HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 15, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 15, 2009 Book Release   Wed Jul 15, 2009 2:21 am

1. PHR 3109 A Stroke Of Love Called You by Sofia



Simple lang naman ang pangarap ni Einjel--ang makatisod ng isang lalaki na miyembro ng Stallion Riding Club. Ang mga lalaki lang sa club na iyon ang karapat-dapat para sa kanya. After all, she was pretty and smart.
Ano naman kung wala siyang alam sa mga gawaing-bahay? Isa naman siyang prinsesa na nakatakdang pagsilbihan nang panghabang-buhay.
Subalit maraming kontrabida sa buhay niya. Numero-uno na ang kababata niyang si Keiji Fontana. Hindi pahuhuli ang kaguwapuhan nito sa mga Stallion boys. Mayaman din ito at santambak ang fans. Ang problema lang ay hindi ito member ng Stallion Riding Club. Pero kung tapos na raw siya sa pangangarap, welcome na welcome daw siya sa fans club nito.
She was out to prove him wrong.
Pero nagkamali siya—dahil hindi lang pala siya ang nakatakdang magsilbi rito kundi pati puso niya!

2. PHR 3110 Perfect Fit by Angel Bautista



Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya—hindi si Rafael—ang Princess Charming na nang-iwan sa kanyang Cinderella.
“He will never willingly fit your glass slippers,” naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya.
Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya.

3. PHR 3111 Race Me To Your Heart by Mariane Reign



Lynd was a playboy, born a playboy’s son, and raised a playboy. Isang normal na gawain na para sa kanya ang magpapalit-palit ng nobya. Kaunting bola lang ay kusa nang bumibigay ang isang babae. At kapag nagsawa na siya rito, agad na hinihiwalayan niya ito, and he would proceed to a new one.
Ngunit iba talaga ang topak ng isang Shenise, ang kauna-unahang babaeng tumanggi sa kanya—isang babaeng pinaliguan ng sandamakmak na katarayan at isang babae na ni lamok ay matatakot dumapo rito. He planned to play with her. Mukha kasing masaya itong paglaruan.
But his game turned out to be her game. Siya ang naakit nito, siya ang nahumaling dito, at siya ang naghahabol dito. Never pang nangyari iyon sa history ng mga Legarda.
The moment his arms were around her, everything changed. He found... love.

4. PHR 3112 The Petersons 4: Lee (He's My Baby) by Dream Grace



Childhood friends sina Leander “Lee” Samuel at Sarah kaya nang ma-realize nila na tumaas na ang antas ng pagtitinginan nila ay hindi na sila nahirapang tanggapin iyon. Madali silang nakapag-adjust sa bagong sitwasyon nila.
Pero ang inakala nilang magiging masayang relasyon nila ay humarap sa sunud-sunod na problemang sumubok sa matibay na pundasyon ng kanilang relasyon.
Mapapatunayan pa kay ni Sarah na nananatili at mananatili pa rin ang pagmamahal niya kay Lee sa kabila ng mga incompatibilities nila kung tila nagbabago na ito at ito na mismo ang unti-unting bumibitaw sa kanya?

5. PHR 3113 Love Me Again by Heart Yngrid



Inis si Frecy sa girlfriend ng kuya niya. Kaya naman laking tuwa niya nang biglang mag-break ang mga ito. Pero saglit lang siyang nagdiwang. Ang kuya kasi niya ang aggrieved party sa hiwalayan. His ex dumped her brother for another guy!
Awang-awa siya sa kuya niya kaya naisipan niyang paghigantihan si Paulene. Hindi puwedeng maging maligaya ito sa piling ng herodes na ipinalit nito sa kuya niya. Nakaisip siya ng isang plano: aagawin niya ang lalaki para naman maranasan din nito ang ipagpalit sa iba ng taong mahal nito.
Pero laking gulat niya nang malaman niya kung sino ang lalaking ipinalit nito sa kuya niya—si Chadilton Barrera, ang dating manliligaw niya na binasted niya.
Paano niya maaagaw ito kay Paulene kung malaki ang galit nito sa kanya? Mukhang kailangang siya naman ang manligaw rito...

6. PHR 3114 Sweet Elf by Dream Grace



Thea thought Hugh’s feelings for her were real. She felt it in his kiss, his embrace, in his eyes when he looked at her with so much intensity.
But she was wrong.
May dahilan pala kaya pinakasalan siya nito. Sinunod lang pala ni Hugh ang kagustuhan ng ama nito na mag-asawa ito at paramihin ang lahi ng mga Blakeney, kung hindi ay aalisan ito ng karapatan sa Cloverlane, ang multimillion company na pag-aari ng pamilya nito.
To add insult to injury, to spite his father more, Hugh didn’t want them to have a child.
She felt she was a pawn in their game. Ang masakit, pumayag siya—all for the man she loved...

7. PHR 3315 Ang Emisaryo Ni Ninong by Camilla - Special Edition, 384 pages



Sobrang hirap ang dinanas ni Augusta sa piling ng tiyahin at malditang pinsan niya. Pero isinugo ng Diyos si Homer para baguhin ang takbo ng buhay niya. Inalok siya nito ng kasal. Ayaw niyang tanggapin iyon dahil iba ang mahal niya—si Hiram, ang kapatid nito.
Pero dahil sa natuklasan niyang sakit ni Homer, pumayag na rin siyang magpakasal dito.
Through the years, she loved Hiram with all her heart—ngunit dahil sa kabutihan ni Homer ay naging mabuting asawa siya rito. Paano kung dumating ang pagkakataon para sa kanila ni Hiram? Would she let that chance pass away? Or would she seize the opportunity to be finally with the man she truly loved?

8. Crimson Quest Series 7: Paramour by Arielle



Nagkamali si Mira sa pag-aakalang natagpuan na niya ang lalaking magmamahal at tatanggap sa kanya bilang siya. Isang kaibigan lamang pala ang turing ni Kyle Anderson sa kanya. Still, she cherished that friendship. Pero nawala rin si Kyle sa kanya nang matagpuan nito ang babaeng mamahalin.
Hurt and emotionally unstable, nakagawa si Mira ng isang “krimen.”
Kinalimutan niya ang insidenteng iyon. Binago niya ang kanyang pangalan. Sa tulong ng modern science ay binago niya ang kanyang hitsura at pagkatao. Isang babaeng malakas, palaban, at maganda ang ipinalit niya sa simpleng Mira. Taglay na niya ngayon ang pangalang “Miranda Steinberg.”
Inakala niyang nagtagumpay siya sa pagtalikod sa dati niyang katauhan. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makaharap niya si Recon, ang pinakabagong miyembro ng Crimson Team.
Si Recon kasi ang tanging saksi sa “krimen” na nagawa niya nang magkaroon siya ng emotional breakdown!
Back to top Go down
 
July 15, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Welland Steam Rally 24th, 25th & 26th July 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: