HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 17, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 17, 2009 Book Release   Wed Jun 17, 2009 3:54 am

1. PHR 3077 My Second Chance To Love by Yzabel



Maraming buwan na ang lumipas pero nahihirapan pa rin si Kate na kalimutan ang ex-boyfriend niyang si Jasper. Nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso ang pagpaparaya niya rito at sa babaeng ipinalit nito sa kanya.
Para sa kanya ay hindi na mababalik ang dating sigla niya.
Mali pala siya.
Dahil nakilala niya si Ethan, ang makulit pero simpatikong abogado na pagkatapos niyang makabanggaan ay nagpakita ng interes sa kanya. Misteryoso ang dating nito sa kanya pero dahil sa sweetness at espesyal na atensiyong ibinibigay nito sa kanya ay unti-unting uli siyang natutong ngumiti.
Ito na nga kaya ang lalaking mag-aahon sa kanya mula sa malungkot na kahapon at aakay sa kanya sa masayang bukas na pinapangarap niya?

2. PHR 3078 Someone Else's Wife by Camilla



Rainna’s first marriage was traumatic. Kinailangan niyang lumayo para magtago sa dating asawa. Sa kanyang pagtatago, nakilala niya si Warrick.
And she fell in love with him.
Pero masyadong masalimuot ang dating buhay niya. Dangers were consistently present. She survived them all. Pero may pangyayaring hindi niya nakayanan: ang pagtataksil ni Warrick sa kanya.
Real danger came from a person she trusted. And her life was put at stake...

3. PHR 3079 The Love Of Mimay's Life by Almira Jose



Hindi maganda ang unang impresyon ni Mimay sa boss niyang si Desmond. Hindi maganda ang unang pagtatagpo nila. Sungitan ba naman siya nito!
Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito. Mabait at mapagkalinga pala ito. Napatunayan niya iyon nang magkasakit siya at inalagaan siya nito.
Hindi na kataka-taka na nahulog ang loob niya rito. Ang akala niya ay may pag-asa siyang matutugunan nito ang damdamin niya. Kaya buong pusong ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito.
Pero mali pala siya. Nalaman niyang may iba pala itong mahal. Iyon ay ang ex-girlfriend nito na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nitong balikan ito. At nang bumalik sa buhay nito ang babaeng iyon, basta na lang siya isinantabi nito.
Her heart was torn into tiny pieces. Gayunman, patuloy niyang minahal ito. Maghihintay siya kung kailan mababaling ang pagtingin nito sa kanya...

4. PHR 3080 The Remake Of Pia's Story by Vanessa



Sa unang pagtatagpo pa lamang nina Pia at Jerome, dama na ni Pia na ang binata ang itinakda para sa kanya. Ito ang lalaking kanyang pinapangarap—guwapo, mayaman, at edukado. Pero hindi siya type nito. Sa katunayan, inis na inis ito sa kanya. Kung ang ibang tao ay naku-cute-an sa kanya, si Jerome ay naiirita.
Dead-ma rito ang pagpapansin niya. Bagaman malaking palaisipan sa kanya kung bakit hindi siya pinapansin nito at madalas na kinaiinisan, hindi naman siya pinapaalis nito.
Hanggang sa isang araw ay nabago ang takbo ng pangyayari. Gusto nitong maging nobya siya. Aba, hindi siya baliw para tumanggi.

5. PHR 3081 The Petersons 3: Trick (Somebody's Darling) by Dream Grace



Si Evan ang talagang gusto ni Irene pero tuwing pupunta siya sa bahay nito ay palaging ang kapatid nitong si Trick ang nakakaharap niya. Wala sanang iyon kaso sa kanya dahil nais din naman niyang maging malapit sa pamilya ni Evan. Dangan lamang at iba yata ang pagkakaintindi ni Trick sa kahulugan ng “pag-iistima” sa bisita.
Sa halip na matuwa siya ay ibayong pagkaasar ang nadarama niya dahil misyon na yata nito ang inisin siya sa mga simpleng pasaring nito sa kanya.
Hanggang sa malaman niya kung bakit ganoon ang trato nito sa kanya. Idinadaan daw nito sa biro ang totoong feelings nito para sa kanya. Nais daw nitong makuha ang atensiyon niya para kausapin niya ito at masabi nito ang isang bagay na inililihim sa kanya ng kapatid nito...

6. PHR 1365 Kung Magising Akong Wala Ka Na by Laurice del Rio



Faye could never fall for someone like Gabriel—seryoso, istrikto at masungit. Parang lahat ng kilos nito ay bilang at may numero. Ito ang total opposite ng kapatid nitong si Rowan, ang childhood crush niya.
Pero dagling naglaho ang impresyon niyang iyon nang makilala niya ito nang mabuti. Marunong din pala itong tumawa. Kailangan lang nito ng taong mag-uudyok dito na mag-enjoy. Isa pa, napakabuti nito, isang certified gentleman. Mas masaya rin siya kapag kasama ito.
And she could swear na tila tumigil sa pag-ikot ang mundo nang halikan siya nito.
At kung kailan naman inaamin na niya sa kanyang sariling mahal na niya ito ay saka naman niya natuklasang may iba itong dahilan sa pakikipaglapit sa kanya…

7. Crimson Quest Series 4: Sacrifice by Arielle



Ordinaryo at boring ang buhay ni Riva. Ngunit nagbago iyon nang makilala niya si Craven Ballesteros. Nilangkapan nito ng excitement ang buhay niya mula pa sa unang pagkikita nila.
Pero malabong tugunin nito ang damdamin niya. Una, may girlfriend na ito. Pangalawa, masyadong magkaiba ang mga mundong ginagalawan nila. Dahil doon, malabo ring magkrus uli ang kanilang mga landas.
Hanggang sa magkita uli sila ng kaibigan niyang si Dantè. Dahil dito ay unti-unting napalapit siya kay Craven. Ngayon ay mayroon na siyang pagkakataon na mapaibig ang binata. Ngunit kailangan niyang panatilihing sekreto ang existence ni Danté. Dahil kung malalaman ni Craven ang tungkol kay Danté, hinding-hindi siya mamahalin nito!

8. Crimson Quest Series 5: Conquest by Arielle



Dallas hated playboys. And Steed Allivar was a playboy. Bukod doon, masyadong malaki ang tiwala nito sa sarili at nuknukan ito ng yabang.
But for reasons unknown to her, she was drawn to him. Pero hindi siya aamin na may nararamdaman siya para dito. Kahit pa napapansin niya na kahit na panay ang away nila kapag magkasama sila ay nami-miss at nade-depress naman siya kapag hindi niya ito nakikita.
Ano ang tawag sa nararamdaman niya kung sa isip niya ay sinasabi niyang hindi siya in love dito?
Back to top Go down
 
June 17, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Filming to begin for Bounty Hunter June 15, 2009 in Brooklyn
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Yeh Rishta WU 14th June'13
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: