1.
PHR 3035 Destined To Be Mine by Maan BeltranAbigail and Matthew had been inseparable since birth. Nothing could break them apart.
Iyon ang akala ni Abigail. May isang bagay pala sa mundo na kayang paglayuin sila—pag-ibig. Because when Matthew started to fall for another girl, she realized her best friend was not completely hers.
Pag-ibig din ang dahilan kung bakit miserable ang buhay niya. Dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Matthew. It was making her life miserable because she badly wanted to tell him how she felt but couldn't, afraid it might ruin their friendship.
Mukhang wala siyang ibang choice kundi ang mahalin na lang ito sa malayuan.
2.
PHR 3036 Fairytales Do Come True by Kayla CalienteExcited ang boyfriend ni Kaye na maluklok na hari ng Montoyo ang kaibigan nitong si Calvin. Montoyo was a sovereign state that lay somewhere in the Meditterenean. Pero may malaking problema. Mukhang excited din ang mga kalaban ni Calvin na patayin ito upang huwag nang matuloy ang pagluklok nito sa trono.
Dahil may dugong Pinoy rin ito, iminungkahi ng security team nito na sa Pilipinas ito magtago. Iminungkahi naman ng boyfriend niya na sa liblib na bayan ng Sta. Maria tumira ang kaibigan. At para lalong lituhin ang mga maghahanap dito, magpapanggap ito at siya na isang simpleng mag-asawa!
Ulirang katipan ang drama niya sa buhay kaya pumayag na rin siya sa brilliant idea umano ng katipan niya.
Ayos na sana ang lahat kung hindi silang dalawa ni Calvin naisipang paglaruan at paglibangan ng kapalaran.
She found herself falling in love with Calvin. At inakala niyang ganoon din ang nararamdaman nito sa kanya. Laking gulat, panggigilalas, panggagalaiti at paghihinagpis niya nang madiskubre niyang may babae na itong napili para tumayong reyna—hindi lang ng Montoyo kundi pati ng buhay nito...
3.
PHR 3037 Inday, The Queen Of The Orient by VanessaKahit puno ng paghihirap ang buhay ni Inday, masuwerte pa rin siya sa pagkakaroon ng kaibigan sa katauhan ni Mario. Laging nasa tabi niya ito, handing magpasaya sa kanya. Patpatin man ito at sakitin, hindi mapapantayan ang ginintuang puso nito.
Hanggang sa magdalaga at magbinata ay hindi naputol ang pagkakaibigan nila. Nagtungo ito sa Amerika upang mag-aral ng Medisina. Nang magbalik ito, halos hindi ito makilala ni Inday. Ito na yata ang pinakaguwapong nilalang na nakita niya sa kanyang buhay. At ang lalong hindi niya mapaniwalaan ay ang tila inis na nabuhay sa kanyang dibdib nang malamang may nobya na ito…
4.
PHR 3038 Ferdinand "Macoy" Obrique by Camilla Dahil nasuspindi sa trabaho at dala ng pangangailangan sa pera, napilitan si Syndee na pumayag sa alok na trabaho ni Ferdinand “Macoy” Obrique bilang nanny ng pamangkin nito kahit labag sa kalooban niya iyon.
Bina-blackmail kasi siya nito. He was claiming that his niece was her paternal half-sister at kapag nalaman iyon ng kanyang ina, mamemeligro ang mahinang puso nito.
But it was hard not to fall in love with Macoy. She could not help it. And she had to constantly remind herself that she was there to earn a living and save her mother’s weak heart—hindi ang makipaglandian dito.
Just as things were starting to look good, saka sumulpot ang girlfriend nitong nagpa-realize sa kanya kung ano talaga ang papel niya sa buhay ng lalaki: isang diversion…
5.
PHR 3039 Ang Umibig Nang Lihim by Noelle ArroyoKaye had been in love with Marco ever since she was a teenager. She couldn't help it. Bukod sa napakaguwapo nito, napakabait at maalalahanin pa ito hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang ina at mga kapatid.
And that was the problem.
Alam niyang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Wala rin siyang panama sa naggagandahan at mga sopistikadang babaeng idine-date nito. Isa pa, medyo tomboyish siya, kaya alam niyang hindi siya seseryosohin nito bilang babae.
But when her twentieth birthday came, she wore a dress for the first time. She also put on makeup. And when Marco saw her, he looked at her differently.
Like he was attracted to her?
Sana nga, hiling ng puso niya...
6.
PHR 3050 Thanks, Kapalaran by Kayla CalienteNangangarap maging bahagi ng isang pamilya si Cheska. Pero tila imposibleng mangyari iyon dahil wala siyang love life. Ganunpaman, malakas ang convincing powers niya kaya kinaya niyang papaniwalain ang kanyang sarili na okay lang na tumanda siya nang nag-iisa.
Hanggang sa makialam ang kapalaran.
Matagal nang hiwalay ang best friend niya at ang asawa nitong si Jordan. Dahil doon, lumaking walang masyadong paggabay ang anak ng mga itong si Marjorie. Dumating sa punto na napipinto nang mapariwara ang dalagita.
Nag-panic si Jordan; kailangan nito ng tulong. At siya ang naatasang tumulong dito.
She did a good job helping father and daughter. Too good, it seemed. Dahil sa proseso ng pagtulong na iyon, parang siya ang mahaharap sa peligro ng puso nang matagpuan niya ang sariling umiibig kay Jordan.
Could it be possible that bshe could end up with her best friend’s ex-hubby? Mauuwi ba sa bangungot ang pangarap niya?
7.
PHR 3051 Get Lucky! by Sheena Rose*teaser to follow8.
PHR 3052 Isagani "Gani" Espiritu by Camilla“Paano mo nalaman kung nasaan ang ka-date ko?”
“Nakita ko kanina, may kasamang ibang babae.”
Napangiti si Amgelica, pigil ang kilig.
“Hindi mo kayang bantayan ang boyfriend mo.”
“Really, Isagani. Hindi ka na sana nag-aksaya ng panahon…” Biglang napahinto si Angelica sa tangkang pagpapaliwanag dito. Hindi naman nito kailanganng malaman na mali ang akala nitong boyfriend niya ang ka-date niya.
Gusto niyang malaman kung bakit biglang naging concerned sa kanya ang supladong si Isagani…
9.
Crimson Quest Series 2: Endearment by ArielleMuntik nang mapagsamantalahan si Romina noong nasa high school siya. Dahil sa traumatic experience na iyon ay naging man-hater siya. Nawalan siya ng tiwala sa sinumang lalaki at natakot na rin siyang magmahal.
Ngunit sa pagdating ni Diesel sa buhay niya ay natagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob dito.
Emotionally unavailable si Diesel dahil nananatiling mahal pa rin nito ang namatay na kasintahan nitong si Rina. Ngunit sa pagtibay ng damdamin niya ay hindi na niya napigilan pa ang sarili na mahalin ang binata.
Sumugal uli siya sa pag-ibig. Nakahanda na siyang sabihin dito ang damdamin niya nang matuklasan niya ang isang katotohanan…
10.
PHR 1213 Isla Blanca by Sharmaine GalvezBaguhang journalist pa lang si Crisnel. Nang ma-assign siyang mag-cover ng isang interesting scoop sa Isla Blanca ay nakilala niya roon si Oliver Llanzares, isang sikat na aktor na may personal grudge sa mga katulad niyang journalist. Hindi niya agad ipinagtapat dito ang pakay niya sa islang iyon.
They were both enchanted with the beauty of the island. And so with each other. Until Oliver learned about the nature of her job. Pero bago pa nito malaman ang talagang pakay niya sa isla ay nagpasya na siyang huwag nang ituloy ang artikulo tungkol dito.
Tinangka niyang magpaliwanag sa binata. Ngunit sadyang tila sarado na ang pang-unawa nito sa bagay na iyon. Pagkalipas ng tatlong taon ay nabigla na lamang si Crisnel nang ipatawag siya ng kanilang editor upang personal na mag-interview kay Oliver. Dahil siya pa raw mismo ang personal request ng binata.