HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 13, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2  Next
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 1:28 am

1. PHR 3036 Ang Ambisyosang Nagmahal: AJ by Camilla



Napilitan si AJ na mamasukan sa pamilya ni Tom bilang maid upang malapitan at makilala ang biyenan nito—her biological father. Kumukuha lang siya ng tiyempo para makapagpatulong sa lalaki. Pero biglang sumulpot sa eksena si Enchong, ang supladong pinsan nito, na sa simula pa lang ay mainit na ang dugo sa kanya. Alam niyang pinagdududahan nito na may relasyon siya at ang palikerong pinsan nito. Pinagbintangan pa siyang makati ang kamay!
Kaya naman ganoon na lang ang shock niya nang pakiusapan siya ng kanyang among babae na maging temporary cook at maid ng pamangkin nito, na walang iba kundi si Enchong Demetrio.

2. PHR 3037 Ang Ambisyosang Nagmahal: Kimi by Camilla



Parang gumuho ang mundo ni Kimi nang mabalitaan niyang namatay sa pinagtatrabahuhan nitong planta ang kapatid niya. Si Jasper ang tanging pag-asa ng kanyang pamilya upang makaahon sila sa kahirapan. Nagluluksa na nga siya, nagalit pa siya nang tila pinalalabas pa ng kompanya na hindi naaksidente si Jasper kundi nagpakamatay.
Nagpasya siyang dumirekta ng pakikipag-usap sa mismong may-ari ng kompanya. Inihanda niya ang sarili sa giyera. Ngunit ang hindi niya napaghandaan ay ang kaguwapuhan ni Sloane Caldwell. Nang magkaharap sila, natulala siya.

3. PHR 3038 Blue Eyes, Sacred Lies by Vanessa



Mula pagkabata, tila laging umaamot ng atensiyon si Sherry mula sa mga magulang niya. Tila wala ring ibang importante sa mga ito kundi ang Ate Alexa niya. Maging ang ibang tao ay mas hinahangaan ang ate niya kaysa sa kanya. Lumaki siyang sunud-sunuran sa bawat naisin ng mga magulang niya kahit iyon ay labag sa kalooban niya.
Ngunit dumating sa buhay niya si Saul. Ito ang nagbigay-kulay sa mundo niyang umiikot lang sa pagsisilbi sa kanyang mga magulang at kapatid. Ito ang nagbigay sa kanya ng pagpapahalaga at pagmamahal na kailanman ay hindi niya nakuha mula sa kapamilya niya. Minahal niya ito at nakahanda siyang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Alam niyang mahal din siya nito at ibibigay nito ang lahat para sa kanya. Pero bakit kung kailan kailangang-kailangan niya ang pagmamahal at suporta nito ay saka siya nito iniwan.

4. PHR 3039 Noli, Apo Ka Nga Ni Eba! by Camilla



Para sa kaligtasan ni Minola ay kinailangan niyang magpanggap na isang tomboy. Ganoon siya nakilala ni Sacro Buitoni kaya para dito ay safe siyang kasama. Napilitan siyang pangatawanan ang pagkukunwari para lang patuloy na makasama niya ito.
Pero hanggang kailan niya kayang tiisin ang hirap ng kalooban kapag nakikita itong kasama ang magandang girlfriend nito? Hanggang kailan niya pahihirapan ang kanyang sarili sa ngalan ng pag-ibig?

5. PHR 3040 Love, Disguise, And Compromise by Dawn Igloria



Sa isang aircon bus nagkilala ni Imee si Benetton. Nasapak ito ng snatcher at tinulungan niya ito. Ang akala niya ay doon na magtatapos ang lahat. Ngunit muli silang nagkita. Nasundan pa ang pagkikita nila. Nagpakita ito ng sobrang interes sa kanya. Before she knew it, she discovered she was falling fast for him.
Kaya lang ay nabisto niyang Travis Yee pala ang tunay na pangalan nito. Hindi pala ito ordinaryong bus rider. Napakayaman pala nito. Higit sa lahat, anak ito ng perennial enemy ng kanyang ama.
Pagtitiwalaan pa rin ba niya ito at patuloy na mamahalin kahit katulad niya ay ipinagkasundo na rin itong ipakasal sa iba?
Their love, if one would call it that, was doomed at the very start. Kaya lang ay makulit ang puso niya. Gusto pa rin nitong umasa.

6. PHR 3041 I Love The Way You Are by Ana Katrina Velasco



Nang makita ni Nikki si James Estavillo sa kasal ng kanyang Uncle David ay may kakaiba na siyang naramdaman para sa binata.
It was love at first sight.
Dating manliligaw ito ni Lianne—ang babaeng pinakasalan ng kanyang uncle. Si Lianne pa rin ang itinitibok ng puso nito.
Gumawa siya ng paraan para makilala ang binata at mapalapit dito. At hindi siya nawalan ng pag-asa. She promised herself that she would make James fall in love with her.
Pero mukhang mabibigo yata siya dahil for one, kabaligtaran siya ng ideal girl ng binata.

7. PHR 3042 Wild Love by Heart Yngrid



As a perpetually single, career-oriented woman, maraming hindi pinaniniwalaan si Larizza. Hindi siya naniniwala na kailangan niya ng lalaki para maging masaya. Hindi siya naniniwala na may pag-ibig na tumatagal nang habang-buhay. Hindi siya naniniwala sa idolohiya ng kasal. Ngunit tila pinaglaruan siya ng tadhana nang dumating ang isang pagkakataon na kailangan niyang magpakasal.
She found a husband who was willing to help her in exchange for money. Malayung-malayo ang personalidad nila ni Wesley at sa tingin niya ay hindi sila magkakasundo sa lahat ng bagay. She was serious and boring, as he described her. He was wild and reckless, as she described him.
Hindi niya matanggap na araw-araw na makakasama niya ang isang tulad ni Wesley. Binago nito ang takbo ng buhay niya at pati na rin ang mga paniniwala niya. Pati ba naman pagtibok ng puso niya ay babaguhin pa rin nito?

8. PHR 3043 A Suitable Groom by Liz Fielding (translated by Sheena Rose)



Veronica hated attending family weddings. Siya at ang pagiging single niya na lang kasi ang palaging napapansin ng mommy at relatives niya.
Nang magtagpo sila ni Fergus sa MRT ay nakaisip siya ng solusyon upang matuldukan ang pakikialam ng ibang tao sa status niya. She asked him, shamelessly, to accompany her to her cousin’s wedding.
She didn’t expect things would be out of her hands. Soon, she found themselves “engaged.” Nalathala rin sa mga diyaryo ang tungkol sa nalalapit na “kasal” nila. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit habang siya ay natataranta sa mga nangyayari, ito ay tila nagpapadala lamang sa agos…

9. PHR 3044 Salvatore "Tor" by Nebran by Camilla



Sinisisi ni Kathryn ang hindi nasilayang ina sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang ama. Kaya naman sa pagdadalaga niya ay wala siyang ibang mithiin kundi ang pagbayarin ito sa kasalanan nito sa kanya. At ngayon ay malapit na niyang maisagawa ang kanyang mga plano, mapapabagsak na niya ang bangko na pag-aari ng kanyang inang si Precilla Olivar…
Pero may sagabal sa pagsasakatuparan niyon—si Tor Nebran. Gagawin nito ang lahat matulungan lamang ang ninang nito. Ngunit hindi kaila sa kanya na matindi ang atraksiyon nito sa kanya. At gagawin niyang sandata iyon upang guluhin ang isip at damdamin nito…

10. PHR 1196 Karugtong Ng Isang Kahapon by Sharmaine Galvez



Napatigil si Moira nang makita ang isang lalaking nakatalikod. From where she stood ay kitang-kita niya ang perfect behind nito.
Ang kanyang pagkaaliw ay biglang napalis dahil sa nakita niyang hawak nitong kutsilyo. At kasunod niyon ay ang malakas niyang tili.
Napalingon si Vernon, tila naguguluhan at hindi malaman kung papaano siya patatahimikin. Hanggang sa namalayan na lang niyang hinahalikan siya nito.
Strange, dahil bahagya pa niyang iniawang ang mga labi to welcome his kiss, her first at the age of twenty-two.
Nang maramdaman niyang tumigil ito sa paghalik ay parang gusto pa niyang magprotesta. That was their last battle of kisses.
Until three years later when they met again. At noon nila napagtantong nais nilang dugtungan ang kahapon.
Ngunit paano na kung nakatakda na siyang ikasal sa iba?

11. PHR 1565 Nicole Loves Matthew by Claudia Santiago



Turn off para kay Matthew ang mga babaeng walang kahihiyang magsabing may gusto ito sa isang lalaki. At wala sa hinagap niyang mangyayari iyon sa kanya sa katauhan ni Nicole Guttierez.
Sinabi nitong type na type siya nito at hiningi nito ang pahintulot niya para maligawan siya.
Talaga namang nagulat siya dahil noon lamang siya naka-encounter ng ganoong babae.
Hindi naman niya makakalimutan ang naging sagot niya matapos makabawi sa pagkabiglang iyon. “It’s your problem, not mine,” aniya rito sabay talikod.
Ngunit sa pagdaraan ng mga araw, unti-unti niyang nakilala ang pagkatao nito na taliwas sa inaasahan niya.
Paano niya ngayon babawiin ang mga masasakit na salitang binitiwan niya rito at ang pagsusuplado niya tuwing lalapit ito sa kanya?
Maniniwala pa kaya ito kung sasabihin niya ritong nagkakagusto na rin siya rito? Baka siya naman ang gantihan nito.

12. PHR 1568 Home At Last by Claudia Santiago



Lakas-loob na nilisan ni Gabrielle ang Davao upang takasan ang kasal na ipinipilit sa kanya ng kanyang tiyahin.
Pagdating niya sa Maynila, ni wala siyang plano sa isip. Hanggang sa may humintong Pajero sa harap niya.
“Ma’am Gabrielle,” tawag ng isang matanda sa kanya na naipagkamali yata siya. Pasusubalian sana niya iyon nang makaramdam siya ng hilo, at natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa isang villa.
Tatlong babae ang kaagad ba sumalubong sa kanya.
“Lola, siya ba ang mapapangasawa ng Tito Miguel?” tanong ng batang babae sa katabi nito na siya ang tinutukoy.
Nagulat siya sa natuklasan. Kasal nga ang tinakbuhan niya sa Davao, pagkatapos ay kasal din naman pala ang mapupuntahan niya.
At tumambad sa kanya ang isang lalaking papangarapin ng kahit na sinong babae.
Mukhang tutuluyan na yata niya ang pagpapanggap. Ang problema, bakit parang galit sa kanya ang lalaki? May lihim ba ang “Gabrielle” na kilala ng mga ito?
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 1:40 am

wow!
ang galing ni ms. camilla
umaariba-ariba
buenamano si sheena rose sa Mills n Boon!
at may special ed uli c kagandahan

lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 1:49 am

salamat nga pala ms. Jen! lol!
Back to top Go down
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 2:34 am

wow galing ni lola camilla!

piro bakit kaya inilalagay under ng phr collection ang mga series ni miss camilla?
hindi ba puweding magkaroon ng sariling series numbering ang mga series ni lola camilla?
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 2:43 am

jilo wrote:
wow galing ni lola camilla!

piro bakit kaya inilalagay under ng phr collection ang mga series ni miss camilla?
hindi ba puweding magkaroon ng sariling series numbering ang mga series ni lola camilla?
binago na nila kc ung cinderella at men in blue dun na rin sa phr collection
isinama.
Very Happy
Back to top Go down
aicert
Newbie
Newbie


Number of posts : 22
Age : 30
Location : Cubao, Quezon City
Registration date : 2008-11-15

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 3:45 am

daming new released ngaun ah! cheers

sayang, walang new released si RT... Crying or Very sad

thanks for posting jen! Wink
Back to top Go down
http://www.pocketbookukay.multiply.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 4:41 am

Ganda naman thanks for posting.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 7:32 am

daming camilla!

thnks for posting!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
chary0401
Junior
Junior


Number of posts : 100
Age : 35
Location : San Francisco, Surigao del Norte
Registration date : 2009-02-09

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 10:17 am

wow daming release!!! Si lolah C. umaariba n nman sa dami ng release nya dis week!!!

thanks MS. JEN!!!

Ask ko lang mga sis, Yung kay ms sheena rose b, tagalog version lang b ng original story ng " a suitable groom" ng Mills & Boon? or based lang d2?

well khit ano pa yan i oorder ko rin yan.

HAPPY READING EVRYONE!!!
Back to top Go down
http://phoebekirsten.multiply.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 11:09 am

yupey!!!!
Back to top Go down
patjo
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1161
Age : 24
Location : tanjay city
Registration date : 2009-03-25

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 3:53 pm

Caleb wrote:
yupey!!!!

grabe!

ang gaganda ng stories!

ha-hauntingin ko tlaga yan!

thanks 4 posting ms. jen!

ADIOS!

lol!
Back to top Go down
Licia
Junior
Junior


Number of posts : 111
Registration date : 2008-08-07

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 4:05 pm

Ano ang tungkol sa mills and boons? Translated lang ba sila o parang adapted--meaning ginaya lang ang kuwento pero magkaiba sa original? May nakuha bang right ang PHR sa M&B?
Back to top Go down
-ghe_cRaE11-
Fanatic
Fanatic


Number of posts : 1409
Age : 24
Location : nEgros occidental,kabankalan city
Registration date : 2008-07-22

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Wed May 13, 2009 8:02 pm

wow naman!

ang dami ng kay lola c!

umaariba!
Back to top Go down
Denisse
Junior
Junior


Number of posts : 115
Registration date : 2008-10-21

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Thu May 14, 2009 1:14 am

Ang Dami! Razz Razz Razz
Thanks for posting!
Back to top Go down
haycs
Master
Master


Number of posts : 815
Age : 24
Location : Tanza, Cavite
Registration date : 2009-03-31

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Thu May 14, 2009 1:37 am

ang dming new release ah..... tnx for posting ate, jen.....
Back to top Go down
http://www.myspace.com/francisclairbarit
madison
Junior
Junior


Number of posts : 47
Age : 29
Location : bauan, batangas
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Thu May 14, 2009 10:53 am

eh?ang dami nga ng release ah....


kaya lang bakit walang BOOK 2 NG CRIMSON QUEST SERIES...... Sad Sad Sad
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Thu May 14, 2009 10:13 pm

madami nga...

meron kang ate heart.. galing!
Back to top Go down
VeMa
Master
Master


Number of posts : 668
Location : Laguna
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Fri May 15, 2009 12:23 pm

., tnx sa pag post!!!!
lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
anil
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 27
Location : tuguegarao city, cagayan
Registration date : 2009-04-28

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Fri May 15, 2009 12:56 pm

hmmm..

sana makarating dito...

hahaha...

+_+

PEACE OUT Exclamation Exclamation Exclamation
Back to top Go down
kaizen
Master
Master


Number of posts : 986
Location : Mandaue, Cebu
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Fri May 15, 2009 1:39 pm

waahh..tnx s pag.post ate jen!!
Back to top Go down
kaizen
Master
Master


Number of posts : 986
Location : Mandaue, Cebu
Registration date : 2009-04-08

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Fri May 15, 2009 1:42 pm

waahh..tnx s pag.post ate jen!!
Back to top Go down
amelley
Senior
Senior


Number of posts : 256
Age : 26
Location : DEADSPOT
Registration date : 2008-11-26

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Sun May 17, 2009 5:28 pm

wala na namang MC,
as expected.
hahayzzzz....
Back to top Go down
http://www.josepaolo.proboards.com
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Mon May 18, 2009 12:54 am

chary0401 wrote:
wow daming release!!! Si lolah C. umaariba n nman sa dami ng release nya dis week!!!

thanks MS. JEN!!!

Ask ko lang mga sis, Yung kay ms sheena rose b, tagalog version lang b ng original story ng " a suitable groom" ng Mills & Boon? or based lang d2?

well khit ano pa yan i oorder ko rin yan.

HAPPY READING EVRYONE!!!

Tagalog version na may kaunting pagbabago daw, iyon ang sabi ni Ms. Edith sa fans day. May Pinoy touch. For example, di puwede ang divorce kaya dapat annulment. Tapos ang mga pangalan at lugar, sa Pilipinas din makikita.
Back to top Go down
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Mon May 18, 2009 12:56 am

Sa lahat ng nag-thank you, you're all welcome. Yung Crimson Quest 2, this Wednesday siguro lalabas.
Back to top Go down
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Tue May 19, 2009 2:03 pm

ganun ba jen...

naka read na kasi ako ng PB ng gawa halequin.. tama ba?

maganda tlga parang PHR.. hahahah
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: May 13, 2009 Book Release   Today at 7:48 am

Back to top Go down
 
May 13, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 2Go to page : 1, 2  Next
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: