| January 30, 2008 Book Release | |
|
|
| Author | Message |
|---|
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 153 Location : Quezon City
 | Subject: January 30, 2008 Book Release Tue Jan 29, 2008 5:38 pm | |
| As promised, eto ang mga pocketbooks na lalabas bukas. Titles muna, bukas na lang ang book covers at teasers. Mangungulit muna ako.
1. PHR 2783 Second Best by Amanda
2. Fruitcakes Series 6: The Stalker by Rose Tan
3. Fruitcakes Series 7: The Love That Never Was by Rose Tan
4. Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1 by Sofia
5. Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow 2 by Sofia
6. Amantes Fantasticos 16: Manuel, Ang Unang-silang 1 by Camilla
7. Amantes Fantasticos 17: Manuel, Ang Unang-silang 2 by Camilla
8. Pagudpud Series 5: Lovers In Paradise by Vanessa
9. Pepper Series 18: Pipay by Vanessa
10. Braveheart Series 22: Viper Iñigo (Sinner Saint) by Dawn Igloria
11. PHClassics 44: Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa |
|
 | |
mtf

Joined : 22 Jan 2008 Posts : 214
 | Subject: nice one! Tue Jan 29, 2008 8:50 pm | |
| hi Jen! wala bang cover and teaser? hehehe....
newei, thanks for posting! at least may idea na ako kung ilan ang ilalagay ko sa shopping cart  |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Wed Jan 30, 2008 6:03 am | |
| | thanks sa update sana me teaser din he he demanding. sana lagi sya updated by the way yun phr classic malakapl ba yun ilalabas yun pagibig ng maldita kay ms vanessa thanks |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Wed Jan 30, 2008 6:05 am | |
| | thanks sa update sana me teaser din he he demanding. sana lagi sya updated by the way yun phr classic makapal ba yun Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa |
|
 | |
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 153 Location : Quezon City
 | Subject: January 30, 2008 Book Release with teasers and book covers Wed Jan 30, 2008 10:34 am | |
| 1. PHR 2783 Second Best by Amanda
Sa una pa lang ay batid na ni Nadia kung saan siya nakalugar sa puso ni Kit. At bagaman masakit ay pinili niyang makihati sa girlfriend nito kahit magmukha siyang kerida sa lalaking kung tutuusin ay single pa naman at available. Pumayag siya sa ganoong setup dahil mahal niya ito. Nang pakasalan ni Kit si Patricia ay gumuho ang mundo niya. Kinailangan niyang lumayo upang kalimutan ang pagkamatay ng pag-ibig niya. Pero kung kailan nakakalimutan na niya si Kit ay saka nagbalik ito. At sa pagkakataong iyon ay kailangan nito ang tulong niya upang makalimutan nito si Patricia. Pagbibigyan ba niya ang puso niya kahit alam niyang masasaktan uli siya? At hahayaan ba niyang muling maging second best ngayong binubuhay ni Kit ang alaala ni Patricia sa pagkatao niya?
2. Fruitcakes Series 6: The Stalker by Rose Tan
Obsessed. Iyon si Rufina kay Linus Cordero. Walang nakapigil sa kanya nang pikutin niya ito. Ang kaso, for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do them part, de-dead-mahin siya ng kabiyak. Promise.
3. Fruitcakes Series 7: The Love That Never Was by Rose Tan
Umuwing luhaan si Freda sa probinsiya nila pagkatapos niyang mahuling nagtataksil ang kanyang pinakamamahal na boyfriend. Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Paano? Pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nasasagot ang mga tanong. Kaya pinakiusapan niya si Anciano na tulungan siya. He was gorgeous, he was nice, and he had a girlfriend. He was perfect for her plan. Nagkasundo silang magkaroon ng relasyon na tatagal nang isang linggo para malaman niya kung ano ang nasa isip ng isang lalaking nagtataksil at ng other woman. “Can we extend this thing for another three weeks?” tanong ni Anciano pagkalipas ng isang linggo. Lagot!
4. Skylander Series 15: Raphael, Sunset Shadow 1 by Sofia
Zygryd was her father’s headache. Wala na raw siyang ginawa kundi ang sumuong sa gulo. But she was simply a girl who wanted to enjoy life. Then she met Lander, the man her father hired to be her bodyguard. He tamed her, and taught her the best lessons in life. Dahil dito ay natuto siyang magtiwala—at umibig. Subalit hindi sa kanya ang puso nito. Nabihag iyon—of all women!—ng stepsister niyang hate na hate niya. Ang nakakatawa, siya pa ang naging tagapagtanggol sa pag-iibigan ng mga ito dahil kontra doon ang stepmother niya. Nagpaka-martyr siya habang nagdurugo ang kanyang puso. Hanggang kailan siya magtitiis sa ngalan ng pag-ibig niya kay Lander?
5. Skylander Series 16: Raphael, Sunset Shadow 2 by Sofia
Lumayo si Zygryd kay Lander upang makasama nito ang babaeng tunay na mahal nito. Ngunit nang magkita uli sila, nagulat siya nang matuklasan niyang hindi na ito ang lalaking minahal niya. Iba na ang pagkatao nito. Ito na si Raphael, ang nawawalang anak ng mayamang Lizardo. Maging ito man ay nagulat nang makita nito ang anak niyang si Lawrenz, ang naging “bunga” ng kanilang pagmamahalan noon. She fell in love with him for the second time. At sa pagkakataong iyon ay mas minahal pa niya ito. Kung kailan lumalambot na ang puso nito ay saka naman nakatakdang malaman nito ang lihim na iniingatan niya—ang lihim na nakatakdang sumira uli sa kanila...
6. Amantes Fantasticos 16: Manuel, Ang Unang-silang 1 by Camilla
May nagbabadyang panganib sa kaharian ng Ruwania. At ang dugo ni Manuel ang tanging makakasugpo roon. But he was not one to heed his brother the king’s order. Hari ito ng Ruwania, and thank God, siya ay nasa Unang Lupa kaya hindi siya nasasakupan nito. Ngunit ano nga ba ang pumipigil sa kanya para tulungan ang kaharian ng kapatid? Was it cowardice... or the memories of Agilis that haunted his heart?
7. Amantes Fantasticos 17: Manuel, Ang Unang-silang 2 by Camilla
Nasa bingit ng kapahamakan si Manuel. Batid iyon ni Agilis ngunit walang gustong maniwala sa kanya, kahit ito mismo. Gagawin niya ang lahat upang mailigtas ang kanyang pinakamamahal, kahit ang kahulugan pa niyon ay isuong niya ang sariling buhay sa tiyak na kapahamakan. Ngunit nauubos na ang panahon. Unti-unti na siyang nagiging abo...
8. Pagudpud Series 5: Lovers In Paradise by Vanessa
Pumunta sa Pagudpud si Yna dahil ibig niyang mapag-isa at mapalayo sa mga alaala ng lalaking minahal niya at upang matapos na rin ang sinusulat niyang libro. Ngunit ang tahimik na mundo niya ay nagulo sa pagdating ng isang maingay na kapitbahay, si Ismael. Walang ginawa ito kundi magpatugtog nang malakas, sumayaw-sayaw, at magtatakbo sa beach nang nakahubo! One day she had enough of him. Pinagsabihan niya ito. Ang akala niya ay mababara niya ito subalit nagkamali siya. Hindi ito naapektuhan sa sinabi niya, bagkus ay nag-flirt ito. The nerve! But why would she find herself always watching him while he wasn’t looking?
9. Pepper Series 18: Pipay by Vanessa
Parang isang telenovela ang buhay ni Pipay. Lumaki siyang api-apihan hanggang sa dumating ang isang doña na nagpakilala bilang tunay na lola niya. Masuwerte na sana siya kung hindi lamang sa isang ampon nitong minsan ay nagtangkang ipakulong siya kahit wala siyang kasalanan! Pero bakit sa loob ng maikling panahon, ang buwisit na ampon ay hindi na nakakainis? Bakit parang papogi na nang papogi ito sa kanyang paningin.
10. Braveheart Series 22: Viper Iñigo (Sinner Saint) by Dawn Igloria
Tipong artista si Eldric kaya madaling nahulog dito si Rovinia. Ang akala niya ay isa itong knight in shining armor, iyon pala ay isang demonyo na nakakubli sa malaanghel na mukha. Hinding-hindi niya makakalimutan ang kasamaang ginawa nito sa kanya. Dahil ito ang naging dahilan para masira ang tiwala niya sa lahat ng lalaki. Ngunit dumating sa buhay niya si Viper. Mas guwapo pa ito kaysa kay Eldric. Mabait ito kahit pa minsan ay may taglay na kakulitan. Pero sa kabuuan, lahat na yata ng magagandang adjectives ay maibibigay niya rito. Kaya natuto siyang magtiwala uli sa mga kalahi ni Adan. Kumbinsido siya na nahanap na niya ang perpektong lalaki. Ngunit nakatakda palang daigin nito ang kasamaang ginawa sa kanya ni Eldric. Mabibigo na naman ba siya?
11. PHClassics 44: Ang Pag-ibig Ng Babaeng Kontrabida by Vanessa
Maraming plano si Glydel sa buhay na hindi niya naituloy dahil sa kanyang ama at sa asawa nito. Gusto sana niyang makasabay sa mga kababata niyang malayo na ang narating, katulad ni Restituto, na isa nang abogado at bise-alkalde ng kanilang bayan. Ang kakulangan niya sa edukasyon ay binawi niya sa pagporma at pagpapakita ng kagandahan niya. Hiling niyang sana ay mapansin siya nito. At dumating naman ang araw na iyon. Kaya lamang ay may malaking kapalit pala ang hiling na iyon, isang kapalit na makakapagpabago nang ganap sa buhay niya. |
|
 | |
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 153 Location : Quezon City
 | Subject: re: PHClassics Wed Jan 30, 2008 11:13 am | |
| | 144 pages siya. |
|
 | |
rhodz

Age : 26 Joined : 16 Jan 2008 Posts : 25
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Wed Jan 30, 2008 12:02 pm | |
| | Thanks for the update, Jen. At least nagyon, madali sa amin na mga fans ang bumili. Kaya lang wala pa rin ang new release si MC at Arielle. |
|
 | |
Caleb

Age : 18 Joined : 17 Jan 2008 Posts : 546
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Wed Jan 30, 2008 3:13 pm | |
| thanks for posting jen....
nakaktulong talaga to para mapost namin ang new release sa mga forums namin... _________________
 im deym tired and bored with all this shenanigan, GET REAL and BE REALISTIC
"you dont know what you got till its gone" |
|
 | |
jluvlenskie13

Age : 30 Joined : 15 Jan 2008 Posts : 133 Location : japan
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Thu Jan 31, 2008 7:57 pm | |
| salamat salamat.. nkapili na ako ng oorderin ko sa pinsan ko!
i love you na! |
|
 | |
devil_akira11

Age : 17 Joined : 29 Jan 2008 Posts : 150 Location : Aklan and Iloilo
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Sun Feb 03, 2008 3:00 am | |
| | rhodz wrote: | | Thanks for the update, Jen. At least nagyon, madali sa amin na mga fans ang bumili. Kaya lang wala pa rin ang new release si MC at Arielle. |
hello, rhodz...si rainaki11 pala 'to...hehe nkachat kita nun sa forum ni miss Sofia... malaki talaga ang naitutulong ni Miss Jen sa lahat..... btw, are you refering to Miss Martha Cecilia as MC???...wow!!..di ko alm na fan ka rin pala nya.... hay nku, magaling talaga syang writer....grabe!!...saludo ako sa mga writers ng PHR....puro silang lahat magagaling...hmm.. 
ako rin nga eh..naghihintay rin ng mga bagong release na gawa ni Miss Martha...lalung-lalo na yung KS nya...  |
|
 | |
devil_akira11

Age : 17 Joined : 29 Jan 2008 Posts : 150 Location : Aklan and Iloilo
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Sun Feb 03, 2008 3:10 am | |
| eeeehhhhh!!!!..gosh!!!..di na ko mkapaghintay na mkabili ng kwento ni fafa Raphael sa skylander....hehe...sana dumating na yan dito sa amin...  |
|
 | |
natalia

Joined : 30 Jan 2008 Posts : 86
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Tue Feb 05, 2008 12:20 pm | |
| | me bago po kayang lalabas na pepper si ms vanessa exited me he he |
|
 | |
raveneyes

Joined : 16 Jan 2008 Posts : 468
 | Subject: Re: January 30, 2008 Book Release Tue Feb 05, 2008 12:40 pm | |
| | natalia wrote: | | me bago po kayang lalabas na pepper si ms vanessa exited me he he |
yung Pepper 18 Pipay ang latest last week. baka this week lumabas na ang Pepper19 Julio. sana.  _________________
|
|
 | |
| January 30, 2008 Book Release | |
|