HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 July 1, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: July 1, 2009 Book Release   Wed Jul 01, 2009 4:58 am

1. PHR 3091 Two Sweet Kisses by Sonia Francesca



Jina met Frank while she was trying to win the man of her dreams. Pero ang magaling na lalaki, lagi siyang dini-distract sa kanyang pakikibaka. Ang mas malala ay siya pa ang itinalaga nitong “excuse” sa mga babaeng humahabol dito.
“You are my excuse. That’s why I don’t ever want to see you get hurt by anyone. Especially that guy.”
Talaga? Pero bakit mas mukha itong nagseselos kaysa nagpoprotekta lang?

2. PHR 3092 Kaputol Ng Nakaraan by Camilla



Pakiramdam ni Thea ay maraming mali sa buhay niya. Sa home along da riles sila nakatira. Wala siyang nakagisnang ama. Ang malala sa lahat, ang kanyang ina ay tila kontento na sa pagiging mistress ng kung sinu-sinong lalaki.
Until came Menardo.
He was her knight in shining armor and Prince Charming.
Her knight, because he saved her from being sexually assaulted. Her Prince Charming, because he was everything she was looking for in a man.
She fell in love with him. And for the first time in her life, tila may tama sa buhay niya.
Ngunit maging ito pala ay marami ring mali sa buhay. At tila marami pa sa pagkatao nito ang misteryoso sa kanya.
Would their relationship weather the storms in their lives?

3. PHR 3093 The Love You Want by Amanda



Nasa punto ng kanyang buhay si Louise na ang lahat ng pangarap niya ay halos abot-kamay na lamang niya. She had a promising career in modeling and she had planned her life ahead of her. Wala siyang panahon sa pakikipagrelasyon kaya sa edad niya ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend. Ang kaibigan niyang si Candy ang tangi niyang pamilya.
Pero nagbago ang lahat nang mamatay sa panganganak si Candy at maiwan sa kanya ang anak nitong si Jaydee. Nakilala niya si Marcus Arguelles, ang tito ni Jaydee. Guwapo ito, mayaman… at mayabang. Marcus was so sure of himself. He was even sure na nasa mga kamay nito ang kaligayahan niya. Na kaya nitong ibigay sa kanya ang langit at mga bituin mahalin lang niya ito. Pero nangangahulugan iyon na kailangan niyang mamili sa pag-ibig o career.
Kaya ba niyang talikuran ang kanyang mga pangarap para sa isang pag-ibig na hindi niya alam kung saan makakarating?

4. PHR 3094 The Marriage Risk by Emma Darcy



Matagal nang lihim na itinatangi ng puso ni Lucy si James Enriquez, ang guwapong boss niya. Pero imposible yatang mapansin siya nito dahil malayung-malayo siya sa mga babaeng tipo nito. She was just his sensible, prim and proper secretary.
Ngunit sa isang pagkakataong iniwan muna niya ang pagiging prim and proper, nakita niya ang pagkasorpresa nito. Lalo na nang makilala nito ang guwapong kasama niya. Tila nais nitong balian ng buto ang lalaki at ilayo siya roon habang-buhay.
Dapat ba siyang umasa?

5. PHR 3095 Mimay's Romance by Vanessa



Init ng ulo ang pinakamalaking dahilan kung bakit napasama ang pagkakabasted ni Mimay kay Pancho, isang Tsinoy na manliligaw niya na hindi mahusay mag-Tagalog. Hindi niya ito type. Ni hindi nga niya naisip ito pagkatapos ng pambabasted dito.
Pagkalipas ng ilang taon ay muli silang nagkita. Ibang-iba na ito. Mula sa pagbibigay sa kanya ng hopia at chammy na animo isang atat na bata ay mukha na ito ngayong modelo. Hindi niya inakalang ito pala ang magbibigay sa kanya ng tulong na kailangang-kailangan niya kahit tila labag iyon sa loob nito. Ipinakiusap lamang kasi siya rito ng nobya nito. Ang nobya nito na siyang abogada niya.
Paano na ang nabubuong pagtingin niya sa lalaki? Ano ang laban niya sa isang abogada na bukod sa pinagkakautangan niya ng loob ay maganda, istrikto, matapang, at isang sharpshooter na may alagang Armalite?

6. PHR 3096 Sabi Ng Mga Bituin, Ayon Kay Madam Uta by Camilla



Si Uta ay isang manghuhula sa Quiapo. Isa si Lolo Pocas sa mga hinulaan niya na nagbigay ng problema sa kanya. Sinugod siya ni Newton—ang guwapong apo nito—at sinabing naospital daw ito dahil sa hula niya. Nagsimulang mawindang ang sistema niya. Ang dasal lang niya ay ayunan sana ng mga bituin ang “vibes” niya na si Newton ang lalaking para sa kanya.
Pero nagkasunud-sunod ang kamalasan niya. May sumugod sa kanya sa puwesto niya at inaway-away siya. Ang huli ang pinakamatindi—si Joanna, ang nobya ni Newton na nagpamukha sa kanya na ilusyonada siya para pangaraping ibigin ng isang katulad ni Newton Esquierdo.
Tama ang babae. Magkaiba ang kanilang mundo ni Newton. At dahil doon ay nagpasya siyang lumayo...

7. PHR 3097 Sidd Azarcon And His Secret Daughter by Camilla



After three years, muling sumulpot sa buhay ni Hilary si Sidd Azarcon. Hindi siya handa roon. What would Sidd’s reaction be when he saw Yohanna? Would he guess Yohanna was his daughter?
She had no idea how she would deal with that situation.
And the inevitable happened. What gave him the right to breeze in and start making demands after all this time? Ni hindi nito kamukha si Yohanna!

8. PHR 3098 Meant To Be by Cora Clemente



Malaki ang hidwaan sa pagitan ng mga Jordan at Del Fierro. Mula pa nang magkaisip si Alexandra ay itinuring na niyang kaaway si Terrence.
So what kung oozing with sex appeal si Terrence at pumapaling ang lahat ng ulo ng mga kababaihang nakakasalubong nito? Basta ang alam niya, isa itong virus na dapat iwasan.
Pero isang sitwasyon ang nagtulak sa kanya para kainin ang lahat ng sinabi niya na hinding-hindi siya magpapakasal at lalong hindi siya mai-in love sa isang Jordan dahil nagising na lamang siya isang umaga na katabi na niya ito sa kama at asawa na siya nito.

9. PHR 3098 To Love Again by Angel Bautista



Hindi matanggap ni Rhiya ang biglaang pagkamatay ng kasintahan niyang si Jay. Sa nakalipas na mga taon, namuhay siya na puno ng kinikimkim na pait at sakit ang puso niya.
Hanggang sa dumating sa buhay niya si Patrick. Tinulungan siya nitong bumangon at tanggapin ang katotohanang pilit niyang tinatakasan. Tinuruan siya nitong muling magtiwala sa mga pangako. Minahal siya nito sa kabila ng kawalang-kasiguruhan na mamahalin din niya ito. Handa itong maghintay hanggang sa dumating ang panahong muli siyang sumubok na magmahal.
Sa ikalawang pagkakataon ay kumakatok sa kanyang puso ang isang pag-ibig. Handa nab a siyang muling buksan ang puso niya na labis na nasaktan?

10. Crimson Quest Series 6: Star-crossed by Arielle



Umalis si Ilyse sa bayan nila para takasan ang kahirapan. Nagsikap siyang magtrabaho at mag-aral sa Maynila ngunit lagi ay puro kamalasan ang inaabot niya.
Kasalukuyan siyang namomroblema na naman sa panggastos nang matuklasan niyang ang lahat ng pera at negosyo ng kanyang Tita Me-Ann ay ipinamana nito sa kanya.
Makakaahon na siya sa kahirapan at maaari na niyang matupad ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Unfortunately, mayroong kasamang kondisyon ang kanyang mamanahin. Kailangan niyang pamahalaan at asikasuhin ang isang escort dating service!
Napakabata pa niya para i-manage ang ganoong klase ng negosyo. Kaya nagpasya siyang lumikha ng ibang katauhan. Siya na si Miss Caressa, ang kapatid ni Maria Anna na dating may-ari ng escort service business. Sa trabahong iyon niya nakilala si Spark.
Si Spark na ang nagmamay-ari ng susi sa silver locket na iniwan sa kanya ng tita niya. Ipinamana raw dito ng tito nito ang golden key ng locket. Ang tito pala nito ang one great love ng tita niya.
Hindi niya maiwasang isipin na ano kaya kung sila ni Spark ang magtuloy sa naudlot na pagmamahalan ng kanya-kanyang tita at tito? Pero Malabo yatang mangyari iyon—dahil ilang beses na nagsabi ito na kung bata-bata lamang si Miss Caressa ay magugustuhan nito ang babae.
Susme, nagseselos siya sa alter ego niya!

11. The Bachelors 51: Zachary Almonte (Can You Be My Girlfriend?) by Elizabeth McBride



Mula pa noon ay pinangarap na ni Prunes na maging boyfriend si Zachary Almonte. Ginawa niya ang lahat sukdulang magpanggap siyang konserbatibong nerd, mapansin lang siya nito. Pero matinding sakit ang naging resulta niyon. Iniwan siya nito kung kailan inaakala niyang mahal na rin siya nito.
Sa muling pagkikita nila, baon pa rin niya ang sakit na itinanim nito sa kanyang puso. Pero hindi na siya ang dating Prunes na hanggang langit ang pagmamahal dito. This time, may plano siya. Paiibigin uli niya si Zachary at ibabalik dito ang sakit na ipinaramdam nito sa kanya noon.
Paano kung sa kanyang bumuwelta ang sakit?
Back to top Go down
 
July 1, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Welland Steam Rally 24th, 25th & 26th July 2009
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: