HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 20, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 10:55 am

1. PHR 2813 Love's Chances by Noelle Arroyo



Heartbroken si Kaylee nang makilala niya sa unang pagkakataon si Corbin. Tinarayan niya ito sa pag-aakalang kagaya ito ng mayamang lalaking sumugat sa puso niya. Pero napahiya siya nang sumunod na araw ay nalaman niyang mabuting tao pala ito. At gusto raw talaga nitong makilala siya.
Ipinangako niya sa sarili na sa susunod na magkita sila ay hihingi siya ng dispensa rito at tatanggapin niya ang pakikipagkilala nito. Pero nang dumating ang araw na iyon ay nagdalawang-isip siyang ituloy ang balak niya dahil wala siyang makitang anumang bahid ng rekognisyon sa mukha nito para sa kanya...

2. PHR 2814 Pen-pen's Romance 1 by Vanessa



Umibig si Pen-pen sa isang lalaking bawal niyang mahalin--si Martin, ang lalaking pakakasalan ng amo niyang si Lemonade. Mabait ang pamilya nina Lemonade at matagal na siyang kasambahay at katiwala ng mga ito. Ayaw sana niyang mahalin si Martin ngunit kusang sumibol ang pagtingin sa puso niya. Iiwasan sana niya ang lalaki ngunit ito ang kusang lumapit sa kanya, tila gustong tudyuhin siya, ilapit sa kanya ang bawal.
At mabilis siyang natukso...

3. PHR 2815 Pen-pen's Romance 2 by Vanessa




Sa unang pagkakataon sa buhay ni Pen-pen ay kailangan niyang mamili: ang gawin ang mali kapalit ng pagkawala ni Martin sa kanya o ang gawin ang tama na nangangahulugan na kailangan niyang magsinungaling kay Martin.
Pinili niyang gawin ang tama kapalit ng inaasahan niyang pagsasama nila. Ngunit nahuli nito ang kasinungalingan niya. At labis itong nagalit sa kanya, isang uri ng galit na napakasakit para tanggapin niya...

4. PHR 2816 Kung Kasalanan Man Ang Ibigin Ka by Suzzaine Angelu



Tahimik ang buhay-pag-ibig ni Frances sa piling ni Aldus. Ngunit sinubok iyon ng mapagbirong tadhana...
Naphne came into the picture. Sa unang pagtatama pa lang ng kanilang mga mata ay alam niyang ito ang lalaking nararapat at nakatadhana para sa kanya.
Mula nang mangyari ang minsang kalituhan at pagtatraidor ng kanyang isip at puso, natagpuan na lang niya ang sariling ito na ang hinahanap-hanap at dito na lang nais ipaubaya ang lahat... ang lahat-lahat sa kanya...

5. PHR 2817 Si Rigo Korakkakis by Camilla



Dahil sa plano ng ama ni Crinessa na ipakasal siya sa anak ng kaibigan nito ay nagtungo siya sa bayan ng kanyang tiyahin. Doon ay muli silang nagkita ni Rigo Korakkakis, ang lalaking nawala na lang bigla pagkatapos may mangyari sa kanila. Nang malaman nito ang suliraning kinakaharap niya ay agad itong nag-alok ng tulong. He would marry her instead. She had loved him forever kaya mabilis siyang pumayag.
Hindi pa man plantsado ang problema niya sa kanyang ama na galit pa rin sa kanya ay may panibagong kontrabidang sumulpot sa buhay niya--ang tiyahin ni Rigo na may napipisil na ibang babae para sa pamangkin. At nang biglang mamatay ang matanda ay siya ang sinisi ni Rigo.
Magkakabalikan pa kaya sila?

6. PHR 2818 Tempting Faith by Almira Jose



Lumaking sheltered sa mundo si Faith. Graduate na siya ng college nang matikman niya ang wika nga ay tamis ng unang pag-ibig. And it was all through the courtesy of Andrew, ang ex-basketball star-turned-sports shop owner na isang araw pagkatapos niyang makilala ay pinaulanan agad siya ng romantikong atensiyon.
He was quite a charmer. Walang kalaban-laban ang kanyang puso rito. First crush, first suitor, first kiss, first love, first you-know-what—iyon ang binata sa buhay niya. Sa maikling panahon ay naging maligaya siya sa piling nito. Hanggang sa matuklasan niyang niloloko lamang pala siya nito.
Pinakyaw na nito ang lahat ng “first” niya. Pati ba ang first heartache niya ay kailangan din niyang ibigay rito?
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 11:03 am

Grabe ang ganda naman ng teaser ng kay Vanessa.. naiiyak na ko. Sad
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 12:52 pm

dyos ko si pen-pen...

sure ako na mganda ang story nito!!!!

teaser pa lang..... ang ganda na...


ate jen, thanks sa pagpost uli nito...

@ate raveneyes, bat di ka nagthank you kay ate jen???????
hala ka!!!! pag nagsawa yan sa pagpost rito..
mababaliw ka!!!! Twisted Evil lol! lol! lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 1:05 pm

oo nga pala, thanks for reminding.. how rude naman of me.. Shocked
nadala lang ng emosyon..syempre si Jen ang pinakaperyborit kong member ng forum.. Laughing Cool hehe (sipsip ba?)
thanks, Jen!! Sana wag ka magsawa.

PS:
yung 6 books ba next week na?

hala, makaalis muna para bumili, baka sarado bukas binibilan ko, kaya ngayon na ako bibili.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
almira_jose
PHR Writer
PHR Writer


Number of posts : 23
Registration date : 2008-02-22

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 2:31 pm

thank you sa info jen Smile
pahiram na rin ng jpg, k lang?
sana k lang kasi na-post ko na sa blog ko
tee-hee Laughing bounce Laughing
muli, salamat ng marami
mwah!
Back to top Go down
http://akingakda.multiply.com
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Thu Mar 20, 2008 4:08 pm

salamat jen Smile

bat ang onti yata ng release this week? fasting din ba sa phr? joke Laughing

newei, salamat na rin just the same.

at element of suprised, si Ms. Suzzaine Angelu may bagong novel. I che check ko yan! Smile

Maligayang pagbabalik sa romance writing! Naway magtuloy-tuloy na yan.

Ayos, nadadagdagan yung mga comebacking writers sa phr, hehe Very Happy
Back to top Go down
kaytee
Junior
Junior


Number of posts : 138
Age : 28
Location : artist paradise...yeah!
Registration date : 2008-02-04

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Thu Mar 20, 2008 11:15 pm

gosh!buti ng browse ako d2! Basketball




hahahah kung hindi d ko p mla2man ang bgong release... cheers



wooohhhh...my gawa ulit c almira jose...heheheh gonna buy it! cheers





hmmm..kso bt ang tgl p rin ng rprint ng stallion bach 2 and 3..pti BBC...nka2bnas na ha! bitin n ko!hahah lol!
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Sun Mar 23, 2008 3:23 pm


SYET GANDA NG PENPEN'S ROMANCE!!
MAGA MATA KO PAGKATAPOS BASAHIN..
ITO YATA ANG FAVORITE KO THIS YEAR!!!!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
sweetpea
Team Support
Team Support


Number of posts : 29
Registration date : 2008-01-24

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Mar 25, 2008 10:34 am

FYI lang. Yong Tempting Faith, dapat kasama dapat iyon sa Dream Team. Kaya lang, retired basketball player na kasi ang bidang lalaki dun kaya hindi siya na-approve sa series.
Back to top Go down
j_j
Junior
Junior


Number of posts : 43
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Mar 25, 2008 7:32 pm

hello po...nabasa ko na yung pen pen's romance ni ms. vanessa..maganda po ung novel...pero dun sa novel may nabanggit na character na si camilo saka si katherine...well..sana po gawan ni ms. vanessa ng novel un love story ni camilo at katherine...mukhang magada kasi kung gagawan din sila ni ms. vanessa...hindi po ba?


attention...ms. vanessa....hahaha
Back to top Go down
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Mar 25, 2008 8:03 pm

NAIPARATING KO NA J-J


SANA MAKADALAW SI MISS VAN PARA MASAGOT AGAD TANONG MO... Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Mar 26, 2008 6:52 am

my new release ba
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Mon Mar 31, 2008 5:59 pm

j_j wrote:
hello po...nabasa ko na yung pen pen's romance ni ms. vanessa..maganda po ung novel...pero dun sa novel may nabanggit na character na si camilo saka si katherine...well..sana po gawan ni ms. vanessa ng novel un love story ni camilo at katherine...mukhang magada kasi kung gagawan din sila ni ms. vanessa...hindi po ba?


attention...ms. vanessa....hahaha

baka ito ang next na romance.. katherine's romance or kathy's Romance? hindi kaya? hehe lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Mon Mar 31, 2008 11:09 pm

medyo may tama ka teh...
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Apr 01, 2008 7:03 am

my new release po ba i cant w8 true po ba na c camilo at katharine
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Apr 01, 2008 2:39 pm

natalia wrote:
my new release po ba i cant w8 true po ba na c camilo at katharine

nope.. hula lang namin ni Caleb yun. Laughing
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
marge30
Junior
Junior


Number of posts : 188
Registration date : 2008-01-22

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Tue Apr 01, 2008 9:56 pm

raveneyes wrote:
natalia wrote:
my new release po ba i cant w8 true po ba na c camilo at katharine

nope.. hula lang namin ni Caleb yun. Laughing


tama ang hula nyo Laughing

saka paki correct na rin, si Carmelo po yung at di camilo, hehehe.

nandoon yung story nila sa Kate's Romance (Baka nick to ni Katherine)

see the book release sked of April 2 Smile
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed Apr 02, 2008 12:16 pm

[quote="mtf"]
raveneyes wrote:

tama ang hula nyo Laughing

saka paki correct na rin, si Carmelo po yung at di camilo, hehehe.

nandoon yung story nila sa Kate's Romance (Baka nick to ni Katherine)

see the book release sked of April 2 Smile


afro hehe.. sayang Kathy's Romance hula ko.. Kate's Romance pala. lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Mon Dec 29, 2008 12:18 am

hay nabasa ko ang ky susanne angelu ang ganda sobrang ganda talaga.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Wed May 20, 2009 9:54 pm

nabili nyu ba ang mga PBs na ito????

sana nabili ninyo! hehehe

RJAN hir!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: March 20, 2008 Book Release   Today at 5:13 am

Back to top Go down
 
March 20, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: