HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 22, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 22, 2009 Book Release   Wed Jul 22, 2009 1:40 am

1. PHR 3116 Grow Old With You by Mariane Reign



Ela hated Valentine’s Day. Para kasing ipinamumukha ng araw na iyon na tigang ang kanyang buhay-pag-ibig—since birth. Habang ang kanyang mga kapatid at kaibigan ay masayang-masaya sa kanya-kanyang love life, siya ay nagmumukmok at tinatanong ang kapalaran kung kailan niya matatagpuan ang kanyang “The One.”
Hanggang isang araw, napansin niyang may nag-iiba sa kanya. Tinutubuan siya ng pagnanasa sa guwapong si Cyprien Sy. Nagsimula siyang maging aware dito at sa mga magagandang physical attributes nito na dati naman ay dead-ma lang sa kanya. Naiisip niya kung gaano kasuwerte ang babaeng magiging prinsesa nito sa resort na pamamahalaan nito balang-araw. Sa wakas yata ay sinagot na ng kapalaran ang tanong niya tungkol sa kanyang “The One.”
Okay lang sana ang lahat kung hindi lang nagkataong si Cyprien Sy ay ang kanyang best friend…

2. PHR 3117 Just Once In A Lifetime by Noelle Arroyo



Nine years ago, sa kabila ng batang edad, natagpuan nina Shyla at Virgo ang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Pero dahil na rin sa dahilang iyon ay madali silang nagupo ng mga pagsubok, dahilan upang magkahiwalay sila.
Ngunit may paraan ang tadhana dahil muli sila niyong pinagtagpo sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Natuklasan nilang sa kabila ng lumipas na panahon, hinahanap pa rin nila ang isa’t isa. Pinalaya nila ang kanilang mga damdamin at unti-unting hinilom ng pag-ibig na muli nilang natagpuan ang mga sugat na iniwan sa kanila ng masakit na nakaraan.
Pero hindi pa rin maiwasan ni Shyla na mag-alala at multuhin ng takot na naramdaman niya noon. Paano kung muli na naman silang paghiwalayin?
Hindi niya makakaya iyon...

3. PHR 3118 May's Fairy Tale by Victoria Amor



Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe—magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman.
Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura—super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya!
Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito—at nagustuhan niya iyon...

4. PHR 3119 Someone I Could Fall In Love With by Camilla



Napatunayan ni Cara na walang social distinction ang pagiging “KSP.” Class at mayaman ang amo niya, pero sobra kung magpapansin sa pediatrician ng alaga niya na anak-anakan nito. Kunsabagay, hindi niya masisisi si Miss Gracielle. Talaga namang yummy si Dr. Isaac Buenafe. In fact, crush din niya ang binata. Kaya naman hindi siya makapaniwala nang magpakita ito ng interes sa kanya.
Pero ganoon na lang ang pagka-shock niya nang alukin siya nito ng trabaho bilang yaya ng batang si RJ. May anak na pala ito? Nasaan ang ina ng bata?
Na-drain nang husto ang energy niya...

5. PHR 3120 If I Give You My Heart by Sofia



Hindi inaasahan ni Charisma na muling magtatagpo ang mga landas nila ni Averill nang sumama siya sa isang cruise. Malinaw na malinaw pa rin sa alaala niya ang kahihiyang nangyari nang muntik nang ipakasal ito sa kanya noon ng mga magulang niya.
Ngayon ay nakatakdang bumalik ito sa buhay niya. Sa pagkakataong iyon ay tila nakatakdang itama rin nito ang lahat ng mali sa buhay niya. At ngayon ay handa na rin itong angkinin ang puso niya.
Subalit maraming agam-agam ang pumipigil sa kanya. Hindi niya alam kung dapat pa niyang ipagkatiwala ang puso niya rito...

6. PHR 3121 The Blackmail Pregnancy by Melanie Milburne (translated by: Camilla)



Pinaglayo ng tadhana sina Cara at Byron pitong taon na ang nakalilipas. Nang muling magkrus ang kanilang mga landas, kailangan ni Cara ang tulong ng kanyang estranged husband upang maisalba sa pagkalugi ang negosyo nila ng kaibigan niya. Pero may catch iyon: Kailangang bigyan niya ito ng anak, bagay na hindi niya nagawa noong nagsasama pa sila.
Alang-alang sa negosyong pinaghirapan nilang ipundar ng kanyang kaibigan, pikit-matang tinanggap ni Cara ang kondisyon ni Byron—kahit alam niyang imposibleng maibigay niya rito ang hinihiling nito...

7. PHR 3122 Apple Of My Eyes by Dream Grace



Tampulan ng tukso si Apple dahil sa “kakaibang” porma niya. Sa kabila niyon ay nakipagkaibigan pa rin sa kanya si Dean Domingo, ang campus heartthrob at miyembro ng isang sikat na banda.
Sa pangungulit nito ay tinanggap niya ito bilang kaibigan sa kabila ng mga pasaring ng mga babaeng estudyante na tahasang nagpapakita ng interes dito. Inalagaan at pinrotektahan siya nito. Kaya kay dali niyang naniwala nang sabihin nito kung gaano siya kaganda sa paningin nito.
Hanggang sa dumating sa kanya ang realisasyon. Mahal na niya ito hindi lamang bilang kaibigan. Tila ganoon dito ito sa kanya kaya hindi naging mahirap para sa kanila na bigyan ng pangalan ang bagong relasyon nila.
Ang hindi nila inaaasahan, ang pag-amin pala nilang iyon ang magtutulak sa kanila palayo sa isa’t isa.

8. Crimson Series 8: Heartless by Arielle



Nanganganib ang buhay ni Dallas, ng kanyang ama, at ng buong Crimson team sa kamay ng Avalon Knights. Kilala ni Dallas ang leader niyon—ang kanyang asawang si Steed.
Pero hindi na ito si Steed Allivar ngayon. Natuklasan niyang Rusty Magtanggol pala ang tunay na pangalan nito at nagpanggap lamang ito para ma-infiltrate nito ang kompanyang pinamamahalaan niya at malaman nito ang mga sekreto ng kompanya.
Kung inaakala nito na naloko siya nito, nagkakamali ito. May pinanghahawakan siyang alas laban dito at gagamitin niya iyon para matalo ito...

9. Territorio De Los Hombres Series 49: Marionitto Laurel by Vanessa - 256 pages



Marionitto fascinated Salome. Naramdaman kaagad niya na hindi ito katulad ng iba na espesyal ang trato sa kanya at may pagkamangha sa ginagawa niya at sa kanya mismo. Marionitto seemed to hate her guts. At sinabi nito iyon sa kanya. She hated him as well. But he was the most attractive man she had ever met in her whole life…

10. Stallion Island Series 1: Misha Santoros by Sofia




Si Rahya, ang kanyang pinsang si Rome, at ang nobyo nitong si Misha ang tatlong pinakamahalagang tao sa kanilang company. Atas ng kanyang lolo na may-ari ng kompanya na alalayan niya si Rome. Business muna bago ang anupaman. Kaya hindi pa puwedeng makipag-date si Rahya habang hindi pa naikakasal ang pinsan niya kay Misha. Pero tuluyang lumala ang relasyon ng mga ito. Dahil doon ay nadamay ang project nila sa Stallion shampoo. Iyon pa naman ang magiging passport niya sa pagpasok sa Stallion Island.
Isa lang ang paraan para magkasundo ang mga ito: ang turuan niya si Misha na maging perfect boyfriend sa pinsan niya.
Pero habang ginagawa niya iyon, unti-unti siyang nahuhulog kay Misha. Siya na ang nagiging perfect girlfriend para dito.
Back to top Go down
 
July 22, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Welland Steam Rally 24th, 25th & 26th July 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: