HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 10, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 10, 2009 Book Release   Wed Jun 10, 2009 10:44 am

Pasensiya na sa lahat ng nag-abang ng release kahapon. Under maintenance pala ang Smartbro sa area namin, hindi man lang ako tinext. Tapos, ise-send ko na sana kanina, biglang nag-down. Haaay... Sana successful na ito.

1. PHR 3067 Armida's Romance by Vanessa



Kinailangan ni Armida na gumawa ng paraan para sa kanyang inang nangangailangan ng operasyon kaya nakasama niya nang isang gabi si Attorney Miguelito Bartolome, ang pinakamabagsik na abogadong nakilala niya. Tila walang konsiyensiya ito.
Ngunit sa halip na may mamagitan sa kanila ay inalok siya nito ng kasal.
Nang magkasama na sila sa iisang bubong ay nalaman niyang ang abogadong inakala niyang walang puso ay makakasundo niya nang husto. Nadiskubre din niya na taliwas sa imahe nito sa publiko ay palatawa at malambing ito. At natuto ang puso niyang mahalin ito.
Pero may ibang motibo pala ito kung bakit pinakasalan siya nito. At tila nadurog ang puso niya nang malaman niya iyon...

2. PHR 3068 Odri by Almira Jose



Odri has a very big secret. She was in love with her best friend Jack. Wala itong ideya na may nararamdaman siyang espesyal para dito. Pinili niyang sarilinin ang pagtingin niya dahil para ano pa? Hindi rin naman nito maibabalik ang damdamin niya dahil may iba nang mahal ito. Sa katunayan, malapit nang ikasal ito, sa kanyang labis na pagkadismaya.
Sumapit ang araw ng kasal. Lahat sila ay nawindang nang hindi sumipot ang bride nito sa simbahan. She could not believe her best friend got jilted at the altar! Labis ang pagdadalamhati nito at naroroon siya para tulungan itong malampasan ang kabiguan nito. Sinamahan niya ito nang magpasya itong lumayo pansamantala.
Isang gabi ay nakalimot sila…
Hindi pa siya ganap na nakakahuma sa namagitan sa kanila ay saka naman lumitaw sa eksena ang runaway bride nito. At ang kanyang magaling na kaibigan, pinatawad at nakipagbalikan pa rin sa babaeng nang-indiyan dito sa altar.
Paano na siya?

3. PHR 3069 Isinulat Pa Sa Langit by Kayla Caliente



Paano pipigilan ang pusong gumagarutay?
Iyon ang problema ni Karen. Nililigawan na kasi ang nakababatang kapatid niyang si Callie. High school student pa lang ito, at walang kamuwang-muwang tungkol sa pag-ibig.
Para tuloy ang sarap kalbuhin ni Donny, ang binatilyong nanliligaw rito. Isasabay na rin niya sa pagkalbo rito si Nate, ang tinamaan ng magaling na tiyo ni Donny na numero unong kunsintidor.
Iyon nga lang, sa simula lang niya ito gustong tapyasan ng buhok. Sa kalaunan, parang halik na ang gusto niyang igawad dito. Halik na sasabayan niya ng pagkandong dito.
Lagot! Nahawa na yata ang puso niya sa kapatid niya. Gumagarutay na rin iyon.

4. PHR 3070 Hong Kong Chronicles: Love In Spring by Vanessa



Intense attraction at first sight. Iyon ang eksaktong naramdaman ni Serena kay Sal nang magkakilala sila sa Hong Kong. Hindi niya alam kung anong klaseng panghalina mayroon ang lalaki na tila wala siyang lakas na tanggihan ito. Ni hindi siya nakaramdam ni katiting mang pagsisisi nang may mangyari sa kanila gayong kailan lang sila nagkakilala. He was very caring and sweet. Everything felt so right, so wonderful. Naging makulay ang bakasyon niya sa Hong Kong dahil dito.
But one day she woke up and he was gone. Ni hindi man lang nagpaalam ito sa kanya. Noon siya sinampal ng masaklap na katotohanan: walang halaga rito ang mga nangyari sa kanila. Ang lahat ng nangyari sa kanila ay isa lang magandang panaginip…

5. PHR 3071 Ay, Yayay, O Pag-ibig... by Rose Tan



Dahil sa letseng economic crisis ay na-lay off sa trabaho si Ellie. Napilitan siyang lunukin ang kanyang pride. Tinanggap niya ang trabahong iniaalok ng pinsan niyang si Darlene—ang maging yaya ng spoiled brats na anak ng lalaking gusto nitong masilo!
Ang kaso, nang makaharap niya ang tatay ng dalawang alaga, parang gusto na niyang magpaalipin dito forever.
Ang laki-laki, ang tigas-tigas ni Rigo. Solid na solid ang kaguwapuhan at ka-macho-han nito. Kahit siguro patay na buhok ay matututong lumandi kapag nakaharap ito.
Ang kaso, may hadlang sa paglandi niya—ang maganda at anorexic na pinsan niya. Rerematahin daw nito ang kapirasong lupa nila nakasangla rito kapag hindi niya tinulungan itong mapakasal kay Rigo.
Ay, yayay! Paano na ang paglandi--este, pag-ibig?

6. PHR 3072 Your Heart, My Home by Camilla



Para takasan ang giyera sa Mindanao, nagtungo sa Luzon si Carmeli. Plano niyang makipanuluyan sa kanyang tiyuhin. Pero nalaman niyang sumama ito sa ibang babae kaya galit na galit dito ang bayaw nitong si Petrie.
Galit ang binata sa tiyuhin niya, ergo, galit ito sa kanya. Pawang panlilibak sa pagkatao niya ang natanggap niya mula rito. Nang mapatingin siya rito at kamuntik nang malunod sa mga mata nito, ipinaalala niya sa sarili na sa likod ng guwapong mukha nito ay nagtatago ang isang halimaw.
Pero hindi mahirap ibigin ang “halimaw.” Napatunayan niya iyon nang maging boss niya ito...

7. PHR 3073 Your Deceitful Heart by Noelle Arroyo



Si Carlo Ortega ay ang guwapong binatang representative ng public assistance department ng kilalang Sullivan Group, Inc.
Dumating ang binata sa buhay ni Debbie sa panahong ang kanyang buong atensiyon ay nakatutok sa eskuwelahang pinagtuturuan niya na gusto niyang umunlad. Parang anghel si Carlo na pinaalwan ang mga problema sa eskuwelahan. Mabilis ding nakuha nito ang loob ng kanyang mga estudyante at kapwa guro, pati ng kanyang mama.
Sa di-inaasahang pangyayari, nagawa rin nitong buksan ang kanyang pusong nakapinid sa tawag ng pag-ibig.
Bilang ganti sa kabutihan nito, ipinagkaloob niya rito ang buong pagtitiwala—pagtitiwala na sinabayan ng pagkakatuklas niyang isa itong impostor...

8. PHR 3074 The Remake Of Francesca's Story by Vanessa



Maxine had hated Edward since their first date. Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang kanilang mga landas. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nang muli silang magkita, the man became responsible for getting her fired from her job.
Mabuti na lamang at mabait ang ina nito, inalok siya ng isang trabahong hindi niya natanggihan. At muling nagkrus ang mga landas nila ni Edward. Mukhang lahat ng paraan ay handang gawin nito upang umalis siya sa trabaho niya. They were like cats and dogs.
Until one fateful night...

9. PHR 3075 Andie's Romance by Vanessa



Nasa kolehiyo si Andie nang makilala niya si Steadweiss, isang geek na atat na atat magpapansin sa kanya. She couldn’t possibly like the man. She was a goddess, a star in the campus. Dahil doon ay napag-trip-an ito ng nobyo niya at ng mga kaibigan nito. She never heard anything from him again.
Her life took a turn and a few years later, she had lost her fame, fortune, and looks. She met Steadweiss again. The tables had turned completely. Iba na ang dating nito ngayon. He was a man any woman would want.
Siya na ngayon ang gustong magpapansin dito...

10. PHR 3076 Sana'y Si Zaza Na Nga by Camilla



Ex-boyfriend ni Zaza si Brose. Dati siyang beauty queen ng Quiapo kaya nahalina ito sa kanya noon. Naguwapuhan din naman siya rito kaya sinagot niya ito. Pero dahil sa panloloko nito sa kanya ay naghiwalay sila. Nangibang-bansa ito.
Hindi na siya umaasang babalik ito sa buhay niya. Ngayon na isa siyang kagawad at ibang-iba na ang hitsura kompara noon ay nunca na magustuhan pa siya nito.
Pero isang araw ay nagtagpo silang muli. Naroon pa rin ang pamilyar na damdamin nila para sa isa’t isa. Kahit anong paglaban ang gawin niya ay nagrerebelde ang puso niya. Hanggang sa hindi na siya nakapag-isip nang matino. Pumayag siyang maging nobya uli nito kahit wala siyang kasiguruhan kung totoong mahal pa rin siya nito.

11. PHR 475 Ang Akin Ay Akin, Ang Iyo Ay Akin Pa Rin by Rose Tan



Desperado nang magka-boyfriend si Sandy Banting. Dapat ay may boyfriend na siya bago dumating ang Pasko. Sa edad niya kasi na beinte-sais ay hindi pa siya nagkakanobyo. Kaya nang makilala niya si Vicente Banaag sa isang piyesta ay naisip niyang ito na ang regalo ng kanyang patron saint na si St. Jude. Guwapo si Vince, maginoo, disente, kagalang-galang, at well-groomed.
Pero hindi pala kay Vince nagtatapos ang regalo ng santo. Nakilala ni Sandy si Pio Andong, Jr.—isang lalaking cute, pero presko, antipatiko, sobrang bilib sa sarili, at nakatsinelas ng goma.
Kay Vince, pakiramdam niya ay ito na ang Prince Charming na hinihintay niya; kay Pio, inis at di-mawaring kaba ang nararamdaman niya—nakaka-tense.
At kung kailan naman nakapili na siya, nalaman niyang mag-best friends pala sina Vince at Pio. Kilala ang dalawa bilang ang sikat na Bud Brothers. Paanong hindi niya agad nalaman iyon? Pinaglaruan ba siya ng magkaibigan? At bakit siya pa ang pinagbibintangan ngayong nanloko sa dalawa?

12. PHR 1581 Andrea's Prince by Claudia Santiago



Nine-year-old Andrea hated herself. Lagi na lamang siyang nahuhuli ni Charlie sa isang nakakahiyang sitwasyon. Tuloy ay palagi siyang tinutukso nito.
Kapag sasagot naman siya ay lalo lamang siyang napapahiya. Paano, kung hindi umuurong ang dila niya ay nauutal naman siya.
Sabi nito, siguro daw ay may crush siya rito.
Meron nga kaya?
Back to top Go down
 
June 10, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Filming to begin for Bounty Hunter June 15, 2009 in Brooklyn
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Yeh Rishta WU 14th June'13
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: