| June 11, 2008 Book Release | |
|
|
| Author | Message |
|---|
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 159 Location : Quezon City
 | Subject: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 9:14 am | |
| 1. PHR 2851 Pepsi's Romance by Vanessa
Ang plano ni Pepsi sa kanyang buhay ay simple lang: bitagin ang lalaking mag-aangat sa kanya at sa kanyang pamilya sa buhay. At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Gene. Ngunit hindi pa man siya nakakapagsimulang mambitag ay umentra na sa eksena ang pinsan nitong walang K, si Tani. Ang tanging handog ni Tani sa isang babae ay ang walang kaseryo-seryosong pagtingin nito sa buhay at ang kapogian nito. Iyon lang. At wala siyang balak na matuwa rito. Pero pilit itong nagsusumiksik sa kanya... At parang gusto na niyang pasingitin ito... Paano na ang plano niya sa buhay?
2. PHR 2852 Si Sheldon Joson by Camilla
Kadarating pa lang ni Libby sa isang liblib na lugar nang mahatak ang pansin niya ng isang mansiyon sa ituktok ng burol. She went there to satisfy her curiosity. Nakilala niya ang may-ari niyon--a gorgeous playboy named “Sheldon Joson.” Suwerteng inalok siya nito ng trabaho. Pero ang lahat yata ng suwerte ay may kaakibat na malas. Dahil bagaman okay ang bagong kalagayan niya bilang sekretarya ng binata, ang puso naman niya ang nagdurusa dahil unti-unting nahuhulog iyon sa palikerong amo niya...
3. PHR 2853 For The Love Of Myla by Sonia Francesca
Hinahangaan ni Myla ang bandang Sentinel maliban sa isang miyembro niyon--ang playboy na bass guitarist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil dito. Sa kasamaang-palad, sa isa sa mga performances ng mga ito ay di-sinasadyang napunta sa kanya ang cell phone nito. Pinagbintangan siya nitong magnanakaw at ipapakulong daw siya nito. Kahit anong paliwanag niya ay ayaw nitong pakinggan. Naiyak na siya dahil sa nalalapit na pagkasira ng kanyang buhay. Laking pagtataka niya nang biglang nagbago ang isip nito. “Para iyon lang, umiyak ka na. Oo na, oo na.” He reached out a hand and gently brushed away the tears on her cheeks. “Huwag ka nang umiyak. Hindi na kita ipapakulong.” Ano ang nakain nito? Bakit biglang bumait ito?
4. The Dream Team Series 3: Hutch Oseña by Almira Jose
Kailangan ni Hutch ang pagpupursige para patunayan sa lahat na may ibubuga siya. Siya kasi ang pinakabagong manlalaro sa kanyang team. He could not afford any distractions. At iyon si Macy sa buhay niya--isang ubod ng cute na distraction. Kung mag-demand ito ng atensiyon niya ay daig pa nito ang isang girlfriend. Gustuhin man niya ay hindi niya puwedeng ilaan dito ang buong panahon niya. He now had his team to think about. Kaya naman kahit gaano pang pangungulit ang gawin nito ay nag-time-out muna siya rito. Hindi niya inaasahang lalo lamang pala siyang madi-distract nang makahanap ito ng ibang binatang kukulitin...
5. The Dream Team Series 4: Victor Torres by Almira Jose
Nakilala ni Erica si Victor sa isang spa resort. Para sa kanya, instant attraction ang naramdaman niya para sa binata. Sa loob ng ilang araw ay sila lagi ang magkasama kaya hindi niya naiwasang lalong lumalim ang nararamdaman niya para dito. Hanggang isang araw ay di-sinasadyang may nangyari sa kanila. Noong una ay natakot siyang baka iyon na ang katapusan ng lahat ng magagandang sandali nila. Ngunit pinatunayan ni Victor na mali ang sapantaha niya. Masaya ang bawat sandaling magkasama sila bagaman may agam-agam siya dahil wala itong ipinapangako sa kanya. Handa siyang maghintay. Ang mahalaga ay masaya sila at nararamdaman niyang espesyal siya rito. Ngunit nang matuklasan niya ang tungkol sa dalawang taong may kaugnayan dito ay tinanong niya ang kanyang sarili: Nakahanda pa rin ba siyang manatili sa piling ni Victor kahit alam na niyang may mga taong maaaring masagasaan o magpaparaya na lamang siya kahit ang katumbas niyon ay tila ang kamatayan niya?
6. Calle Pogi Series 6: Matt by Keene Alicante
Nagtataka na si Natalya kung bakit tuwing nilalapitan niya ang resident pediatrician ng barangay nila na si Matteo Evangelista ay palaging nadidisgrasya ito. Napaisip tuloy siya kung ano ang problema sa kanya. Nakaka-bother kasi ang ginagawang pag-iwas nito sa kanya. Pero minsang muntik na siyang maaksidente ay ito ang sumagip sa kanya. At magmula noon ay hindi na siya iniwasan nito. Palagi na itong nakaalalay at nag-aalala sa kanya. Hindi tuloy maiwasan ng ilusyunadang puso niya na umasang nagsisimula nang mahulog ang loob nito sa kanya. Ang kaso, nalaman niyang may mahal na pala ito noon pa. Ito pa nga mismo ang nagsabi niyon sa kanya. Paano na siya?
7. Les Hommes d' Affaires Series 6: Travis Inocentes by Sharmaine Galvez
Sinamantala ni Travis ang pagpapadala sa kanya ng kuya at papa niya sa Baguio para maiwasan ang isang babaeng pumipikot sa kanya. He knew Lyka was trapping her into marriage, bagay na wala sa bokabularyo niya. Then he met Yna, an innocent-looking lady and a beauty to behold. Nang minsang gumimik sila ay ginabi sila ng uwi kaya napilitan siyang patulugin ito sa bahay niya. Kinabukasan, dumating ang mga magulang nito. Running away would be the most natural thing to do. But why was he volunteering to marry Yna instead?
8. The Don's Boys Series 10: Alfonso de Oro by Vanessa
Vera had a reputation of being a playgirl. Nang dahil doon ay nalagay siya sa panganib at kinailangan ng tulong ng isang lalaking hindi niya kilala. Dinala siya nito sa isang isla kung saan walang maaaring makalapit sa kanya. Ang pangalan ng lalaki ay Alfonso. She was so mad and wanted to go back to the city at once but Alfonso was a strict guard. Buwisit na buwisit siya rito dahil wala ni isang gusto niya ang pinagbigyan nito. Lahat ng kabakyaan ay ipinagawa nito sa kanya. Nangako siyang pagbalik sa Maynila ay magsisisi ito sa ginawa nito sa kanya... Pero iba na ang gusto niyang gawin pagbalik nila sa Maynila: gusto na niyang agawin ito sa nobya nito.
9. Braveheart Series 26: Zebedee Yulo IV (Winter Haven) by Dawn Igloria
Para kay Laila, Zebedee Yulo IV was every woman’s dream. Kaya nang magpakita ito ng interes sa kanya ay mabilis na na-capture nito ang puso niya. Kaya lang, kung gaano kabilis siyang nagkagusto rito ay ganoon din kadaling nawala ang feelings niya rito. Their relationship was relegated to mere a friendship. Doon naman sila mas naging close nito. He become a constant refuge for her. Noon din lumitaw ang mga bagay na hinahanap niya rito noong sila pa nito. Handa na siyang sabihin dito na mahal pa rin pala niya ito. Ngunit iba na ang mahal nito ngayon. Ngayon ay nahahati siya kung aagawin niya ang binata, o hahayaan na lang niyang lumigaya ito sa piling ng tamang babae.
10. Stallion Series 37: Eizhiro Figueroa by Sofia
Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop. Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos. “Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan. Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan. Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito? |
|
 | |
craevyll

Age : 22 Joined : 25 Jan 2008 Posts : 85 Location : Cebu City
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 9:31 am | |
| wow! my book release na for this week! thanx ms jen! sana di ka magsawa sa pagpopost!  |
|
 | |
{STOIC}_@nnette®™

Age : 25 Joined : 17 Apr 2008 Posts : 30 Location : Angono, Rizal
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 10:54 am | |
| whaaa ang dami mabibili ngayon heheheh
tanx ms. jen kala ko walang release ngayon eh... hehehe ulit..
 |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 11:59 am | |
| | akala ko wla din bago release he he sana my maabutan ako bukas sa pocketbook he he |
|
 | |
Caleb

Age : 18 Joined : 17 Jan 2008 Posts : 546
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 12:11 pm | |
| cool....
2 ang release ni kagandahan nya ngayon...
si victor torres sa dream team ni miss almira, mukhang si channing tatum...
tapos si alfonso de oro sa dons boys, familiar rin... _________________
 im deym tired and bored with all this shenanigan, GET REAL and BE REALISTIC
"you dont know what you got till its gone" |
|
 | |
~brynette~

Age : 20 Joined : 08 Mar 2008 Posts : 166 Location : q.c.
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 2:58 pm | |
| kilig yang for the love of myla..weee.. _________________
 |
|
 | |
joanna jane

Age : 16 Joined : 30 Mar 2008 Posts : 41 Location : cavItE
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 4:37 pm | |
| weeeeeeeeeeee kay eizhiro n! sna di maubos ang mga ito hnggng nxt wik! sna sna sna sna....[ngorasyon dw b?]
slmat po s pgpost!  |
|
 | |
gemme

Age : 16 Joined : 29 Jan 2008 Posts : 324 Location : Calamba City, Laguna
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 5:00 pm | |
| tEnkyu sa pagpOst!
kAy maTt na pala.. Hay.. kelan ko ng bumiLi ng caLLe... hehe,
eizhirO!! wuu!! _________________ do you truly believe that you care more for me than i do for you?
if i could dream at all, it would be about you, and im not ashamed of it...
you are the most important thing for me now, the most important thing for me ever...
im having trouble with the fact that edward cullen is a fictional character.ü |
|
 | |
cutejan19

Age : 20 Joined : 18 Feb 2008 Posts : 1009 Location : davao city
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 6:04 pm | |
| | hahahahha...maganda ang release ngayon...pero walang pag babago d2 sa davao...haaaayzzz!!! |
|
 | |
rhyzie

Age : 20 Joined : 17 Jan 2008 Posts : 75 Location : calamba city, laguna
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 7:27 pm | |
| grabeh n toh... kkbili ko lng nung for the love of julie eh may kasunod n agad... tsk tsk... at kay eizhiro n!!! my goodness... kailangan ko ng salapi!!! huhuhu... _________________
  a Mystery deserves Brilliance... |
|
 | |
ChRiStInE LoVeS YuNhO

Age : 15 Joined : 07 Apr 2008 Posts : 184 Location : heart of Yunho Jung, Park Jung Su and Junsu Kim
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Wed Jun 11, 2008 8:52 pm | |
| waaahhh! isang buwan pa akong maghihintay mabili ang SRC, CP at ung love of julie...
...waaahhh... buti pasukan na!
sage kelan ka lalabas... kaw ang aking hinihintay...!
xempre ang pamosong si reiven... na isang misteryo pa rin ang katauhan...
haaayyyzzz... di ko mapigilan ang sarili maexcite! |
|
 | |
VANADIK & MC FANATIC

Joined : 07 Mar 2008 Posts : 93 Location : MAKATI CITY
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Thu Jun 12, 2008 11:41 am | |
| may duty ako ng 2-10 kaya inagahan ko para makipagsapalaran sa recto kahit ang init init at matrapik hayz kahit di ko alam ang bago......ang tanga tanga di ko man lng naisip tumawag sa phr heheh
pero ok lng nawala lahat ng pagod ko sa nakita kong nakadisplay sa tindahan ni ate hehehhe
Dream team -- dalawa hehehheh tnx ms. aj and sa phr
Les hommes -- yahoo....sa wakas meron ulit
at xempre
kay kagandahan -- dalawa din syempre
binili ko agad pero to make it 6
ayon binili ko ung kay Ms. C at di ako nagsisi dahil yun ang unang kong binasa sa duty ko dahil wla namang pasyente ang gandah gandah ng story ni liberty at sheldon.....8 na magkakasunod na bangong labasa lingo lingo ang nabili ko under Ms. C at lahat yun ay di ako nagsisi...
tnx ms. Jen sa walang pagsawang pag post ng mga bagong labas...
m,wah |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Thu Jun 12, 2008 5:58 pm | |
| | ay thank god natirhan ako he he kahit umuulan sumugod ako he he |
|
 | |
-MikHa-

Age : 15 Joined : 23 Apr 2008 Posts : 118 Location : Villamor Air Base, Pasay City
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Fri Jun 13, 2008 12:11 am | |
| wAaH,,, wOw tEynKs uLit sa pAg pOst mS. jEn... |
|
 | |
Faye Andrew

Age : 23 Joined : 09 May 2008 Posts : 89 Location : Bicol
 | Subject: Re: June 11, 2008 Book Release Fri Jun 13, 2008 8:29 am | |
| | Dito sa legazpi ang tagal dumating ng mga bagong labas... ang National Bookstore lang ang medyo updated... huhuhu... hindi naman ako pinapayagan ng boss kong magleave para pumunta manila.... |
|
 | |
| June 11, 2008 Book Release | |
|