HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 29, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 29, 2009 Book Release   Wed Jul 29, 2009 3:14 am

1. PHR 3123 Once-In-A-Blue-Moon Smile by Zaica Angel



Sugatan ang puso ni Danica dahil sa hindi magandang nangyari sa dati niyang pag-ibig. Pero unang beses pa lang niyang nakita si Rod ay tinamaan na agad siya rito. Naramdaman niyang ito ang gagamot sa sugatan niyang puso.
Subalit nakabalot sa guwapong mukha at matipunong katawan nito ang isang malaking misteryo. Gayunman ay ito ang naging knight in shining armor niya mula sa baliw na ex-boyfriend niya. At higit sa lahat ay ipinatikim nito sa kanya ang tamis ng halik nito.
Naguluhan siya. Nagustuhan man niya. Pangalawa, hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito. ang halik nito ay isang bahagi niya ang nagsasabing mali iyon. Unang-una, wala silang relasyon
Paano kung muli siyang masaktan? Paano kung wala na pala siyang karapatang mahalin ito?

2. PHR 3124 What Is Love? by Heart Yngrid



Ilang beses nang nasaktan si Reine ngunit hindi pa rin siya sumusuko na baling-araw ay matatagpuan din niya ang pag-ibig na para sa kanya.
She was mending a broken heart nang makilala niya si Ahron. Taglay nito ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki, maliban lang sa isang bagay. Kakaiba ang pananaw nito sa pag-ibig—that it was something scientific, dala lang ng isang hormone kaya hindi maaaring magtagal.
Pero hindi naman niya magawang umiwas dito, lalo na at unti-unti ay nadidiskubre niya ang magagandang katangian nito.
Kaya ba niyang baguhin ang pananaw nito?

3. PHR 3125 Ngayo'y Alam Mo Na Kung Gaano Kita Kamahal by Camilla



Once upon a time, Kylie and Jett were madly in love with each other—kahit tutol ang mga matapobreng magulang ng dalaga sa lalaki. Pero dumating ang mga pagsubok at nagkahiwalay sila, only to meet again five years later.
Ang ipinagtataka ni Kylie, bakit si Jett pa ang may ganang magalit sa kanya gayong ito ang nagkasala sa relasyon nila? At paano kung malaman niyang lubog pala sa utang dito ang papa niya—at siya ang hinihiling na kabayaran nito?

4. PHR 3126 Delivered: One Family by Caroline Anderson (translated by Cherie Rosales)



Desperado na si Liv sa buhay kaya nilapitan niya ang kaibigang si Ben upang humingi ng tulong. Hindi ito nagdalawang-isip at mabilis siyang kinupkop. Nag-apply na rin siyang housekeeper nito upang kahit paano ay hindi siya maging pabigat dito. Ngunit hindi lang pala sa kanyang pribadong buhay siya palpak, pati na rin sa pagtatrabaho. But Ben never complained. In fact, he even seemed fascinated with the chaos she created inside his immaculate house.
Until she decided to take on a job that she knew she was good at. After all, sooner or later she would have to leave him. Dahil hindi lang ang bahay ni Ben ang nagugulo kundi pati na ang puso niya. Hindi niya maaaring mahalin ito, not with her past.
Wala siyang karapatang mahalin ito.

5. PHR 3127 Khaddafi Espiritu by Camilla



Cadence’s life took a sudden twist. From being a spoiled and rich girl, she just found herself living in Little Junterial—a squatters’ area!
Hirap siyang mag-adjust sa kanyang bagong buhay. Hirap din siyang mag-adjust sa mga tao roon na alam niyang hindi naman niya kauri. And she swore the gorgeous Khaddafi Espiritu was no exception. He was way out of her league.
But she later found out that he was far from being a “squatter.” Ito rin ang naging sandalan niya sa punto ng kanyang buhay kung kailan ay tila bibigay na siya. Until realization hit her: she was in love with him!
But she knew he was just passing by in her life. Sooner or later, babalik din sa dati ang buhay niya. Handa ba siyang papasukin doon ang lalaking ito?

6. PHR 3128 Sa Pagitan Ng Dalawang Rosas by Mei Sanchez



Sa kabila ng pagiging guwapo, artistic, at sikat na varsity basketball player ay hindi magawa ni Marco na isiwalat ang nararamdaman niya para sa kaibigang si Michelle. Sinarili na lamang niya ang paghanga at pagmamahal dito.
Dahil sa labis na katorpehan niya ay niligawan ito ng ibang lalaki at naging nobyo nito ang lalaking iyon.
Nasaktan man siya ay nanatili ang pagiging magkaibigan nila. Nagtatampo raw dito si Ana dahil nawalan ito ng oras sa kaibigan mula nang magka-boyfriend ito. Ayon daw kay Ana, siguro kung magkaka-boyfriend din ito ay hindi na magiging masakit dito ang kawalan ng oras dito ng best friend nito. Sinabi pa ni Michelle na may gusto raw sa kanya si Ana.
Nagawa niyang ibaling ang atensiyon kay Ana. Pero kung kailan masaya na siya sa piling nito ay saka naman nagsabi si Michelle na siya ang totoong mahal nito.
Sino ang pipiliin niya—si Michelle na matagal na niyang pinapangarap o si Ana na mahal na mahal siya?

7. PHR 3129 Show Me Love by Ann Margaret


Nagpunta si Tifa sa Rosales, Pangasinan upang pangasiwaan ang iniwang farm sa kanya ng kanyang namayapang ama. Ngunit may isang taong tumututol—si River. Ayaw nito ang pananatili roon, at iyon ay may kinalaman sa kanyang ina at sa tiyuhin nitong magkasamang nasangkot sa isang vehicular accident na ikinasawi ng mga ito.
According to him, her presence would only bring back the past, the scandal. “Mag-uusap” uli ang mga tao.
Ngunit tuwing pinapaalis naman siya nito, hindi maikakailang iba ang nais gawin ng puso nito. It was obvious that he was attracted to her. At siya man ay ganoon din dito. At ang gusto niya ay manatili na lang sa piling nito.
But he kept on driving her away. How would she make him realize that she was meant to stay—right there in his arms?

8. Territorio De Los Hombres Series 50: Juanito Espiritu by Vanessa



Matagal nang inaalagaan ni Rok-rok ang pagmamahal niya para sa best friend niyang si Juanito. Aminado siyang umaasa siyang darating ang araw na mamahalin din siya nito na hindi lamang bilang kaibigan.
Ngunit may iba itong mahal at handa itong gawin ang lahat para sa babaeng iyon, si Zara.
Tinangka niyang paghiwalayin ang mga ito. Ang dahilan ay dahil mahal niya si Juanito at si Zara ay isang babaeng hindi nararapat para dito. Ngunit hindi nagkasira ang mga ito kundi silang magkaibigan. Her friendship was all she had with Juanito, but now it was gone.
Nagalit nang husto sa kanya si Juanito at ibig nitong gumanti sa kanya.
Back to top Go down
 
July 29, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Welland Steam Rally 24th, 25th & 26th July 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: