HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 24, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 24, 2009 Book Release   Wed Jun 24, 2009 1:22 am

1. PHR 3082 Mio Azarcon And His Affair To Remember by Camilla



Pumunta si Lovette sa Manila para tulungan ang kaibigang si Arriane sa isang pagpapanggap para ma-turn off ditto ang manliligaw nito. Hindi kasi nito lantarang na-basted si Mio Azarcon kaya ginawa siyang alibi nito.
Pumayag si Lovette. Pero bigla ay parang gusto niyang pagsisihan ang ginawang pagpayag nang makita upclose and personal ang basketball player na si Mio pagkalipas ng maraming taon.
Gaya ng ginawa niya noong bata pa siya sa isang kapatid nito, hindi niya napigilan ang sariling magpa-cute dito...

2. PHR 3083 Stolen Kisses by Sonia Francesca



Playing Cupid ang pinagpipitaganang heneral na ama ng kaibigan ni Francey kaya ipinakilala nito sa kanya ang pamangkin nitong si Benedict. Aminado man siyang umaapaw ang karisma ng binata, hindi niya type ito, lalo na at sa una pa lang nilang pagkikita ay tila minenos na nito ang kakayahan niya bilang isang writer.
Until he saved her life. Things changed. And so did her heart. Ang problema, mukhang purely business lang ang gusto nitong maging relasyon nila nang alukin siya nito ng trabaho.
“I don’t believe in mixing business with pleasure. That us never a good thing,” tandang-tanda pa niya na sabi nito.
Pero isang araw ay bigla na lang siyang hinalikan nito. Nasaan ang “business” doon?

3. PHR 3084 Becoming Mrs. Palermo by Camilla



Nakasangla ang bahay nina Bryna kay Kota Palermo. Nais ng mayamang lalaki na tubusin niya ang bahay sa takdang-oras na nakalagay sa kontratang pinirmahan ng kanyang yumaong ina. Kung hindi, mapipilitan itong ibenta na iyon, ayon sa kasunduan. Hindi niya iyon mapapayagang mangyari. Saan sila pupulutin ng kanyang lolang may sakit kung mawawala ang bahay na iyon?
Nang alukin siya ni Kota ng kasal kapalit ng titulo ng bahay, naalarma siya. Magpapakasal ba siya sa isang lalaking hindi niya mahal at notorious sa pagkapalikero?
She was left with no choice. Hindi niya kayang mawala ang bahay na pinaghirapang ipundar ng kanyang yumaong ama. So, she would become Mrs. Kota Palermo soon. And God only knew how she would survive the ordeal.

4. PHR 3085 Didi's Romance by Vanessa



Didi was in the fashion industry and was best friends with a jet-setter and A-lister millionaire Margot. Ang buhay niya ay umiikot sa mga parties. She had the perfect life when her fiancé took back her engagement ring and gave it away to someone else right before her eyes.
Ang akala niya ay katapusan na ng mundo. Pero hindi pala. Binigyang-linaw iyon sa kanya ni Juan, ang nobyo ni Margot. She fell for him... But he was Margot’s. And whomever Margot possessed, no other woman can touch.

5. PHR 3086 MissFortune by Rose Tan



Kung ang boss mo ay guwapo at simpatico, malaki ang problema mo.
Hindi na kailangang sabihin iyon kay Valeria. Alam na alam niya na off-limits si Pocholo. Hindi puwedeng mahalin, ilusyunin at pagnasaan ito simply because he was her very dashing boss. Employer. Amo.
Ibinaling na lang niya sa iba ang kanyang romantic aspirations. But her romantic aspirations had a nasty habit of going back to Pocholo dahil isang gabi, nagsabi ito na may ipagtatapat ito sa kanya.
At ano ba ang ipinagtatapat ng mga lalaki sa mga babae? Isa lang. It was so overwhelming that she kissed him.
Ang kaso, hindi pala pag-ibig ang ipagtatapat ni Pocholo.
Kalamidad!

6. PHR 3087 Sweet Vagabond by Victoria Amor



Sa pagkamatay ng pinsan ni Ayenne, naiwan sa pangangalaga niya ang pitong buwang gulang na kambal nito--sina Marrius at Marri. Hindi man niya alam kung paano haharapin ang bagong responsibilidad ay kinailangan niyang tanggaping siya na ang tatayong ina ng mga ito.
Pero ang hindi niya alam, kakabit pala ng naging pagbubuntis ng pinsan niya sa kambal ang mga lihim na kasamang nailibing sa pagkamatay nito. At ang bagong lalaki sa buhay niya ang may dala ng susi para maungkat ang isang masakit na katotohanan.
At ang katotohanang iyon ang babago sa buhay ng kambal at maghahatid ng walang-kapantay na sakit sa puso niya…

7. PHR 3088 Just To Be The Next To Be With You by Heart Yngrid



Best boy bud ni Xandra si Vince. Mula pagkabata ay magkadikit na sila. Si Vince ang dakilang tagapagtanggol niya, pananggalang sa lahat, tagalutas ng lahat ng problema niya, kaya naman spoiled siya rito.
Nang bumalik ang kanyang first and only love na si Julius, naisip niyang mapapakinabangan na naman niya ang kanyang best friend. Inutusan niya itong ligawan si Judith, ang babaeng nililigawan ni Julius, para walang maging sagabal sa pag-asam niya sa kanyang first love.
Sumunod naman si Vince. Pinaibig nito si Judith para makaporma siya kay Julius. Pero nang makita niyang nagkakaigihan na ang mga ito at hindi na sila nagkakasama ng kanyang best friend ay nakadama siya ng hindi maipaliwanag na lungkot.
Miss na niya ang kolokoy. Love na yata niya ito nang higit pa sa kaibigan.

8. PHR 3089 Vincenzo Verdi by Vanessa



Never before had Victoria felt an intense physical attraction for any man until Vincenzo Verdi—a chef, hotel owner, and real estate tycoon. Marami na siyang narinig tungkol dito—that he was a heartbreaker, and the town’s biggest jerk. Nagkaroon siya ng pagkakataong magtrabaho sa hotel nito at natuklasan niyang totoo pala ang mga bali-balita. He kept seducing her until she could no longer deny the passion she felt for him.
Marami silang pinagsaluhang masasayang sandali at sigurado siyang mahal na mahal na niya ito. She even started dreaming of a life forever with him. Pero hindi pa rin mawala ang pangamba sa puso, lalo at wala naman itong ipinangakong kahit ano na may kinalaman sa kanilang relasyon...

9. PHR 3090 What Shanika Finds In Mt. Banahaw by Camilla



Isa lang ang pakay ni Shanika sa pagsugod niya sa Mt. Banahaw—ang hanapin ang runaway fiancé niyang si Rodel na diumano ay sumali sa isang kulto. At kapag nakita niya ito, ipapamukha niya rito kung gaano ito katanga. Ipinagpalit siya nito sa singkuwenta mil!
Sa halip na si Rodel, isang guwapong pilantropong si Rajin Hernandez ang natagpuan niya roon. Pero isang pangit na karanasan nito na may kinalaman sa pamilya niya ang magiging dahilan ng tunay na pagkabigo ng kanyang puso...

10. MLB 216 Melody & Vance by Kayla Caliente



Walang kaso kay Melody kahit pumuti ang buhok niya na mag-isa lang siya sa buhay. Ang paniwala pa nga niya, mas mapapadali ang pagputi ng buhok niya bukod sa magkakaroon siya ng memory gap at osteoporosis kung naturingan ngang may katuwang siya sa buhay pero hindi naman talaga niya makakatuwang ito sa tamang kahulugan niyon.
Taliwas naman doon ang paniniwala ni Vance. Research showed that married people tend to have longer lives than singles. Iyon ang iginigiit nito.
Hanggang sa magkahamunan sila na magsasama sila bilang mag-asawa—minus the sex, of course—at kung sino ang makapagpapabago ng pananaw ng isa’t isa tungkol sa pag-aasawa ay siya ang tatanghaling panalo.
Sa palagay niya ay siya na ang tatanghaling kampeon. Matatag kasi siya sa kanyang pinaniniwalaan.
Pero teka, bakit parang gusto siyang traidurin ng kanyang pananampalataya? Wala sanang kaso iyon kung hindi si Vance din mismo ang mukhang nagbago na ng lyrics ang kinakanta nito.

11. GEM 44 Aurora by Vanessa



Dalawang magkaibang mundo ang kinabibilangan nina Aurora at Isidro. Unang pagkakakilala pa lamang ni Aurora sa lalaki ay labis na siyang nagalit sa kapangahasan nito. Subalit madaling nabura ang galit na iyon, napalitan ng damdaming noon lang niya nadama.
Napakalaking pagbabago ang idinulot nito sa kanya, lalo at tinulungan siya nitong makaahon sa buhay na kinasadlakan niya. At sa paglipas ng panahon, nahulog na nang tuluyan ang kanyang puso rto.
Buo ang kanyang pag-asa na darating ang panahong magkakaroon ng magandang kahihinatnan ang kanilang nasimulan. Ngunit sa kabila ng lahat ng pagmamahal na ibinigay niya rito, kaiguan pa rin ang natamo niya. Paano pa niya bubuuin ang kanyang sarili gayong batid niyang kailanman ay hindi na niya mababawi rito ang kanyang puso?

12. GEM 45 Pieces Of Me by Camilla



Laine’s life seemed perfect—except for her little sister who couldn’t outgrow their sibling rivalry. Nang maaksidente ang kapatid niya at hiniling nito na ayaw siyang makita nito habang nagpapagaling ay pumunta siya sa Sagada. Doon nagsimulang manganib ang buhay niya.
Then she met Tacky—a gorgeous detective who proved to be a perfect bodyguard. Agad na nahulog ang loob niya rito. Ngunit kasabay niyon ang maraming lihim na natuklasan niya na babasag sa kanyang pagkatao.
May pag-asa pa bang mabigyang-katotohanan ang pag-ibig niya kay Tacky na umusbong sa gitna ng panganib na kinahaharap niya?
Back to top Go down
 
June 24, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Filming to begin for Bounty Hunter June 15, 2009 in Brooklyn
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Yeh Rishta WU 14th June'13
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: