HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 August 4, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: August 4, 2009 Book Release   Tue Aug 04, 2009 3:48 am

1. PHR 3130 Daring Vintage by Claudia Santiago



Alam ni Becky na hindi nila gusto ni Vintage ang isa’t isa. Vintage hated her guts. And she hated his arrogance. But they got stuck with each other. Iyon ay nang makuha ni Becky ang bouquet at makuha naman nito ang garter sa kasal ni Rodrigo, na kapatid nito at best friend naman niya. Ang sorpresang premyo ay ang Caribbean cruise na pagsasamahan nilang dalawa.
It was a setup. Iyon ang parehong inisip nilang dalawa. Ngunit napilitan pa rin silang tumuloy sa cruise upang hindi na isipin pa ng barkada niya na kaya hate nila ang isa’t isa ay dahil attracted sila sa isa’t isa.
Ngunit akalain ba naman niyang mahuhulog nga ang loob niya kay Vintage habang nasa cruise sila?

2. PHR 3131 Abot-kamay Ang Langit by Camilla



Nakilala ni Belay si Cody Tiu sa kanyang hanapbuhay na pagtitinda. Naging magkaibigan sila kahit nagmula ito sa mayamang pamilya at siya naman ay isang kahig, isang tuka lang. Nauwi sa matamis na pagtitinginan ang kanilang pagkakaibigan. Tila abot-kamay niya ang langit sa piling nito. Hanggang isang pagkakamali ng kanyang ina ang naglayo sa kanya ang langit…

3. PHR 3132 Ang Prince Charming Ni Sofie by Elizabeth McBride



Mahilig sa fairy tale si Sofie. Pero dahil sa kagustuhan ng kanyang heneral na ama, isang lalaking kabaligtaran ng Prince Charming niya ang itinakda nito para pakasalan niya.
Iyon na sana ang ending sa paghahanap niya sa kanyang knight in shining armor nang mula sa kung saan ay sumulpot si Darius, ang lalaking nagtataglay ng mga katangiang hinahanap niya. Parang isang matapang na prinsipeng iniligtas siya nito sa masasamang-loob na balak sanang dumukot sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang kanyang Prince Charming. Pero nalaman niyang nagpapanggap lang ito. Ito pala’y isang lalaking masama ang intensiyon sa kanya.
Paano na ang happy ending ng kuwento niya?

4. PHR 3133 Fortunato "Alas" Ambrosio II by Camilla



Four years pagkatapos ng mapait na paghihiwalay nila, nagtagpo muli ang mga landas nina Carlisle at Alas. Upang makamit ni Alas ang kapatawaran ni Carlisle, pumayag itong maging product endorser ng negosyo niya. Hindi iyon ginawa ni Carlisle dahil gusto niya kundi upang kumbinsihin ang kanyang kaibigan at business partner na hindi na siya in love sa kanyang ex. After all, may bagong buhay na siya—at bagong nobyo.
Pero bakit ganoon? Tuwing nakikita niya ito ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Could it be that she was still in love with him? But was it possible to love a man whom she had learned to hate?

5. PHR 3134 Beauty Of The Beast by Dream Grace



Hindi maiwasan ni Ada ang matakot at kabahan nang makita niya ang napakalaki ngunit tila balot sa lungkot na kastilyo sa Devereux Estate. Hindi na siya magtataka kung bakit may mga taong natatakot sa lugar na iyon.
Then she met its owner—si Luc. Natatakpan ang mukha nito ng puting maskara. May apoy ng galit ang mga mata nito ngunit hindi rin maikakaila ang labis na kalungkutan doon. Pilit na itinataboy siya nito palayo dahil kahindik-hindik daw ang hitsura nito.
Pero paano niya gagawin iyon kung puso niya ang tumatanggi? Alam niya, sa likod ng hitsura nito ay naroon ang isang tunay na prinsipe.

6. PHR 3135 When The Heart’s Aflutter by Noelle Arroyo



What could be more romantic than meeting the perfect man in the most perfect place?
Para kay Lienne, iyon ang eksaktong nangyari nang makilala niya si Ian. He was a stranger who invaded her private sanctuary in her lola’s plantation. When she first saw him, he was in his peaceful slumber, as if ready to be awaked by a kiss.
Little did she know that he would also invade her life and her heart.
Araw-araw silang nagkikita sa tabing-ilog—nagpi-picnic, nagbabasa ng mga paborito nilang libro, at nakikinig ng tugtog sa iPod. And when they finally shared their first kiss, she knew she was in love with him.
Ngunit isang araw ay bigla na lang naglaho ito. She was hurt; nonetheless, she was still hoping he would come back to her.
Kung kailan iyon, ito lang ang nakakaalam…

7. PHR 3136 A Kiss For Keeps by Rose Tan



May stalker si Trudis kaya habang wala ang kuya niya, babantayan siya ng best friend nitong si Che, ang lalaking nagdudulot ng ovulation at lactation sa kahit sinong nagtataglay ng mammary glands. Alpha male daw ito, ayon na rin dito.
“And I think your mating season has officially begun, Trudis,” deklara nito nang bigla siyang natutong mag-miniskirt.
Mahigpit kasi ang kompetensiya. Kailangan niya ng crash course sa Flirting and Seduction 101. At willing na willing si Che na ituro iyon sa kanya.
Bakit kaya?

8. PHR 3137 Foolish Charade by Noelle Arroyo



Para lang maiwasan ang walang katapusang pagpapaligaw sa kanya ng kanyang mga tiyahin na desperadang magkaasawa na siya, hinimok ni Trinity ang best friend niyang si Kristoffer na magpanggap bilang boyfriend niya. Pumayag naman ito. Ang problema, nang naroon na sila, hindi niya alam kung ito o siya ang napasubo nang mag-enjoy na sila sa charade, lalo na sa lambingang parte ng kanilang pag-arte. Hindi niya inakalang mai-in love siya kay Toper.
Was she being foolish? Alam naman niyang eight months ago, nakipag-break dito ang girlfriend nito at walang magiging katugunan ang nararamdaman niya para dito.
Paano kaya siya makasisiguro?

9. Bud Brothers Unlimited Series 1: Curious Rufus And The Jilted Daffodil by Rose Tan



Buo na ang pasya ni Daffodil. Ipaghihiganti niya ang kanyang best friend dahil sa pang-aapi rito ni Rascus Mendoza, isa sa mga may-ari ng Bud Brothers Flower Shop.
Buhay pa siya kaya hindi niya kayang patayin ito sa sindak. Pero kaya niyang patayin ito sa sama ng loob at iyon ang gagawin niya.
At para maisagawa iyon, kailangan niyang magtrabaho sa flower shop ng mga ito.
Everything was going smoothly according to plan until...
“Daffodil, ano’ng shampoo mo? `Bango ng hair mo.”
It was Rufus, isa sa mga Bud Brothers. Sinisinghot nito nang walang pakundangan ang buhok niya. Wala man sa plano niya ang maturete, iyon ang nangyari.
Paano siya makapaghihiganti kay Rascus kung lagging naroon si Rufus at tila hinuhuli siya; inaamoy hindi lamang ang kanyang buhok kundi pati hidden agenda niya?
Back to top Go down
 
August 4, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Pegaso August Releases 2009
» Gerard Butler Covers 'Esquire' August 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Team Tournament @ Thompson on 26th August (New Banlist)

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: