HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 27, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 1:49 am

1. PHR 3053 Ang Ambisyosang Nagmahal: Phannie by Camilla



Reyna ng raket si Phannie. Ambisyosa siya at ang pagkita ng pera ang kaligayahan niya. Pero lately ay nakakadama siya ng kahungkagan sa buhay. Nang makilala niya si Makis, parang nagkaroon siya ng bagong sigla. Ngunit alangang-alangan siya rito—at sadyang ipinamumukha nito iyon sa kanya.
Then he kissed her—once, and then twice. Sa parehong pagkakataong, saksi ang ex-girlfriend nito. At ngayong mahal na niya si Makis, paano naman siya makakasiguro na mahal din siya nito?
Hindi kaya piansasakitan lang nito ang dating kasintahan nito?

2. PHR 3054 Chasing Paul by Sheena Rose



Sumali si Girlie sa grupo ng mga treasure hunters na kinaaaniban ni Paul, ang ex-boyfriend niya na nanakit sa damdamin niya. Isa lang ang motibo niya: ang saktan din ito.
Sa paghahanap nila sa isang treasure ship sa Caribbean ay nasuong sila sa mga panganib na dulot ng ibang treasure hunters. Hindi niya naiwasang mapansin ang pagpoprotekta at pag-aaalaga nito sa kanya.
Senyales ba iyon na mahal pa siya ni Paul? Paano pa niya maisasakatuparan ang misyon niyan kapag nangibabaw na ang pagmamahal niya rito?

3. PHR 3055 Stan Azarcon's Former Little Sister by Camilla



Ulilang-lubos, lumaki sa poder ng pamilya Azarcon si Arriane, kapiling ang anim na barakong kinakapatid. Dahil sa impluwensiya ng mga ito, lumaki siyang tomboyish. Dalagita pa lang siya nang kunin siya ng kanyang tiyahin at dalhin sa Amerika.
Sa muling pagdalaw niya sa mga Azarcon, ganap na siyang dalaga. Napilitan siyang pangatawanan ang pagiging “tomboy” upang i-discourage ang lantarang pagpapakita ng interes ng pangatlong anak ng mga Azarcon sa kanya. Pero pinagsisihan naman niya iyon the moment she came face-to-face for the first time after thirteen years with Stan, ang panganay na Azarcon na galit sa mundo mula nang mamatay ang fiancée nito...

4. PHR 3056 The Petersons: Jed (My Sweet's Heart) by Dream Grace



Pikon na pikon si Ria kay Jed—dahil ginawa na yata nitong misyon sa buhay ang asarin siya. Por que magaling itong kumanta ay pinupulaan nito ang paraan ng pagkanta niya.
Pero isang araw ay nasaksak si Jed dahil sa kanya. Biglang lumambot ang puso niya rito. Inalagaan niya ito habang nagpapagaling ito. Noong una, ang akala niya ay dahil lamang sa guilt kaya hindi siya umaalis sa tabi nito. Pero nang maglaon ay iba na ang sinasabi ng kanyang puso. Ayaw niyang pakinggan iyon dahil hinding-hindi siya magkakagusto kay Jed.
Nang tuluyan nang gumaling si Jed ay nagpaalam ito sa kanya. Hindi raw kasi niya napapansin ito. Pinigilan niya ito. Nais niyang alamin kung totoong matagal na itong may pagtingin sa kanya…

5. PHR 3057 Kapag Tumibok Ang Puso by Kayla Caliente



Dinurog, minaso, ginutay-gutay ni Tristan ang puso ng kaibigan ni Aira na si Brandy. Nagmakaawa sa kanya ang kaibigan niya na ihanap niya ng katarungan ang kasawiang tinamo nito sa kamay ng katakam-takam ngunit berdugo palang lalaki. Wala sana siyang balak pagbigyan ito pero nang tratuhin siya ni Tristan na para bang may buni, an-an, at alipunga siya ay naantig ang kanyang pusong amasona.
“Sugod, mga kapatid” ang naging motto niya. Ipinangalandakan niya sa lalaki ang pamosong sex appeal niya. Sex appeal na in-snub-snub nito na parang bilasang isda. Imbes na sumuko ay lalo siyang tumapang. At gayon na lang ang pagbubunyi niya nang matuklasan niyang kasintindi pa naman pala ng sukang Iloko ang asim ng sex appeal niya.
Iyon nga lang, maiganti pa kaya niya ang kaibigan niya kung nahulog na ang loob niya kay Tristan?

6. PHR 3058 Lindsay's New Love by Almira Jose



Isinara na ni Lindsay ang kanyang puso nang pumanaw ang nobyo niya. Naniniwala siya na hindi na siya makakatagpo muli ng lalaking mamahalin niya nang sing wagas ng kanyang unang pag-ibig.
Ang tanging nais lamang niya ay magkaroon ng anak. Sumailalim siya sa isang procedure na kung tawagin ay donor insemination. Sa kanyang labis na galak ay positibo naman ang naging resulta niyon. Saka naman nagpasyang tumibok muli ang puso niya.
Sa maiksing panahon na nakilala niya si Tommy Remulla ay tuluyan nang nahulog ang loob niya rito. Sa tingin niya ay mayroon din itong espesyal na pagtingin sa kanya.
She was so happy. Sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap niyang magka-baby. Bukod doon ay nakahanap pa siya ng lalaking mamahalin na halatang mahal din siya. Nagkamali siya ng akala na tuluy-tuloy na ang kaligayahan niya—dahil natuklasan niya ang lihim ni Tommy…

7. PHR 1293 Blue Heart Lady by Dawn Igloria



Napakarami nang kabiguan ang naranasan ni Argana. Noong sanggol pa lamang siya ay may mag-asawang nagpadukot sa kanya, dahil walang anak ang mga ito. At nang magkikita na sila ng tunay niyang mga magulang, naaksidente naman ang mga ito at naging sanhi ng pagkamatay ng mga ito.
Ngunit naging mabait pa rin sa kanya ang Diyos—nakilala niya si Gus, ang lalaking lampas pa sa perfect standard ng isang tunay na lalaki. Makikipaglaban ito ng kaguwapuhan sa namayapang si JFK, Jr., makikipagtunggali rin sa mga Ayala sa larangan ng negosyo. Kahit nga si Kupido ay inunahan na nito sa bilis na mapaibig siya.
Si Gus ang nagsilbing healing balm nang mga panahong nagluluksa pa siya sa pagkamatay ng mga magulang; tinuruan siya nitong tumawa at humawak sa pag-asa. Ipinaalam nito kung paanong maging masaya at umasam ng ligaya.
Tinuruan din siya nitong umibig—at umiyak.

8. PHR 1381 Beloved Fugitive by Dawn Igloria



Nang ipagkasundo si Mariella na ipakasal siya sa nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Balverde, hindi siya tumanggi—kahit pa malayo sa karakter ni Japhet Balverde ang pagiging isang “knight in shining armor.”
Subalit nang akusahan siya nito na dahil sa pinirmahan niyang prenuptial agreement kaya ayaw niyang sumiping dito—at wala rin daw siyang ipinag-iba sa mga nagdaang babae rito na kung hindi gold digger at oportunista ay taksil—ora-oradang tinakasan niya ito.
Lumayo siya at nagsikap umunlad sa sariling kayod. Ngunit natunton siya nito pagkalipas ng ilang taon, at muling ibinalik sa hacienda.
Nang muli silang nagsama, ipinakita niyang hindi na siya ang dating kikimi-kimi at laging sunud-sunuran. Tinapatan niya ng kaprangkahan ang pagiging lagi nitong aburido.
Hanggang sa ito na ang sumuko, at sabihing pinalalaya na siya nito. Ano at siya naman itong ayaw lumaya? Lalo na nang maranasan niyang muli kung paano mapabilanggo sa mga bisig at halik nito.

9. Crimson Quest Series 3: Defiance by Arielle



Eight years nang biyuda si Lariza. Wala na sana siyang balak na mag-asawa o umibig pang muli ngunit dahil sa muntik nang pagkamatay ng kanyang ama ay nagpasya siyang muling makipagsapalaran sa pag-ibig.
Gusto kasi ng kanyang ama na maging masaya na siya sa pag-ibig at magkaroon ng asawa. Pangarap din ng daddy niya na magkaroon ng apo bago ito tuluyang mawala sa mundo.
Ngunit hindi ganoon kadali na makahanap ng asawa. Marami siyang requirements para sa perfect husband para sa kanya. At wala siyang makitang magaling na matchmaker na makapagbibigay sa kanya ng perfect husband.
Until she met Dallas Miranda. Ayon dito, nobenta porsiyento ang success rate nito sa pagma-matchmake. Ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang ang lalaking ipinakilala nito sa kanya ay walang iba kundi si Conway—her long-dead husband!

10. GEM 42 Bring Me A Dream by Vanessa



Batang-bata pa si Rissa nang matuto siyang mahalin si Leon, ang anak ng kawaksi ng kanyang lola. Kalaro niya ito at kaklase sa eskuwelahan. Hanggang sa tumakbo ang panahon ay nanatiling ito ang lalaking mahal niya. Napakasaya niya nang magpahiwatig ito ng pagtingin sa kanya.
Akala niya ay magkakaroon na ng katuparan ang mga pangarap niya, subalit ipinamukha sa kanya ng isang pangyayari na nag-iilusyon lamang siya…

11. GEM 43 Ganti by Vanessa



Simple lang ang buhay ni Maite, simple rin ang kanyang mga pangarap. Ngunit gaano man kasimple ang kanyang mga pangarap ay hirap siyang makamtan ang mga iyon. Hanggang sa dumating ang isang bayani sa buhay niya—si Zeke, isang binatang palatawa, kung manligaw ay pabiro. Tinulungan siya nitong matupad ang pangarap niya.
Ngunit nawala si Zeke sa kanyang buhay at dumating ang ama nito, si Zandro, na unang pagkakataon pa lang niyang nakita ay nagpatibok na ng puso niya. Higit na malaki ang naitulong nito sa buhay niya. At dumating ang panahong nahulog ang loob niya rito. Minahal siya nito...
O iyon ang kanyang inakala. Sukdulan pala ang galit nito sa kanya...
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 5:30 am

uy tanks ang daming bago
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 5:31 am

wow ganda!



thanks for posting.









cheers cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 5:36 am

ilan pages po ang gem???
Back to top Go down
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 6:09 am

thanks, miss jen

ang galing naman 2 ang kay lolo camilla at may 2 gem pa si vanessa. ang saya nito...
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 8:54 am

ms. jen thanks po sa pag post... hehe...



may ms. camilla na ulit... cant wait to read it... it all seems so intersting... hehe lol! lol! lol!
Back to top Go down
madison
Junior
Junior


Number of posts : 47
Age : 29
Location : bauan, batangas
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 9:11 am

cheers cheers cheers

yaaah...May CQS ulit....out na ang CQ3...... cheers cheers


thanks Ms. Jen....

sana next week may CQS ulit.... lol!
Back to top Go down
chary0401
Junior
Junior


Number of posts : 100
Age : 35
Location : San Francisco, Surigao del Norte
Registration date : 2009-02-09

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 10:03 am

haay.............
ang dami nman
butas na nman ang
piggy bank
ko nyan.......
Pero....ok lang
worth it nman.
Imagine,
may
CAMILLA na,
ARIELLE aT
2 GEMS ni
VANESSA!!!
Thanks 4 posting Ms. JEN!!!
lol!
Back to top Go down
http://phoebekirsten.multiply.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 10:29 am

cool.....
Back to top Go down
angeline
Junior
Junior


Number of posts : 50
Age : 22
Registration date : 2009-04-22

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 10:30 am



'ang dming lbs ngaun ah!!,

'mhi2rpn n nmn akong bumili n2!!,

'hahahaha..,

'puro mggnda!!,

'pty n nmn ako s nny ko!!,

'ssbunin n nmn ako nun!!,

'harhar..,

' =D

lol! lol! lol!

Back to top Go down
VeMa
Master
Master


Number of posts : 668
Location : Laguna
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 10:42 am

.,tnx sa pagpost ...
.,TC!
Back to top Go down
kaizen
Master
Master


Number of posts : 986
Location : Mandaue, Cebu
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 10:58 am

tnx ms.jen!..rami ah..
Back to top Go down
Mich
Newbie
Newbie


Number of posts : 7
Registration date : 2009-05-07

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 12:34 pm

yipee! dami ulit bago!
thanx for the teasers ms jen!

---------------------------------

Looking for a ceratin pocketbook/series that are hard to find?
visit us @
http://iluvpocketbooks.multiply.com/
we just might have the pocketbooks that your looking for.
Back to top Go down
http://iluvpocketbooks.multiply.com/
mariane.reign
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 3469
Age : 22
Location : Kalibo, Aklan
Registration date : 2009-03-04

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 2:27 pm


witwew.
dami.
tnx ate jen!

lol! lol! lol!
Back to top Go down
laiza
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 2136
Age : 22
Location : tondo, manila
Registration date : 2009-03-03

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 6:10 pm

very thank you teh jen
Back to top Go down
haycs
Master
Master


Number of posts : 815
Age : 24
Location : Tanza, Cavite
Registration date : 2009-03-31

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 8:01 pm

ang dming new release......

Smile Smile Smile Smile Smile

thanks 4 posting ms.jen.....

Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy Very Happy

ang sya naman ni2........
Back to top Go down
http://www.myspace.com/francisclairbarit
aicert
Newbie
Newbie


Number of posts : 22
Age : 30
Location : Cubao, Quezon City
Registration date : 2008-11-15

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Wed May 27, 2009 11:58 pm

thanks for posting jen! cheers

wala pa rin Rose Tan pb Neutral
Back to top Go down
http://www.pocketbookukay.multiply.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Thu May 28, 2009 9:36 am

Hay naku mapasubo na naman ang pera ko nito ....hehheehe


http://www.tagalogpocketbookromance.com/
For Rent or For Sale...
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
patjo
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1161
Age : 24
Location : tanjay city
Registration date : 2009-03-25

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Thu May 28, 2009 2:20 pm

thanks 4 posting ms. jen!!!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Thu May 28, 2009 10:56 pm

natalia wrote:
ilan pages po ang gem???
256 pages
wei! ang ggANDA
kailangan paraitIng may laman ang bulsa.
tnx ms. JEN!

lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
echile
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1217
Age : 28
Location : Tagum, Davao del Norte
Registration date : 2008-04-08

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Fri May 29, 2009 12:50 am

mraming slamat po...
Back to top Go down
Denisse
Junior
Junior


Number of posts : 115
Registration date : 2008-10-21

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Sat May 30, 2009 11:24 pm

Wow and dami hihihi
Back to top Go down
patjo
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1161
Age : 24
Location : tanjay city
Registration date : 2009-03-25

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Sun May 31, 2009 5:10 pm

haha..madami nga hihi... Suspect
Back to top Go down
VANADIK & MC FANATIC
Junior
Junior


Number of posts : 101
Location : MAKATI CITY
Registration date : 2008-03-07

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Sun May 31, 2009 8:10 pm

Tnx Ms. Jen


Try nyong Basahin ang Ganti ni Vanessa

Galing...

Pwedeng Pang Novel of the Year....

heheheh[b]
Back to top Go down
http://iluvvanessa.proboards82.com/index.cgi
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Mon Jun 01, 2009 5:17 am

VANADIK & MC FANATIC wrote:
Tnx Ms. Jen


Try nyong Basahin ang Ganti ni Vanessa

Galing...

Pwedeng Pang Novel of the Year....

heheheh


Talaga? yan ang mga gusto..


yes, mababasa ko na, pauwi na ako next week, dami ko pinareserve sa [b]www.pinoypocketbooks.com





cheers cheers cheers cheers
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Sponsored content




PostSubject: Re: May 27, 2009 Book Release   Today at 6:21 am

Back to top Go down
 
May 27, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: