HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 June 3, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 2:08 am

1. PHR 3059 Girl From Mexico by Dawn Igloria



Daig pa ni Kayla ang naging trainee ng special forces ng AFP. Mabilis at walang mintis siyang nakalabas ng bahay nila. Marahan ang ginawa niyang paglabas ng kotse niya upang walang maging ingay.
She was free at last.
Tiyak na magugulat ang lahat mamaya. Mas mabuti na iyon kaysa sa mismong araw ng kasal nila ni Borgy siya tumakas. Pagkatapos ng mga natuklasan niya, wala nang makapagpapabago pa ng isip niya.
Mahaba na ang nalakbay niya nang iniliko niya ang kotse sa isang traveller’s inn. Kaya lang, bumubungad pa lang siya sa reception ay nakita na niya si Borgy. Ngising aso ito nang magtama ang kanilang mga mata.
“Hi, Kayla. I’m surprised you really tried to run away,” sabi nito.
Dismayado siya. Mas matalas pala sa ilong ng pinakamahuhusay na sniffing dogs ang pang-amoy nito. Paano pa niya matatakasan ito?

2. PHR 3060 Hired Husband by Heart Yngrid



Naatasan si Juliana na kupkupin ang anim na taong gulang niyang pamangkin na sa isang iglap ay naulilang lubos dahil sa isang car crash. May malaking problema ito. Bukod sa na-trauma ito ay nagkaroon ito ng amnesia.
Ipinakilala siya rito ng kanyang mama bilang ina nito. Ayon dito ay makatutulong sa kalagayan ng pamangkin niya kung magkakaroon ito ng pansamantalang mga magulang na kikilalanin nito hanggang sa magbalik ang alaala nito. Nagulat na lamang siya nang may ipakilalang ama sa kanyang pamangkin ang kanyang mama. Si Yael, ang inaanak nitong ubod ng yabang at matinding mang-asar?
Napilitan silang magpanggap bilang mag-asawa sa kanyang pamangkin. Sa harap ng bata ay ang sweet nila sa isa’t isa, ngunit kapag wala ito ay lagi silang nagbabangayan ni Yael.
Akalain ba niya na paglaon ay madadala siya sa kanilang drama!

3. PHR 3061 The Petersons 2: Gabe (Be My Honey, My Sugar, My Cherry Pie) by Dream Grace



Batid ni Cherry ang matinding pagkainis sa kanya ni Gabe dahil sa “panliligaw” niya gayong hindi naman ito nagpapakita ng interes sa kanya. Kaya laking pagtataka niya kung bakit iniligtas siya nito mula sa lalaking nambastos sa kanya.
Napalitan ng saya ang kaba niya. Sinagot na yata ang matagal nang dasal niya na mapansin ni Gabe.They became good friends. At sa maraming pagkakataon ay tinulungan siya nito sa mga problema ng pamilya niya at ng puso niya.
Noon siya nagsimulang ma-guilty sa panggugulo niya noon sa tahimik na buhay nito kaya nagpasya siyang palayain na ito. Pero paano niya magagawa iyon kung sa huling gabing magkakasama sila bilang magkaibigan ay bigla itong may aminin sa kanya at kumagat naman siya sa panunukso nito?

4. PHR 3062 Drop-dead Playgirl by Heart Yngrid



Cheska loved to play with boys. She also loved to break their hearts. That was her job. Binabayaran siya ng mga babaeng kliyente niya para maglaro at manakit ng damdamin ng mga lalaking nanloko at nanakit sa mga ito. Trabaho niyang tulungang gumanti ang mga ito. Dahil likas na kaakit-akit ay marami na siyang naloko, nasaktang lalaki, at napagtagumpayang misyon. In fact, wala pa siyang nagmintis na trabaho.
Until she met Um, a new job. She made him swoon over her. Yari na ang mga plano niya para wasakin ito. Ngunit bigla-bigla ay nakalimutan niya ang kanyang trabaho nang makasama niya ito. She realized she was falling in love with him.
No! She could not fall in love with a heartbreaker! Sasaktan lang din siya nito katulad ng kanyang kliyente. Pero wala na siyang magagawa pa dahil hawak na nito ang puso niya.
Mukhang na-karma yata siya.

5. PHR 3063 Totally Captivated by Cassandra



Dahil sa matinding pangangailangan ay lakas-loob na nilapitan ni Erika si Giselle, ang pinsan ng kaibigan niya, para hiraman ng pera.
Sa paglapit niya rito, aksidenteng nakilala niya ang nobyo nitong si Vince at tila hulog ito ng langit sa kanya sapagkat hindi lamang siya pinautang nito, binigyan pa siya ng trabaho. At sa kabila ng pagiging suplado at sumpungin nito, nakita niya ang ginintuang puso nito.
Hindi ito nangingiming tumulong sa sinumang nangangailangan.
Isa siya sa mga naging recipients ng kabutihan nito. Hindi ito mahigpit sa work schedule niya. Maaari siyang pumasok anumang oras na gustuhin niya at kapag may exams siya ay maaari siyang umalis nang maaga para makapag-aral pa siya. At dahil alam nitong nagtitipid siya, ibinili siya nito ng mga damit, sapatos, at kung anu-ano pang personal na gamit. Hindi lamang iyon, ibinili rin siya nito ng laptop at cell phone.
Kasalanan nito kapag na-in love siya rito...

6. PHR 3064 Ikaw Ang Buhay At Pag-ibig Ko by Suzette Domingo



Tutol ang mga magulang ni Marife sa pakikipagrelasyon niya kay Lyndon kaya nagpasya silang magtanan. Ngunit hindi siya sinipot nito sa kanilang tagpuan. Nang alamin niya ang dahilan ng hindi nito pagsipot ay nagimbal siya. Kapiling pala nito ang pinsan niyang babae!
Pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo. Ipinagkasundo pa siyang ipakasal ng kanyang papa sa ibang lalaki.
Umalis siya ng San Pascual. Ngunit makalipas ang ilang taon ay napilitan siyang bumalik dahil sa problemang kinakaharap ng kanyang mga magulang.
Maraming nagbago sa kanyang pagbabalik. Si Lyndon na ang panginoon ng kanilang mansiyon. Milyung-milyon pala ang pagkakautang dito ng kanyang ama.
Paanong nangyaring nabaligtad ang lahat? At bakit tila galit ito sa kanya samantalang ito ang nagkasala sa kanya?
Nalilito siya dahil sa kabila ng mga pangyayari, si Lyndon pa rin ang laman ng puso niya.

7. PHR 3065 Love Team by Heart Yngrid



Para kay Kriz, ang kanyang buhay ay isang telenovela. Bawat eksena sa buhay niya ay bahagi ng isang drama. Siya ang bida. Maraming kontrabida sa kanyang paligid. At ang kanyang ka-love team ay si Rigor, ang kanyang señorito na ubod ng guwapo ngunit ubod din ng suplado.
Umiinog ang kanyang mundo sa pangangarap sa mga nakakakilig na mga eksena nila ng kanyang katambal. Kontento na siya roon dahil alam naman niyang sadyang may mga magka-love team na hindi nagkakatuluyan sa tunay na buhay. Hindi niya inakalang sa isang iglap ay magkakatotoo ang lahat. Bigla ay nasa isang palabas siya at ang ka-love team niya ay walang iba kundi si Rigor.
Wala nga silang ipinagkaiba sa mga love teams sa showbiz. Sa harap ng mga tao ay sweet na sweet ito sa kanya ngunit kapag silang dalawa na lang ay hindi sila close. Pero `di bale, ang mahalaga ay makasama niya ito kahit sandali lang at mahalin siya nito kahit kunwari lang...

8. PHR 3066 Smoke Gets In Your Eyes by Camilla



Dalagita pa lang si Dannie ay umibig na siya kay Enzo, ang anak na binata ng amo ng kanyang ina, kaya walang pagsidlan ang kaligayahan niya nang maging nobyo niya ito. Agad na humantong sa kasal ang relasyon nila. Pero hindi papayag ang matapobreng ina nito na maging maligaya siya sa piling ng anak nito. Gumawa ito ng paraan para magkasira silang mag-asawa at tuluyan siyang iwan ni Enzo.
Pagkalipas ng ilang taon ay bumalik sa buhay niya si Enzo and practically demanded they live together again. Ganoon lang ba kadali iyon?

9. MLH 373 Sebastian by Camilla



*teaser to follow

10. MLH 374 Aaron Carl by Heart Yngrid



One boring day, Aaron saw a strange woman in the park. Nakita niya itong nakahiga sa isang bench. She said her name was Jana and she had a diamond ring on her finger.
She was engaged. Ngunit nawawala raw ang fiancé nito. Lumuwas pa raw ito sa Maynila upang hanapin ang nobyo nito.
Lingid dito ay napagpasyahan niyang hanapin ang nawawalang nobyo nito.
Habang hinahanap niya ang fiancé nito ay dinamayan niya ito sa kalungkutan nito. Pinasaya niya ito at tinulungan sa mga problema nito. Nagmistula siyang reliever ng fiancé nito. Animo superhero siya nito. Kapalit niyon ay maraming bagay na natutuhan niya mula rito. Nasanay na siya na kasama ito. He was happy being with her almost everyday.
Pero hanggang kailan niya madarama ang kaligayahang iyon?

11. PHR 1155 Minsan Sa Isang Panahon by Sharmaine Galvez



Campus beauty, but spoiled brat. Ilan lamang iyan sa mga adjectives na nakakabit sa isang Maria Miriam Cordova. At isa si Miguel sa nabiktima ng katarayan niya nang matapunan siya nito ng iced tea. Wala siyang pakialam kung guwapo man ang waiter na ito.
Subalit si Miguel ang klase ng lalaking hindi basta-basta nagpapasindak…
“Delivery po para kay Miss Maria Miriam Cordova.” Iniabot sa kanya ng delivery boy ang pumpon ng mga pulang rosas. “One thousand-five hundred po.”
Napatigil siya sa pag-amoy sa mga bulaklak. “W-what?”
“COD po ang mga bulaklak.”
Talagang inuubos ng Miguel na iyon ang pasensiya niya!
Ngunit bakit simula noon ay hindi na ito mawala-wala sa kanyang isip?

12. PHR 1320 Sa Bawat Patak Ng Luha by Laurice del Rio



Mula nang mamatay ang matriarka ng mga Bustamante na si Doña Pepita ay naging miserable na ang buhay ni Raven. Paano ay mainit ang mga mata ng mag-inang Roxanne at Señora Alita Bustamante sa kanya. At dumating sa puntong muntik na siyang mapahamak dahil sa kagagawan ni Roxanne.
Ang tanging kakampi niya nang mga panahong iyon ay si Bronze. Ngunit nang ipaalam niya rito ang kapahamakang muntik na niyang sapitin ay hindi siya pinaniwalaan nito; sa halip, sa kanya pa ibinaling ang sisi.
Darating ang araw at makakaganti rin siya. Iyon ang itinimo niya sa kanyang puso. At ang pagkakataong iyon ay napasakamay niya nang kupkupin siya ng isang doña na walang anak.
Pero paano kung sa muling pagkukrus ng landas nila ni Bronze ay madiskubre niyang hindi kumupas ang pagmamahal na nadarama niya rito? Na ang paglipas ng maraming taon ay tila katumbas lang ng isang araw? Dahil ang isinisigaw ng kanyang puso ay hindi paghihiganti kundi ang masidhing pagnanasang suklian nito ang kanyang pag-ibig. Ngunit napakaimposible nang mangyari iyon… dahil ang tingin sa kanya ni Bronze ay isang benggatibo at walang-pusong-babae.
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 4:40 am

Thanks for posting..


Smile cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 6:33 am

may i ask kung me forum po si camilla. hataw si heart yngid
Back to top Go down
ralph
Junior
Junior


Number of posts : 155
Age : 20
Location : Davao City
Registration date : 2009-05-18

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 8:46 am

natalia wrote:
may i ask kung me forum po si camilla. hataw si heart yngid

Oo nga. Ang daming nagawa ni miss heart yngrid!!
Back to top Go down
https://www.facebook.com/ralphalonzotobias?ref=tn_tnmn
mariane.reign
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 3469
Age : 22
Location : Kalibo, Aklan
Registration date : 2009-03-04

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 9:11 am

natalia wrote:
may i ask kung me forum po si camilla. hataw si heart yngid

may forum si lola c ate...

www.lolac.proboards.com

ehehe..
uu nag umaariba nanaman si ate heart!
Back to top Go down
mariane.reign
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 3469
Age : 22
Location : Kalibo, Aklan
Registration date : 2009-03-04

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 9:11 am

tnx for posting ate jen!
Back to top Go down
VeMa
Master
Master


Number of posts : 668
Location : Laguna
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 11:26 am

.,TNX 4 POSTING!!!!!
.,yehey!!!!
cheers cheers cheers cheers
Back to top Go down
kagami095
Master
Master


Number of posts : 833
Age : 23
Location : Jigoku
Registration date : 2009-03-28

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 11:48 am

yehheeyy!....
ang daming heart yngrid!
cheers cheers cheers
tnx for posting ms.jen!!!

Back to top Go down
-MaLoU-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1298
Age : 21
Location : bataan
Registration date : 2009-01-25

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 1:29 pm

tnx poh 4 posting...

ang dmi ng ky ms heart!!!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 1:33 pm

Hataw nga si Heart Yngrid!


cheers cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Mich
Newbie
Newbie


Number of posts : 7
Registration date : 2009-05-07

PostSubject: June 3, 2009 book release   Wed Jun 03, 2009 1:52 pm

ANG DAMI ULIT!
YIPEE!
THANX AGAIN Ms.JEN!


----------------------------------------------------------------------------------------------

Looking for a certain pocketbook/series that are hard to find?
visit us @
http://iluvpocketbooks.multiply.com/
we just might have the pocketbooks that your looking for.
Back to top Go down
http://iluvpocketbooks.multiply.com/
BlueFlame
Newbie
Newbie


Number of posts : 7
Registration date : 2008-01-24

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 3:58 pm

salamat jen sa walang sawang sa pagpo post mo ng mga latest released books ng PHR. Smile


ang daming released na books ni heart. wow.
Back to top Go down
trishie
Senior
Senior


Number of posts : 283
Age : 23
Location : kalat-kalat sa manila,..
Registration date : 2009-06-01

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 6:20 pm


hala ang dami ng kay miss heart yngrid ngayon ahh,, sabay-sabay ang labas.. wow... grabe n 2.. 2 da highest level n 2...
Back to top Go down
patjo
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1161
Age : 24
Location : tanjay city
Registration date : 2009-03-25

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 7:55 pm

hehe...thanks ms. jen!!

lol!
Back to top Go down
aicert
Newbie
Newbie


Number of posts : 22
Age : 30
Location : Cubao, Quezon City
Registration date : 2008-11-15

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Wed Jun 03, 2009 11:18 pm

thanks for posting jen! cheers

sad wala pa rin RT...

daming Heart Yngrid ngaun ah! Very Happy
Back to top Go down
http://www.pocketbookukay.multiply.com
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 12:13 am

tnx ms. Jen!
WAGI today c Heart.

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
heartyngrid
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 60
Registration date : 2008-03-15

PostSubject: hehe   Thu Jun 04, 2009 12:15 am

HAHA.... happy heart's day!!! hehehe
Back to top Go down
http://heartyngrid.multiply.com
mariane.reign
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 3469
Age : 22
Location : Kalibo, Aklan
Registration date : 2009-03-04

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 8:22 am

heartyngrid wrote:
HAHA.... happy heart's day!!! hehehe


hindi kaya masyado kang
advance ate?
heart's day?
o beLated na???
nyahaha.
hindi ka naman
yata ginaganahan
magsulat...

lol! lol! lol!
Back to top Go down
laiza
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2136
Age : 22
Location : tondo, manila
Registration date : 2009-03-03

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 3:18 pm

mary_ruth05 wrote:
heartyngrid wrote:
HAHA.... happy heart's day!!! hehehe


hindi kaya masyado kang
advance ate?
heart's day?
o beLated na???
nyahaha.
hindi ka naman
yata ginaganahan
magsulat...

lol! lol! lol!

hearts day n b!?

o belated n talaga!?

ateh late k yata

peace
lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
ChRiStInE LoVeS YuNhO
Junior
Junior


Number of posts : 167
Age : 23
Location : Somewhere over Valenzuela
Registration date : 2008-04-07

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 7:13 pm

Ang dami ng kay Miss Heart! Omo, bibili ako sa Saturday~
Back to top Go down
http://esnipers.forumotion.net
Clara
Master
Master


Number of posts : 692
Age : 28
Location : Caloocan City
Registration date : 2008-04-13

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 9:08 pm

Wow! Hataw ka Ms. Heart... I love you
Back to top Go down
Karlene
Junior
Junior


Number of posts : 35
Age : 29
Location : Bataan
Registration date : 2008-08-17

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Thu Jun 04, 2009 10:12 pm

afro
yo! nakita ko na ang mga new titles kanina sa personal hahaha...
(di sinasadyang mapadpad ako sa Precious sa SM Pampanga kaninang tanghali while break namin sa Microcadd)
at nakabili na ako ng gawa ni Ms. Heart!!!
Galing galing talaga...IDOL!!! Go!Go!Go!
Back to top Go down
http://keep.sosblog.com/
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Fri Jun 05, 2009 10:36 am

heartyngrid wrote:
HAHA.... happy heart's day!!! hehehe

tapos na yon teh...
Back to top Go down
chrisnamarie
Junior
Junior


Number of posts : 39
Age : 29
Location : Dasmarinas Cavite
Registration date : 2009-05-15

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Fri Jun 05, 2009 5:10 pm

wala pang crimson quest no. 4?


hmmmmmmmmmmm
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Sat Jun 06, 2009 8:31 am

heartyngrid wrote:
HAHA.... happy heart's day!!! hehehe
kc maraming new pbs c ms. heart, kaya hapi heart's day. lol!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: June 3, 2009 Book Release   Today at 1:23 am

Back to top Go down
 
June 3, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» Filming to begin for Bounty Hunter June 15, 2009 in Brooklyn
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» Yeh Rishta WU 14th June'13
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: