HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 8, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 8, 2009 Book Release   Wed Jul 08, 2009 5:51 am

1. PHR 3100 Heartbreakers: Nikos, The Eternal Greek Playboy by Sofia



Prenteng-prente si Arizona sa pagsa-sunbathing nang maramdaman niyang may malamig na likido na umaagos sa kanyang likod. Nang bumalikwas siya ay nakita niya ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa buong buhay niya.
“Hi!” he greeted her with a smile.
Then her eyes caught the empty bottle of wine he was holding. Doon niya napagtagni-tagni ang pangyayari. Sinadya nitong buhusan siya ng alak para kapag nagulat siya ay bigla siyang babalikwas. Then he could take a peak on her bare breasts.
Binigyan niya ito ng upper cut at sinipa ito sa tiyan. Nahulog ito sa pool. “Maniac! Maniac!” sigaw pa niya. Sayang lang ang kaguwapuhan nito. Kung naiba lamang ang sitwasyon ng pagkikita nila, tiyak na nagkagusto siya rito.
Hanggang isang araw ay nalaman niyang hindi naman pala ito ang nagbuhos sa kanya ng wine. Nagi-guilty siya. Gusto niyang mag-“sorry” dito. At siyempre, gusto rin niyang mapalapit dito…

2. PHR 3101 Happy Together by Rose Tan



Beauty queen material si Tatiana, pero sa kung anong dahilan, lagi siyang naloloko ng mga lalaki. Ang latest boyfriend niya, itinakbo pa ang hard-earned money nila ng kaibigan niya. Sa kadesperaduhan, napilitan silang lumapit sa isang psychic.
May guwapong protege ang psychic na kinonsulta nila—si Donato. Tutulungan daw sila higit pa sa makakaya ng mga ito at walang bayad ang serbisyo. Hulog yata ng langit ang lalaking nangangako ng bukang-liwayway ang bawat ngiti. Kinikilig ang puso niya.
Pero peke pala ang walanghiya!
Igigisa niya ito sa sarili nitong mantika...

3. PHR 3102 I'll Always Love You (Itsumo Aishiteru) by Dream Grace



Bumalik si Yukari sa rancho na dala ang isang di-magandang alaala: ang pag-ibig niya kay Aaron na walang pakundangang tinanggihan nito ilang taon na ang nakalilipas. Wala na siyang balak na angkinin uli ang pag-ibig nito, ngunit sa homecoming niyang ito, nadatnan niya ang binatang mabilis na nahuhulog ang loob sa isang amnesiac na babaeng pansamantalang nakatira sa mansiyon.
Dala ng panunulsol ng kanyang Lola Ida, kailangang gumawa siya ng paraan upang mabaling sa kanya ang atensiyon ni Aaron...

4. PHR 3103 A Fiancée For Kazuo Takenaga by Camilla



Nang mangailangan ng malaking halaga ang pamangkin ni Jilleene para maoperahan ito sa puso, maituturing na hulog ng langit ang pagdating ni Kazuo Takenaga sa buhay nila. Pero kaya ba niyang tanggapin ang alok nitong financial help kapalit ang pagpapanggap na “fiancée” nito para linlangin ang pamilya nito? Higit sa lahat, kaya ba niyang isugal ang puso niya na hindi malayong mahumaling sa guwapong binata?

5. PHR 3104 Girl Waiting by Dawn Igloria



Sunud-sunod ang bad news kay Dey nang araw na iyon. Nag-long distance call ang kapatid niya mula sa Canada at sinabi nitong nakipag-break dito ang fiance nito kaya hindi na matutuloy ang kasal nito. Na-lay off sa trabaho ang papa niya. Naubusan ng ink ang printer niyang maglilimbag sana ng report niya sa school na deadline na kinabukasan—kung kailan gabi na at malakas pa ang ulan. Ayaw na ayaw pa naman niyang nababasa ng ulan, lalo ng tubig-baha ang mga paa niya. Sinumpong pa ng rayuma ang papa niya kaya hindi raw siya nito maipagmamaneho ng kotse patungo sa tindahan ng ink.
Napilitan siyang mag-taxi na lang. Nakabili na siya ng ink nang bigla silang magkita ni Keith, ang lalaking iniibig niya.
Akala niya ay iyon na ang sisira ng mahabang streak ng kamalasan sa loob ng araw na iyon. Suddenly, hindi na nakakaasar ang malakas na buhos ng ulan. At kaibigan na ang turing niya sa baha. Ang mga iyon ang susi kung bakit sila nagkasama ni Keith. Ang saya-saya niya. Dahil nagtapat ang binata ng feelings nito sa kanya. Magkasama pa sila nito sa magdamag.
Ngunit pagkaraan lamang ng isang araw ay hindi na niya mahanap ito. Pinagtaguan na siya nito.

6. PHR 3105 True Colors by Laurice del Rio



Si Trisha ay isa sa iilan lamang na nakakaalam ng sekreto ng best friend niyang si Luis. Not even his closest relative knew about his secret. Nagkaroon lang ng problema nang magpasya ang lolo ni Luis na magkaroon ng isang linggong selebrasyon ng kaarawan nito sa isang isla. Gusto raw makilatis ng matanda ang susunod na henerasyon ng mga Villafuente.
Tutal ay best friend niya si Luis, pumayag si Trisha na tumayong girlfriend nito. Ang masaklap, nagmagandang-loob na nga siya ay iyon pa ang naging daan para muling magtagpo ang mga landas nila ni Brix, ang lalaking inasam niyang huwag na niyang makita kailanman.
Determinado siya na huwag pansinin si Brix. Pero kahit ano ang gawin niya ay parang pinipilit siya ng puso niya na ituon ang kanyang atensiyon dito. Hanggang sa matuklasan niya na may motibo ito kaya nagpapapansin sa kanya.

7. PHR 3106 Dream House by Camilla



Napapikit si Erle nang malangahap niya ang isang pamilyar na pabango: ang Samirah’s baby cologne. Kapapasok lamang nila ng fiancé niyang Meriel sa bahay na napili nitong maging tahanan nila.
Pagdilat niya, akala niya ay nanaginip lamang siya—because Samirah, his childhood sweetheart, was standing in front of him. Tila naalimpungatan siya nang sikuhin siya ni Meriel. “Honey, this is Samirah Manipes, the brilliant architect who created this dream house…”
Napatiim-bagang siya. Kay tagal niyang inasam ang muling pagkikita nila ni Samirah. Ngunit hindi niya inaasahang muling susulpot ito sa buhay niya. Kung kailan ikakasal na siya.

8. PHR 3107 Heartbreakers: Marcoe, The French God Of Wine by Sofia



Reese thought her life was already exciting enough. Bilang photojournalist, sanay siyang makipaghabulan sa bala, humarap sa sumasabog na bulkan, at makipaglaban sa bagyo bilang bahagi ng kanyang trabaho. Wala siyang panahon sa lalaki. Sagabal lamang ang mga ito sa kanyang trabaho.
Until Marcoe Arezmendi invaded her “exciting” life. This half Filipino-half French wine tycoon gave her the new meaning of adrenaline rush. Everybody told her to stay away from this jet-setting playboy. He was dangerous with capital D.
But she was used to danger. The more dangerous it was the better. But how come this dangerous man was the only one who could make her feel safe?

9. PHR 3108 Magda's Romance by Vanessa



More than anything, Magda loved her pet poodle. Kaya naman nang bigla na lamang itong ma-“rape” ng isang mongrel ay anong inis niya. Lalo siyang nainis nang makilala niya kung sino ang amo ng mongrel na iyon, isang lalaking ang pakiramdam yata ay napakaguwapo nito.
She thought she would never see him again until she found out he was the one her parents asked to look after her after she received a death threat. His name was “Cuddles.” Sa totoo lang ay hindi bagay rito ang pangalan nito. He looked like a goon with muscles everywhere looked!
Pero bakit natutukso siya sa mga muscles nito?

10. MLH 375 Severino by Rose Tan



Hindi lumilipad at walang pambihirang lakas, subalit sa oras ng pangangailangan ay dumarating si Handyman, also known as “Severino Quiros.” Kaya nang ideklara nito ang sarili na tagapagtanggol at tagapangalaga niya, hindi tumanggi ang herederang si Georgia.
Kailangan niya ng tagalinis, tagaluto, tagatapon ng basura... In short, errand man. Buong puso namang naglingkod ang bayani and she wondered why.
“Sayang ang euros na ibabayad sa akin ng kapatid mo sa pagbabantay sa `yo,” paliwanag ng former Mr. Pogi turned Mr. Fix It.
Pera lang ba talaga ang dahilan?
So what? Marami akong pera. I can afford him.
Then she learned of his past and it was her turn to save and protect her hero...
Back to top Go down
 
July 8, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Welland Steam Rally 24th, 25th & 26th July 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: