rommel Palacios, who was claiming to be Maxine’s biological father.
Dahil sa nakawiwindang na series of events, natagpuan niya ang sarili na kasama sa iisang bubong si Rommel. Sineryoso niya ang pagiging ina kay Maxine at pagiging “maybahay” kay Rommel, hanggang sa mahulog ang loob niya rito.
Pero ganoon na lang ang panlulumo niya nang matuklasan niyang habang abala siya sa pagsisilbi rito ay ibang babae naman pala ang pinagkakaabalahan nito…

2. PHR 3139 A Kiss In The Rain by Sonia Francesca



Nang dahil sa matinding gutom, nakigulo si Milet sa mga taong nakapila sa ginaganap na feeding program. Nang matikman niya ang pagkain na isine-serve doon, napapikit siya sa sarap. Nang makita niya si Ochel, ang nagluto ng mga pagkain, naisip niyang kasing-“yummy” ito ng pagkaing niluto nito. Bigla, parang hindi na lang sa mga luto nito siya interesado kundi maging dito na mismo. At nang malaman niya na nabigo ito sa pag-ibig, ninais niyang maging malapit dito. Ito naman ang bubusugin niya... ng pagmamahal.

3. PHR 3140 The Petersons 5: Aris by Dream Grace



Nakilala ni Rachel si Aris noong mga bata pa sila at ipinagtanggol niya ito mula sa mga kaklase nitong nambu-bully rito. Simula noon ay hindi na humiwalay ito sa kanya. Hanggang sa paglaki nila ay parang glue na laging nakadikit ito sa kanya.
Masaya siyang kaibigan niya ito pero may mga pagkakataong naiinis siya sa presensiya nito. Hindi kasi siya maligawan dahil napagkakamalang nobyo niya ito. Ikinatutuwa pa yata nito ang kaalamang iyon kaya todo-bantay lalo ito sa kanya, dahilan para tuluyang humulagpos ang matinding inis niya at lumayo ito sa kanya.
Naiwang luhaan ang puso niyang nagsisisi sa mga masasakit na salitang nabitiwan niya...

4. PHR 3141 Ang Crush Ng Momsie Ni Samirah by Camilla



Napapansin ni Samirah na may kakaiba sa nanay niya. Natuklasan niyang si Chet Florin ang salarin. Gagawin niya ang lahat para huwag magkaroon ng resulta ang pagpapa-cute ng biyudang nanay niya sa guwapong binata—at kasama na roon ang pagsama sa party sa isang isla sa Palawan para lang mabantayan niya ang nanay niyang kerengkeng.
Pero nag-backfire sa kanya ang plano. Naisuko niya ang sarili niya sa binata. Mukhang tapos na naman ang problema sa nanay niya, pero nagsisimula pa lang ang problema naman sa matapobreng ina ni Chet…

5. PHR 3142 When Magic Works by Kayla Caliente



Hindi malaman ni Jasmine kung bakit nahuhumaling siya ngayon sa witchcraft. Para namang pinagtiyap ng tadhana na nakilala niya si Lola Faye, isang society matron-cum-succesful businesswoman na kilala rin bilang eksperto sa witchcraft. Sa paggabay nito ay umaasa siya na magiging bihasa siya sa larangang pinag-iinteresan niya.
Matindi ang final exam niya. Iyon ay ang paglikha ng potion o spell na magpapaibig sa apo nito. And to her delight, after a lot of trial and error, it seemed she finally stumbled upon a spell-potion combination that worked. Kung hindi ba naman ay bakit parang panay na ang beautiful eyes sa kanya ni Aljed, na noong una silang magkakilala ay inakusahan siyang isang manggagantso?
Iyon nga lang, may kaunting problema. Si Aljed lang ang dapat na ma-in love sa kanya. Pero bakit maging siya yata ay apektado? Hindi dapat mangyari iyon.

6. PHR 3143 Beryl's Story by Camilla



Isang hangal si Beryl na umasang totoo ang ipinakita ni Elvis sa kanya. Pagkalipas ng maraming taon at sa dami ng nangyari sa buhay niya, hindi niya namalayan na tila tunigil na ang puso niya sa pagtibok para sa ibang lalaki.
Maling-mali siya sa pag-aakalang nakalimutan na niya si Elvis…

7. PHR 3144 Heartbreakers: Andreas, The Great Italian Charmer by Sofia



Hindi naniniwala si Synnovea sa pag-ibig. Hindi rin niya kailangan ng isang lalaki sa buhay niya. Having a great career as an artist was enough for her. Para sa kanya, isang kahangalan ang magmahal sa ibang tao nang higit sa sarili nito.
Then came Andreas del Pierro. Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga pananaw. He believed in love and he loved the idea of romance. He was the type of man who could make any woman fall for him.
Except me, she thought.
She thought wrong. She fell for him, too, and she fell hard…

8. PHR 3145 Verna's Story by Camilla



Nangyaring nagtagpo ang langit at lupa sa buhay ni Verna, ang maid sa mansiyon ng mga Buenafe. Katulad ni Prince Charming kay Cinderella, na-in love sa kanya ang amo niyang si Daniel. Pero may wicked kontrabida rin sa kanilang pagmamahalan sa katauhan ng mama nito.
Love prevailed just the same. Or so she thought. Dahil nang magtungo sa States si Daniel ay ipinagtabuyan siya ng mama nito.
When she and Daniel met again after five years, he was angry at her. Worst, he acted like he was no longer exactly the man who was in love with her.
Ano ang nangyari at biglang nagbago ito? Paano niya maibabalik ang dating Daniel na nagmamahal sa kanya?

9. PHR 3146 Miguel, The Distant Guiding Star by Victoria Amor



Si Lalaine ang nagbabayad ng utang ng kinagisnan niyang ama kaya napadpad siya sa poder ni Miguel Vasquez at naging katulong nito. Hindi niya inasahan ang bagong amo niya ang magsisilbing guiding star niya upang maabot ang mga pangarap na inakala niyang sa panaginip na lamang niya maabot. Only, he was a distant star.
Pero sa kabila niyon, hindi pa rin niya napigilan ang sarili na umibig dito—pag-ibig na naging daan upang maghilom ang sugat niya mula sa nakaraan.
Hanggang saan siya dadalhin ng isang pag-ibig na alam niyang imposibleng magkaroon ng katugon?

10. MLH 376 Patrick by Camilla



Patrick might be the best-looking private investigator Romina had ever met—at ito rin ang pinakaantipatiko. Gusto niyang i-discredit ito since lahat na lang ng kakilala niya ay tila bilib na bilib ditto. Pinaimbestigahan niya kunwari si Anthony Chua rito, ang stepfather-to-be niya, but he unearthed Anthony’s skeletons. Pinatay raw nito ang unang naging asawa nito. At malamang na isusunod nito ang mama niya.
Like a real-life hero, he saved her life and her mother’s. Pero kaya rin ba nitong iligtas ang puso niyang sawi sa pagmamahal dito?

11. Territorio De Los Hombres Series 51: Malvar Mercedes by Vanessa



Dahil sa problema ni Inday sa nobyo niyang nasa ibang bansa ay nangailangan siya ng isang pagkakakitaan na malaki ang suweldo. Kailangang makauwi ng nobyo niya na minaltrato ng amo nito at hindi pinapasuweldo nang tama.
Eksakto ang alok sa kanya ni Mang Alfon—ang pasayahin ang anak nitong si Malvar sa abot ng kanyang makakaya, sapagkat ang anak nito ay sawi sa pag-ibig. In short, kailangan niyang maging clown ni Malvar. Ang hirap. Dahil si Malvar ay isang napakaguwapong taong-bato na parang kay sarap pagnasaan...
Back to top Go down
 

August 12, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

 Similar topics

-
» 31 August Late Afternoon Tourney @ Lor Ah Soo.
» Classical Roar - Cardiff 2nd August 2014
» Miami Dolphins Alumni Update: August 2011
» English Vanguard Tournament @ Sengkang 12th August
» TCP/IP E-Book

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 ::  :: -