| May 28, 2008 Book Release | |
|
|
| Author | Message |
|---|
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 154 Location : Quezon City
 | Subject: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 6:29 pm | |
| 1. PHR 2842 Love Letter In The Sand by Amanda
Hindi naniniwala sa pag-ibig si Catherine. Biktima niyon ang kanyang ina at siya ang naging bunga. Lumaki siya na hindi ganoon kadaling magtiwala sa mga lalaki. Minabuti pa niyang magkaroon ng imaginary boyfriend upang depensahan ang sarili niya sa kabiguan. She created Sam. At tuwing umaga ay isinusulat niya sa buhanginan ang love letter niya para dito. Until one day ay nabasa niya ang isang tugon: na nagsasabing hindi na darating ang hinihintay niya. Hinanap niya ang gumawa ng kalokohan, and to her surprise ay nakaharap niya ang isang lalaking nahahawig sa imaginary boyfriend niya. At kung coincidence man iyon, ang pangalan ng lalaki ay Sam!
2. PHR 2843 Sweetheart by Racquel Panganiban
Dapat ay maging masaya na si Heart dahil sa mga blessings na natatanggap niya. Tapos na siya ng kolehiyo, may mga kaibigan siyang natatakbuhan sa oras ng kagipitan, at may banda siya na nagbigay sa kanya ng pangalan. Pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ni Crick, ang lalaking naiwan niya sa Baguio City. Si Crick ang naging tanggulan niya noong mga panahong magulung-magulo sa kanya ang lahat dahil sa hidwaan nila at ng kanyang papa. Sa isang gig niya ay natagpuan siya ni Crick. Mula noon ay muling naging bahagi ito ng kanyang buhay. Ayaw na sana niyang mangyari muli iyon dahil baka mahalin na naman niya ito. Mahirap magmahal ng isang lalaking ang kaya lamang ibigay sa kanya ay iyong klase ng pagtingin para sa isang kaibigan. A long time ago, she had an unrequitted love. She supposed nothing would change...
3. PHR 2844 Love's Surprises by Laurice del Rio
Nagkaroon ng relasyon ang pamangkin ni Claire na si Luis sa isang dalagita. Napakabata ni Bea para dito kaya natural na maghuramentado ang daddy nito. Polo, Bea's father screamed bloody murder and threatened Luis with bodily harm if he didn't stop seeing his daughter. Pero kahit pinipigilan niya si Luis ay sige pa rin ito sa pakikipagkita, pagtawag at pag-text kay Bea. It turned out Bea was sorely in need of a good female figure in her life. Unti-unti ay nagkahulihan sila ng loob, hindi lang nito kundi pati na rin ng ama nito. Si Polo naman ay naging mabuting ehemplo at impluwensiya kay Luis. Claire and Polo were on the verge of falling in love when all hell broke loose. At pagkatapos ng gulo ay naging malinaw sa kanya na isa lang ang kahahantungan ng kung anumang nadarama niya para sa lalaki--wala.
4. PHR 2845 The Colors Of My Heart by Camilla
Hindi natanggihan ni Jolie ang alok ni Maxwell Zhu na gawin siyang modelo sa isang nude painting. Ayon dito, kawangis niya ang tindig at pangangatawan ng yumaong asawa nito kaya ang katawan lamang niya ang iguguhit nito at ang mukha ay sa yumaong asawa nito. Weird, pero nauunawaan naman niya iyon. Mahal na mahal nito ang namayapang asawa nito. Kaya ganoon na lamang ang shock niya nang biglang mag-alok ito ng kasal at magpahayag ng kagustuhang magkaanak sa kanya!
5. PHR 2846 The Snappy Six Feet Male Challenge by Sheena Rose
Masarap na sana ang buhay ni Eloisa sa rest house na pinababantayan sa kanya ng isang tiyahin. Ngunit naputol ang maliligayang araw niya nang dumating ang may-ari niyon--si Jared Vizcarra. Desidido siya na pakisamahan ito nang mabuti kahit pa napansin niyang masyadong iritable ito. Muntik pa nga siyang palayasin nito dahil sa isang pangyayari. Pero nang may sumulpot na batang babae na nag-anunsiyo na anak ito ni Jared, biglang kinailangan siya nito. Bilang ano pa nga ba kundi yaya ng anak nito? Bagama't mainitin ang ulo ni Jared ay hindi naman niya maipagkakaila na malakas ang karisma nito. Hindi niya maiwasang ambisyunin na maging mommy ng anak nito. Ang kaso, lumabo ang sitwasyon nang dumating sa rest house ang tunay na ina ng bata.
6. The Don's Boys Series 5: Lucas Arogante by Vanessa
Madine had only one purpose in marrying Lucas Arogante: revenge. Malaki ang kasalanan nito sa kanyang kapatid. Lamang na siya dahil wala itong kamalay-malay sa mga plano niya. Ngunit nabaligtad ang lahat: siya ang nalamangan nito. Dahil wala siyang kamalay-malay na mahuhulog ang loob niya rito. At hindi iyon kasama sa mga plano niya…
7. The Don's Boys Series 6: Alberto Zabata by Vanessa
Natuklasan ni Tasya na kaya pinakasalan siya ni Alberto ay dahil kailangan nito ng asawa. Hindi totoong mahal siya nito. Balak pala ng magaling na lalaki na pagkalipas ng ilang panahon ay hihiwalayan siya nito at mula na rin sa bibig nito ay hindi raw ito nagi-guilty dahil hindi naman daw siya malulugi. Hindi makapayag ang kanyang kalooban. At naisip niyang unahan ito na tapusin ang relasyon nila. At tatapusin niya iyon sa paraang mababaligtad ang sitwasyon--iyong ito ang masasaktan at walang magagawa ito kundi lunukin ang lahat. Ngunit bakit pagkatapos ng masusing pagpaplano ay parang gusto niyang iurong iyon?
8. Calle Pogi Series 5: Haru by Sonia Francesca
Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan. Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito. Harmonious. Iyon ang matatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya. Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito. “Thanks for the feelings, Fara.” Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?
9. Modern Girl 32: Last Single Girl Standing by Maria Flora Celine
I’m Samantha, a successful doctor—and single. Tama, sa edad kong thirty-three ay wala pa rin akong asawa, o kahit boyfriend. But I was not unfazed by my single status. Hindi naman kasi sa pagmamayabang, kahit single ako ay maginhawa naman ang buhay ko. I had my own house and car, a fat bank account and I got to travel abroad twice a year. In short, I lived a charmed live. Ang ibang babae riyan ay may mga asawa nga pero sa tingin ko ay hindi sila ganap na masaya. Hanggang sa makatanggap ako ng wedding invitation. It was from my best friend Sara. She was getting married. Noon ako nagsimulang mag-worry. Sa aming magbabarkada, kami na lang ni Sara ang single. And if she was getting married, then that left me the last single girl standing! For the first time in my life, I heard my biological clock ticking. Help!
10. Stallion Series 36: Cloud Montañez by Sonia Francesca
Para kay Polly, si Ian Jack ang number one sa puso niya. At kung liligawan siya nito, tatanggapin niya ang pag-ibig nito nang buong puso. Iyon ang gagawin niya kahit pa sa tuwing nakikita niya ang larawan ng mga Stallion boys, lalo na ang kay Cloud Montañez ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ito kasi ang may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero hindi naman iyon ang mahalaga—dahil ayaw naman niya rito. Masungit kasi ito, at sa kanya lang. Hanggang isang araw, na-realize na lang niyang ang lalaking inakala niyang mahal niya ay hindi pala niya mahal. At ang lalaking inakala niyang ayaw niya ay minamahal nap ala niya. Whoever said that falling in love was easy? |
|
 | |
VANADIK & MC FANATIC

Joined : 07 Mar 2008 Posts : 92 Location : MAKATI CITY
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 6:55 pm | |
| walang dream team and les hommes hayz....
pero
2 don's boys yahooooooo.... |
|
 | |
{STOIC}_@nnette®™

Age : 25 Joined : 17 Apr 2008 Posts : 30 Location : Angono, Rizal
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 7:05 pm | |
| whaaaaaaaaaaaaaa
Si HARU ng Calle Pogi and Cloud Montañez ng SRC!!!!! whooooooooooooo!!!!
Yez yez.... Mapapasaakin na sila bukas.. bwahahahaha.
Piz!!!! |
|
 | |
{STOIC}_@nnette®™

Age : 25 Joined : 17 Apr 2008 Posts : 30 Location : Angono, Rizal
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 7:29 pm | |
| ayyyyy wait ngayon ko lang napansin walang les hommes.... sayang isip pa naman ako kung kaninong story ngayon.. haist!
anyways, sana next week meron na ulit...
Ciao! |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 7:46 pm | |
| | sadness wala pa din inaabangan sa src he he pero at least my bago kay ms camilla vanessa sonia he he thank you hwag sana maggsawa sa pagpopost |
|
 | |
xoxo_chacha

Age : 20 Joined : 07 May 2008 Posts : 5
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 9:02 pm | |
| annyong haseyo! whuaw,, nandyan na si cloud! pati si haru..
sayang walang les hommes de affaires...
kamsahamnida ms. jen!! |
|
 | |
-MikHa-

Age : 15 Joined : 23 Apr 2008 Posts : 118 Location : Villamor Air Base, Pasay City
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 11:22 pm | |
| mAy sTaLLioN nA riN aT caLLe poGi...
wuuu.... |
|
 | |
~brynette~

Age : 20 Joined : 08 Mar 2008 Posts : 166 Location : q.c.
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 11:35 pm | |
| waaaahhhh... it's yuu shirota on the src cover!!! shirota-sama,namiss kita! _________________
 |
|
 | |
-MikHa-

Age : 15 Joined : 23 Apr 2008 Posts : 118 Location : Villamor Air Base, Pasay City
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Tue May 27, 2008 11:50 pm | |
| hi aTe bhRiA... c yUu pLa uN...
kYa pLa pRaNg mAy kMukHa...
tsk,,tsk... |
|
 | |
craevyll

Age : 22 Joined : 25 Jan 2008 Posts : 83 Location : Cebu City
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Wed May 28, 2008 8:47 am | |
| after so many years, parang ngayon ko lang ulet nakita ang pangalan ni ms raquel panganiban... ahek! o talagang makakalimutin lang ko?
para kasing madalang na siyang mgsulat..
neweiz, thanks ms jen sa walang sawang pag-a-update samin!  |
|
 | |
cutejan19

Age : 20 Joined : 18 Feb 2008 Posts : 995 Location : davao city
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Wed May 28, 2008 2:39 pm | |
| waaaaaaaaa....aba! may mga bagong release na ating hinihinaty...hehehehe ^_^ ate creavyll...hehehehe at least lumabas na ung PHOENIX noh...hehehe
dalawang book ang lumabas... calle pogi and SRC....hehehe |
|
 | |
craevyll

Age : 22 Joined : 25 Jan 2008 Posts : 83 Location : Cebu City
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Wed May 28, 2008 3:53 pm | |
| wahehe.. corek! ate least lumbas na ang phoenix... ung aries will, manga novels at equinox na lang ulet ang hihintayin.. kelan kaya iyon ipa-publish????
and as usual, isang buwan ang kailangang hintayin bago makarating satin ang mga bagong release na mga pocketbooks... |
|
 | |
> francey <

Age : 22 Joined : 29 Apr 2008 Posts : 5 Location : bacoor, cavite
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Wed May 28, 2008 5:53 pm | |
| yess.. may out n novel c te che ngaun si fafa haru at fafanez cloud hehehehe  |
|
 | |
gemme

Age : 16 Joined : 29 Jan 2008 Posts : 324 Location : Calamba City, Laguna
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Wed May 28, 2008 6:26 pm | |
| nalate na ko.. hehe, wuu!!! cLoud!!! tama ang hula ko!! si polly nga!! hehe, may calle pogi din!! ü
 |
|
 | |
Mhelai

Age : 22 Joined : 16 Jan 2008 Posts : 334 Location : Planet Indigo
 | Subject: Re: May 28, 2008 Book Release Thu May 29, 2008 12:19 am | |
| | HARU in the house. eepal na ang mga pranings from the planet indigo. also benjie and bing of golden hearts series. masuswerte talaga itong sila iru_kara, bratat, etc... hehe! kung sino mga yan, sakin kayo magtanong. pero di ko sasabihin sa inyo. |
|
 | |
| May 28, 2008 Book Release | |
|