HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 May 6, 2009 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 1:33 am

1. PHR 3031 Miss, The Surgeon's Princess by Vanessa



Nang pumanaw sa isang trahedya ang mga magulang at kapatid ni Miss ay kinupkop siya ng kanyang mayamang tiyahin. Akala niya ay isang suwerte iyon, ngunit maling-mali siya. Ginawa siyang utusan sa bahay ng kanyang tiyahin. Mabuti sana kung may suweldo siya, ngunit wala rin.
Siguro’y kapalaran ang gumawa ng paraan para maghirap ang kanyang tiyahin. At upang muling makabangon, nagdesisyon itong ipakasal ang anak sa anak ng kaibigan nito, si Melvin. Ngunit sa kung anong biro ng tadhana, siya ang natipuhan ng binata na pakasalan. Alam niyang isang kasunduan lang ang lahat, ngunit nahiling niyang sana’y si Melvin na nga ang prinsipeng pinakahihintay niya.

2. PHR 3032 Ang Miss Universe At Ang Tricycle Driver by Camilla



Pangarap ni Mags Torquato na maging beauty queen. Kahit hindi siya manalu-nalo, positive pa rin siya na darating ang araw na makokoronahan din siya. Kaya wala siyang kabalak-balak na pansinin si Bong Macasaet. Guwapo nga ito pero wala nang ginawa kundi buwisitin siya.
Kung type siya nito, manigas ito. Hindi isang tricycle driver lang ang inaambisyon niyang mapangasawa. At tahasan niyang ipinaramdam iyon dito.
Hanggang isang araw ay madiskubre niyang mali pala ang pagkakakilala niya rito.
May pag-asa pa kaya sila sa kabila ng kapalpakan at mga disgrasyang inabot niya dahil na rin sa kagagahan niya?

3. PHR 3033 Diane's Romance by Vanessa



Mali ang akala ng lahat sa pagkatao ni Diane. Ang hirap ng sitwasyon niya, lalo na at ibig ng kanyang ama na maging sundalo siya kahit ang gusto niyang maging trabaho ay ang gumawa ng mga manyika.
Her complicated life got more complicated when she fell for her friend, a man who helped her through her depression, someone who called her “Pare.”

4. PHR 3034 Smoke And Mirrors by Camilla



Isang obligasyon na sapilitang iniatang kay Riya ang dahilan kung bakit naglaho siya na parang bula sa buhay ng nobyo niyang si Seth. Bumalik siya pagkalipas ng dalawang taon, umaasang madudugtungan ang nabiting kahapon nila. Pero naroon na si Donna, ang babaeng naging karamay ni Seth noong wala siya—ang babaeng pumuno sa mga pagkukulang niya sa binata, ang babaeng pakakasalan ng pinakamamahal niya.
Sa kabila ng maraming unos at panlilinlang sa buhay nilang punung-puno ng pagsubok, may pag-asa pa kaya ang isang happy ending sa pagitan nila ni Seth?

5. PHR 3035 Along Came Billy by Almira Jose



Komplikasyon ang isang bagay na wala sa buhay ni Lia. Nag-e-enjoy siya sa trabaho niya at blooming ang love life niya. Sa pangkalahatan ay masaya siya, kontento. Enter Billy Duque, ang mensahero ng balitang nagdulot sa kanya ng ibayong lungkot at ligaya—not to mention, nagpabago sa buhay niya.
Hiningi ng pagkakataon na makasama niya ito sa iisang bubong. Sa pagdaan ng mga araw ay natuklasan niyang hindi naman pala ito boring gaya ng unang inakala niya. Mabilis na umusbong ang pagkakaibigan nila. Before long, she found herself falling for him. It was inevitable. He was kind. He was sweet. He was charming.
And he was also taken… and so was she.
Samakatuwid, isang guwapo at simpatikong komplikasyon si Billy.

6. PHR 1240 Bihag Ng Pag-ibig by Laurice del Rio



Nataranta si Maja sa pagpunta sa Hacienda Montellano upang alamin kung ano na ang nangyayari sa kanyang kapatid na si Philip. Isa itong journalist na gustong mag-cover ng isang interesting scoop—tungkol sa isang sikat na basketbolista na nagtatago sa Hacienda Montellano.
Doon niya nakilala si Bonn Montellano, ang binatang may-ari ng hacienda. Naipit siya sa sitwasyong kagagawan ng kapatid.
Nagpanggap siyang isang katulong sa bahay ng mga Montellano. At nang lumaon ay natuklasan din ni Bonn na nagpapanggap lamang silang magkapatid—dahil sa itinanan ni Philip ang kapatid nitong si Teresa.
In exchange for his sister, Bonn held her prisoner in their house. Sa ilang araw na naging bihag siya nito ay natagpuan niya rin ang pusong bihag na rin ng binata…

7. PHR 1560 Babalikang Muli by Claudia Santiago



Muling nagbalik si David sa Pilipinas pagkaraan ng mahabang panahong pananatili nito sa Canada. Ito ang unang pag-ibig at una ring kabiguan ni Sandy.
Walang nakakaalam na eight years ago, naging magkasintahan sila. Nangako itong siya lang ang tanging mamahalin nito magpakailanman. Naniwala siya rito. Sa batang puso niya, seryoso siyang nagmamahal dito.
Pero nabigo pa rin siya. Isang araw ay bigla na lang itong nakipagkalas sa kanya.
Ngayon, hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan sakaling magkita silang muli. Gusto niya itong sumbatan at pamukhaan sa sakit ng damdaming idinulot nito sa kanya noon.
Ngunit paano niya iyon gagawin gayong sa kanyang puso ay batid niya kung gaano siya nanabik na muli itong makita… at mahalin?

8. Crimson Quest Series 1: Surrender by Arielle



Leader si William “West” Gallego III ng isang exploration team. Isa siyang magaling na geologist at malapit nang ma-publish ang kanyang libro tungkol sa mga explorations sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa pagkakaalam ng lahat ay isa siyang bachelor na wala sa isip ang pag-aasawa o anumang romantic thoughts dahil laging nakatutok ang atensiyon niya sa mga adventures at exploits niya. Kaya ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga teammates niya nang isang babae ang biglang sumulpot sa gubat na ine-explore nila at yumakap nang mahigpit sa kanya.
Ang babae ay walang iba kundi si Tracy. Twenty-six years old ito, maganda, sexy, at ipinipilit na asawa niya ito.

9. The Bachelors Series 50: Daniel Laurenti (The Day You Took My Hand) by Elizabeth McBride



Sarah Laurenti had everything except her mother’s affection. Kaya nangako siya sa sarili na dadalhin niya rito ang nag-iisang kaligayahan nito—si Daniel.
It took her so much courage to find Daniel. Dahil ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng pagkatao niya. Pero hindi niya inaasahang may mas mabigat na problema pa siyang kahaharapin nang makita niya ito.
Hindi pala mahirap mahalin si Daniel.
At natagpuan niya ang sariling umiibig dito.
Back to top Go down
liezel
Master
Master


Number of posts : 642
Location : PASAY
Registration date : 2008-05-12

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 1:42 am

tnx ms. jen!
uy labas na ung CRIMSON Q.
tulad pa rin ng dati
ariba! ariba! c ms. camilla
at vanessa
ayus!!! lol! lol!
Back to top Go down
aicert
Newbie
Newbie


Number of posts : 22
Age : 30
Location : Cubao, Quezon City
Registration date : 2008-11-15

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 3:23 am

finally, nareleased na din yung crimson quest. mukhang interesting na naman yung plot ng series. dami na ring nag-aabang nito. thanks for posting jen! cheers
Back to top Go down
http://www.pocketbookukay.multiply.com
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 6:05 am

wow, ganda naman ng new release ngayon!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
jilo
Junior
Junior


Number of posts : 96
Age : 26
Location : laguna
Registration date : 2008-11-03

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 6:21 am

ang galing. thanks miss jen
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 7:21 am

thanks aga ng release ng post he he he
Back to top Go down
seductive_cuteangel
Senior
Senior


Number of posts : 291
Age : 30
Location : davao city
Registration date : 2008-07-13

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 7:39 am

thanks for the update....

pnkaabangan to ng mrami.


anyway, sa mga interested bumili ng release today... just contact us tomorrow will be d arrival of the books!

just keep visiting http://www.freewebs.com/jareen008

thanks!
Back to top Go down
http://www.freewebs.com/jareen008
madison
Junior
Junior


Number of posts : 47
Age : 29
Location : bauan, batangas
Registration date : 2008-01-25

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 9:56 am

yeesss.....after 10,000 light years lumabas na din ang CRIMSON QUEST....yah OA na kung OA...pero wala eh matagal na ko ng iniantay ito..... lol!


sana next week meron na ulit...thnks ms. Jen
Back to top Go down
chary0401
Junior
Junior


Number of posts : 100
Age : 35
Location : San Francisco, Surigao del Norte
Registration date : 2009-02-09

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 10:09 am

Yipee!!! Ang dami release ngayon... cheers



May camilla, and arielle p!!!! cheers cheers



Thanks Ms. Jen Very Happy Embarassed Exclamation I love you flower lol!

affraid
Back to top Go down
http://phoebekirsten.multiply.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 10:52 am

yupey!!!!!


may bago na namang release si vanessa...


i love it...
Back to top Go down
venomouswitch
Newbie
Newbie


Number of posts : 13
Age : 34
Registration date : 2009-01-15

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 12:05 pm

yey!! cheers cheers cheers

sa wakas! out na ang crimson quest ni Arielle! cheers cheers cheers
Back to top Go down
blue_demon
Newbie
Newbie


Number of posts : 26
Age : 26
Location : Baguio
Registration date : 2009-03-26

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 1:47 pm

wow! claudia at arielle!
salamat naman at out na yung crimson quest...
Back to top Go down
http://justaclickaway.multiply.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 1:57 pm

hahanap ako ng paraan pra maka bili ng crimson.. hehehe
Back to top Go down
dhoreen
Junior
Junior


Number of posts : 46
Age : 26
Location : Sta. Clara Gen. Trias, Cavite
Registration date : 2009-01-27

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 9:48 pm




hehehe... yes, meron nang bachelors... huuuuuuuuuu...
may kasunod na ung collection ko na third edition ng bachelors....

ang dami ding book release ni ms. camilla... yoohooo...

i love it.. hahahahahahahaha.....



im so happy.... lol! lol! lol!
Back to top Go down
jaerellin
Junior
Junior


Number of posts : 151
Age : 28
Location : Binangonan
Registration date : 2008-01-28

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Wed May 06, 2009 10:42 pm



Ang daming maganda grabe....

my bagong series Crimson Quest,., nice Smile

sana hindi umulan bukas para d ako tamarin at ng makabili na ko Very Happy

sayang walang heart at sonia

Back to top Go down
blue_demon
Newbie
Newbie


Number of posts : 26
Age : 26
Location : Baguio
Registration date : 2009-03-26

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Mon May 11, 2009 1:13 pm

ganda ng crimson quest..basta arielle...
Back to top Go down
http://justaclickaway.multiply.com
Maria_Luz143
Junior
Junior


Number of posts : 92
Age : 23
Registration date : 2008-08-05

PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Tue Jun 02, 2009 2:16 am

yeppeeyy,,,


may crimson quest na....

!!!!!!!!!!!!!!!!!!!




thanks!!!!!!!!!!!!


lol! lol! lol! lol! lol!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: May 6, 2009 Book Release   Today at 7:53 pm

Back to top Go down
 
May 6, 2009 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted
» My Book on Revelation, Revealingly Different

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: