HomeHome  Log in  RegisterRegister  www.phr.com.phwww.phr.com.ph  SearchSearch  

Share | 
 

 March 12, 2008 Book Release

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Jen
Team Support
Team Support


Number of posts : 695
Age : 29
Location : Quezon City
Registration date : 2007-12-19

PostSubject: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 9:07 am

1. PHR 2806 Ten Days by Camilla



Na-highblood agad si Rae nang makaharap ang drop-dead gorgeous na si Lt. Gregorio Quinita, Jr. isang sundalong temporarily suspendi sa serbisyo. Napagkamalan siya nitong pokpok! Pero sa halagang tatlong daang piso, napapayag naman siya nitong i-“table” kasama ang mga kaibigan nito.
Hindi niya alam na iyon ang simula ng pagganap nito sa isang napakaimportanteng role sa buhay niya—that of a partner sa isang tila larong bahay-bahayan…

2. PHR 2807 Ang Pangarap Ni Ana by Vanessa



Ang pangarap ni Ana ay ang makapag-Japan nang sa ganoon ay matulungan niya ang kanyang pamilya. Sayang naman ang sa palagay niya ay nag-uumapaw na talento niya. Ngunit wala siyang pang-placement fee kaya hindi siya makaalis.
Nakakita siya ng solusyon kung paano matutupad ang kanyang pangarap: ang manghiram ng pera sa kanyang boss na si Amador; tutal naman ay mayroon itong napakalaking pabor na hiningi sa kanya. Sa tagal ng pangungumbinsi niya rito ay napapayag din niya ito. Ang kaso, mientras lumalapit ang araw ng kanyang pag-alis ay parang naiiba na ang kanyang pangarap... Parang mas gusto na niyang manatili na lamang sa bansa at pangarapin nang gising si Amador...

3. PHR 2808 Proud Hearts by Dream Grace



Nauwi sa matamis na relasyon ang parang aso't pusang pagbabangayan nina Gail at Pride. Kung noon ay pulos maaanghang na salita ang ipinupukol nila sa isa't isa, ngayon ay walang araw na hindi nila sinasabi kung gaano nila kamahal ang bawat isa.
Isang araw ay biglang nagpaalam ito na aalis. Sa Amerika na raw ito magpapatuloy ng pag-aaral. Walang kasiguruhan kung babalik pa ito sa piling niya kaya nagpasya siyang ipagkaloob dito ang kanyang pagkatao.
At nahuli sila ng kanyang mga kuya.
Nagalit si Pride at pinagbintangan siyang s-in-et up niya ang lahat. Umalis itong napopoot sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nagbabalik ito sa kanya. Mapanindigan pa kaya niya ang galit niya rito kapag nalaman na niya ang buong katotohanan sa paglisan nito noon?

4. PHR 2809 Pasaway Na Puso by Laurice del Rio



Patuloy na nakikipagkita si Aville kay Justin kahit alam niyang nakatakda na itong ikasal sa anak ng matalik na kaibigan ng papa niya. Isang senador ang kaibigan ng papa niya at hiniling nito na sana ay huwag siyang gumawa ng kahit anong maaaring makaeskandalo rito o sa pamilya nito.
Desperado na ang papa niya kaya para mapatahimik siya kahit sandali ay ipinadukot siya nito sa inaanak nito na si Tristan. Pansamantala siyang dinala ng lalaki sa isang liblib na lugar.
Galit na galit siya kay Tristan dahil sa pakikikuntsaba nito sa papa niya. She swore to make him pay. Pero mukhang siya ang malalagay sa alanganin dahil biglang may di-maipaliwanag pero napakatinding atraksiyon na nadama niya para dito.
She thought he felt the same way but when they got back to the city, she discovered how wrong she was. May ibang babae pala sa buhay nito...

5. PHR 2810 Your Love Is Better Than Pancit Miki by Claudia Santiago



Ang mga katagang iyon ang binitiwan ni Brody kay Kookai nang huli silang magkita pagkatapos niyang muling tanggapin ang nobyong si Troy sa kabila ng panloloko nito. Mula noon ay hindi na nagpakita pa sa kanya si Brody.
Nang muling magtagpo ang mga landas nila ay hindi na siya ang dating masayahin at puno ng buhay na si Kookai. Tama ito. Dahil iniwan din siya ni Troy at muling ipinagpalit sa iba. Ngayong magkaharap na uli sila ni Brody ay hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya rito.
Pero higit siyang nasorpresa na sa kabila ng lahat ay ito pa rin ang dating Brody na nagmamahal sa kanya…

6. PHR 2811 Tall, Dark And Gorgeous by Jasmine Esperanza



Nang una pa lamang masilayan ni Adrian si Jackie ay nabighani na siya sa angking kagandahan nito. Sinuyo niya ito. Nagkalapit sila. Hanggang sa may mangyari sa kanila.
Pero nang magparinig ito na tipong gusto na nitong magpakasal, bigla ay natigilan siya.
Ilang araw na hindi ito nagpakita sa kanya, pero ano’t hinahanap-hanap naman niya ito.
Mukhang ito na ang babaeng magtatali sa kanya.
Ngunit laking gulat niya nang puntahan niya ito ay may ibang lalaki na nagpo-propose dito ng kasal…

7. PHR 2812 Lemonade's Romance by Vanessa



Kailangan ni Lemonade na makatakas sa pamilya niya at sa lalaking ipinagkakasundo ng mga ito sa kanya. Isa lamang ang kapalit ng tulong na dumating sa kanya para magawa iyon: ang magpanggap siyang isang kapuspalad na kawaksi.
At ang kanyang amo ay walang iba kundi si Alejandro, a simple and sweet farm boy.
Nahulog ang loob niya rito.
Alam niyang mali ang sumisibol na damdamin niya para ditto. She was going to leave that place soon. At ito naman ay alam niyang mayroon ding ibang gustong babae.
Ngunit hindi sinasadyang may namagitan sa kanila…

8. Black Bureau Elite Series 3: My Kind Of Guy (Agent Einstein) by Noelle Arroyo



Lumaking ulila sa mga magulang si Daena. Sa kabila niyon, napalaki siya nang maayos ng kanyang ninang na librarian bago namatay ito. Ngayon, bilang librarian sa technical library ng isang malaking kompanya ng computer software at avid reader ng romance-adventure genre, ang buong akala niya ay tanging sa pangarap na lang niya matitikman ang isang buhay na kasingkulay at kasingkapeligroso ng kanyang mga nababasa.
O kasintamis—pero ang paniwala niya, sa pangarap lang talaga iyon.
Sa mga librong nababasa lang niya matatagpuan ang isang lalaking puwede niyang ihalintulad sa mga heroes doon. Hindi niya inakalang mangyayari sa kanya ang kanyang pangarap.
Nakilala niya si Lawrence Contreras, Agent Einstein ng Black Bureau Elite.

9. Black Bureau Elite Series 4: His Raine To Protect (Agent Trail) by Noelle Arroyo



Na-assign si Miguel Duarte aka Agent Trail sa pagbibigay ng surveillance at proteksiyon sa walang-kamalay-malay na si Raine Salvador at sa dalawang taong gulang na pamangkin nito, si Shan¬na. Pinatay ang mga magulang ng bata na kilalang mga computer geniuses. Isang microchip kung saan nakalagak ang huling mahala¬gang project ng mga ito ang nawawala. Hinala ng Black Bureau, nakatago kay Shanna ang microchip kaya namemeligro ang buhay ng magtita sa isang sindikatong malaki ang interes sa naturang microchip.
Pero sa larawan pa lang ng magandang dalagang painter ay nakompromiso na agad si Miguel sa assignment.
At habang tumatakbo ang surveillance, anuman ang gawin ng seasoned agent, hindi pa rin niya magawang mapigilan ang unti-unting pagkahulog niya sa dalaga...

10. Lukaret Series 5: Teacher Avi's Chemistry Experiment by Camilla



Sa unang engkuwentro pa lang nilang engkuwentro ay na-curious na si Avi kay Jason. He had that faraway look in his eyes. He seemed so sad. Pero nang makilala niya ito ay nalaman niyang masayahin naman pala ito. Sa kabila ng pulos disgrasyang hatid niya rito, Jason stuck around. Pero OA na yata na bantayan siya nito sa pakikipag-date sa ibang lalaki! Subalit kung ang pagbabasehan ay ang little "chemistry experiment" na ginawa nito sa kanya, well, masasabi niyang may karapatan itong "bakuran" siya...

11. 18 Roses Series 27: Pauline: Desert Rose by Cora Clemente



“Walking Whale”—ito ang bansag kay Pauline sa kanilang campus dahil sa kanyang pagiging malusog. Okay lang naman sa kanya iyon dahil marami ang nagsasabi sa kanyang sapat na ang pagkakaroon niya ng napakagandang mukha para mapagtakpan ang para sa marami ay kapintasan niya.
Subalit ang hindi niya napalampas, pati ang greatest crush niyang si Levan ay mukhang pinagtatawanan din ang pagiging mataba niya. Ngunit agad din namang itinuwid nito ang maling akala niya. Iyon pa ang naging dahilan upang maging malapit sila sa isa’t isa.
Pero nang dahil sa kanyang kuwintas na napulot nito ay biglang dumistansiya ito at tuluyang lumayo sa kanya na labis na ipinagtaka niya.
Sa muling pagkikita nila, hindi lang magandang mukha ang taglay niya kundi seksing katawan. At ipamumukha niya sa Levan na ito na pagsisisihan nito ang biglang paglayo nito sa kanya.

12. MLB 203 Lillah & Elyon by Camilla




Mahal ni Lillah si Elyon Carbonell pero tutol ang ama nito sa kanya para mapangasawa nito. Ilang beses nang hindi natuloy ang kasal nila dahil na rin sa manipulasyon niyon. Lahat ng paninindak sa kanya ay ginagawa ng matandang Carbonell para huwag silang magkatuluyan ng binata kaya pikit-matang nakipagkalas siya rito para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
May pag-asa pa bang maging bride siya ni Elyon Carbonell?
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 9:15 am

I Love you, Jen. Laughing
you made my day.
na-miss kita. kala ko di ka na darating. Sad

lol!
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 11:46 am

ei thx jen sa pag post...hehehe
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 12:18 pm

thanks dami maganda nxt week kaya bago mahal na araw my lalabas
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 12:23 pm

natalia wrote:
thanks dami maganda nxt week kaya bago mahal na araw my lalabas

sana lang maglabas sila ng marami,
bago mag-mahal na araw
dahil naka, mga ilang linggo yan walang labas..
ganun naman lagi.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
Caleb
Master
Master


Number of posts : 857
Age : 25
Location : negros occidental
Registration date : 2008-01-17

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 12, 2008 10:43 pm

raveneyes wrote:
I Love you, Jen. Laughing
you made my day.
na-miss kita. kala ko di ka na darating. Sad

lol!


lam mo te jen...

malapit na yang mabaliw si ate kasi ang tagal mong di nakapost sa new release..

kasi malapit na raw yon mahal na araw.. lol! lol!

oi, alam ko yang si ana at amador..

di ba yan ang pinsan "asawa ni lumlitan" lol! nakalimutan ko name.. katamad kasing pumunta sa kwarto

di ba??????
Back to top Go down
kimi
Senior
Senior


Number of posts : 422
Age : 26
Location : somewhere down ilocos..
Registration date : 2008-01-27

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Thu Mar 13, 2008 4:09 am

ugh, wala pa sa isip ko na mabasa 'to.. haha.. i'm still waiting for march five's release.. (*sigh*).. kelan kaya? kelan? kelan? ahaha.. ang hadik ko.. madaling araw na kaya.. and here i am.. (mimicking lily truscott's voice of hannah montana..).. still having a hard time finding my precious.. Sad
Back to top Go down
http://www.pinatbaterkaaap.blogspot.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Thu Mar 13, 2008 9:34 pm

d2 sa davao na NBS hindi paring sila nag uupdate ung last feb pa...^_^ huhuhu
Back to top Go down
jluvlenskie13
Junior
Junior


Number of posts : 134
Age : 38
Location : japan
Registration date : 2008-01-15

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Fri Mar 14, 2008 8:58 pm

thanx
Back to top Go down
tj
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Registration date : 2008-03-09

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Sat Mar 15, 2008 4:59 pm

nabasa ko na ang pito, 2 nagustuhan ko. yung iba ok lang.
Back to top Go down
dimple
Newbie
Newbie


Number of posts : 17
Age : 26
Location : malate manila
Registration date : 2008-02-21

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Sun Mar 16, 2008 12:27 am

WAAH....sa wakas lumabas na din 5 ng lukaret series,,grabe super nakakatawa ung 1 2 3 and 4.... Very Happy
Back to top Go down
natalia
Junior
Junior


Number of posts : 128
Registration date : 2008-01-30

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Mon Mar 17, 2008 12:28 pm

magkakaron kaya bago release ngyn holy week
Back to top Go down
raveneyes
Master
Master


Number of posts : 609
Location : Marikina
Registration date : 2008-01-16

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Mon Mar 17, 2008 5:06 pm

caleb wrote:

lam mo te jen...

malapit na yang mabaliw si ate kasi ang tagal mong di nakapost sa new release..

kasi malapit na raw yon mahal na araw.. lol! lol!

oi, alam ko yang si ana at amador..

di ba yan ang pinsan "asawa ni lumlitan" lol! nakalimutan ko name.. katamad kasing pumunta sa kwarto

di ba??????

oist, bat mo ko binubuking hehe. lol!
nagpapanik nga ako nung kala ko d magre-release. lol!
Amador nga pinsan ni Danielito Marasigan na asawa ni Lumlitan (pepper 13 batch 2)
at si Ana yung friend ni Lumlitan dun. muntik ko na nga din makalimutan tungkol sa kanila.
Back to top Go down
http://pinoypocketbooks.com
tj
Newbie
Newbie


Number of posts : 20
Registration date : 2008-03-09

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed Mar 19, 2008 12:42 am

natalia wrote:
magkakaron kaya bago release ngyn holy week

yeah, meron ba?
Back to top Go down
allenssexywife
Junior
Junior


Number of posts : 104
Age : 38
Location : Davao City
Registration date : 2008-09-03

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Sun Dec 28, 2008 1:25 pm

ay kaganda naman ni miss sofie at miss sonia eye ball tayo someday ha para makakuha me ng pics s mga magagandang 2lad nyo.
Back to top Go down
http://www.tagalogpocketbookromance.com
cutejan19
Special Team
Special Team


Number of posts : 1452
Location : davao city
Registration date : 2008-02-18

PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Wed May 20, 2009 9:51 pm

nabili nyu ba ang mga PBs na ito????

sana nabili ninyo! hehehe

RJAN hir!
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: March 12, 2008 Book Release   Today at 7:53 pm

Back to top Go down
 
March 12, 2008 Book Release
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» How to write a Mills and Boon
» Free Press Release Sites for your Book Promotion Efforts
» The Wilder Life - A new book
» The Land of Stories 3 : Book Tour 2014
» 3-D TARDIS Model Kit book review wanted

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
 :: BULLETIN BOARD :: Book Reviews-
Jump to: