| January 23, 2008 Book Release | |
|
Goto page : 1, 2, 3  |
| Author | Message |
|---|
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 125 Location : Quezon City
| Subject: January 23, 2008 Book Release Wed Jan 23, 2008 1:42 pm | |
| 1. PHR 2781 The Complete You by Aleia
Kung magkakaroon ng samahang galit sa mga lalaki, malamang na presidente niyon si Chinggay. Nag-ugat ang ganoong pananaw niya sa hindi magandang karanasan sa ex-boyfriend niya. Hanggang sa makilala niya si Vince. Likas na lapitin ito ng mga babae, at mukhang nama-magnet din siya ng charisma nito. Handa na kaya siyang ipabuwag dito ang matigas pa sa pader na puso niya—kahit alam naman niyang marami siyang makakatunggali sa puso nito...?
2. PHR 2782 Your Love Is Better Than Hot Pandesal by Claudia Santiago
Nagulat si Allice nang umuwi siya isang gabi na may lalaking naghihintay sa kanya. Nagpakilala ito bilang si Stan, at fiancé raw niya ito! Imposibleng totoo ang sinasabi nito dahil sa buong buhay niya ay ngayon lamang niya nakita ito. At sigurado siya roon dahil imposibleng makalimutan niya ang ganito kaguwapong lalaki. Si Allice Martinez daw ang hinahanap nito. At siya nga naman iyon. Pero hindi nga niya kilala ito. Naisip niya, mukhang may kinalaman doon ang kakambal niyang si Ellice.
3. PGS 3 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 1 by Vanessa
Unang kita pa lamang ni Maria kay Ross ay naisip na niya agad na ito ang prinsipeng matagal na niyang hinihintay. Ang kaso, inis ito sa kanya. Sinusubukan niya ang lahat upang matuwa ito sa kanya at pansinin siya nito. Hanggang sa dumating ang pagkakataong napasakanya ito. Bahala na kung ano ang kahinatnan niyon...
4. PGS 4 Pagudpud Series: Crazy In Paradise 2 by Vanessa
Ang akala ni Maria ay magtutuluy-tuloy na ang kanyang happy ending—ngunit nagkamali siya. Chapter one lang pala ang masaya sa kuwento niya. Sapagkat ang kanyang Prince Charming ay nakahanap ng iba. Paano na siya, eh, siya ang bida?
5. TSI 4 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 1 by Danielle
Elf was looking for a trouble-free vacation in a posh resort owned by a friend. Everything was peaceful until his path crossed with Ina Roselli’s. Ang totoo, hindi naman magugulo ang buhay niya kung napigilan lamang niya ang kanyang sarili sa tila asong pagbuntot dito. But then, hindi rin naman siguro niya kasalanan na magkaganoon siya dahil lubhang napakaganda nito. Iyon nga lang, may panganib na dala ang pagsunud-sunod niya kay Ina. At huli na para iwasan niya ito. Na-involve na siya sa kung anong gusot na kinasangkutan nito...
6. TSI 2 Troubleshooters, Inc. Series: Elf 2 by Danielle
Natuklasan ni Elf na nasa panganib hindi lamang ang kanyang buhay kundi ang kay Ina. Kailangan niyang makaisip ng solusyon para makaligtas sila sa tiyak na kapahamakan. Kailangang mahuli nila ang taong humahabol kay Ina at ma-solve ang puzzle na iniwan ng yumaong asawa nito. Only then would they be able to live peacefully. Only then would he be able to love and cherish the beauty that was Ina.
7. FRS 5 Fruitcakes Series: Cuckoodoodleduo by Rose Tan
Miriam and Elmo grew up together. Hers was the first “tambok” he had ever seen and it was flat, actually. He was the first naked male she had ever seen and that black, scary thing between his thighs brought her an anxiety attack. She was two then. Three presidents later, she got kidnapped... by Elmo. Dinala siya nito sa isang malayong isla para ilayo sa DOM na pinagpapa-cute-an niya. Hindi niya inakalang sa islang iyon ay mabubunyag ang isang lihim... Clue: It’s a many splendored thing.
8. SLS 14 Skylander Series: Dashielle, Wolf's Rain by Sofia
Dashielle was a grand-slam tennis champion. Nalusutan niya ang lahat ng hirap sa buhay at nakamit niya ang kanyang pangarap. But she was a total failure where Wolf Anthony Allen was concerned. He was the half Apache-half Irish hunk she was in love with. Bigo siya sa pag-ibig dito dahil isang kapatid lang ang tingin nito sa kanya. “Go ahead and kiss me,” hamon niya rito minsan. Maybe with that kiss, she might be able to prove a few things: Una, na hindi na siya bata gaya ng tingin nito sa kanya. Pangalawa, mapapatunayan niya kung kapatid pa rin ang magiging turing nito sa kanya o hindi na. Pangatlo, that finally he would see her in a different light—he would see her as a woman. Magtagumpay kaya siya?
9. PES 17 Pepper Series: Miles Encarnacion by Vanessa
Parang kidlat si Miles Encarnacion sa buhay ni Pining. Dumating ito, nawalan ng trabaho ang tatay niya. Sa isang iglap, nawalan siya ng sampung libong piso dahil dito. Sa isang iglap, nobya-nobyahan na siya nito. Sa isang iglap, “break” na sila. Sa isang iglap, pogi na ito sa paningin niya. Sa isang iglap, hinahagkan na siya nito... Anong kaguluhan iyon?
10. MOG 30 How To Keep Your Man by Maria Flora Celine
Nagdamdam si Libby nang malaman niyang wala pala sa mga plano ng nobyo niyang si Vince ang pag-aasawa. Sumabay pa ang pagbabalik sa eksena ng ex-girlfriend nito na si Stephanie. Halata sa mga kilos nito na gulo ang hatid nito sa kanilang relasyon. Nadagdagan pa ang problema niya nang sorpresahin siya ng ex-boyfriend niyang si Ralph at nag-propose ito ng kasal sa kanya. Would she go back to her ex who was giving her the security of a marriage proposal or would she fight it out with Stephanie even without the promise of marriage from Vince? Would she be able to keep the man she really loved and change his mind about marriage?
Last edited by on Thu Jan 24, 2008 10:09 am; edited 7 times in total |
|
 | |
jluvlenskie13

Age : 30 Joined : 15 Jan 2008 Posts : 133 Location : japan
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Wed Jan 23, 2008 7:54 pm | |
| salamat sa pag post.. ngaun alam ko na kung ano ang papabili ko sa pinsan ko.. ang bait mo. me teaser pang kasama. sa uulitin ulit, wag ka sana magsawa sa pagpost ng new releases. |
|
 | |
mtf

Joined : 22 Jan 2008 Posts : 206
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Wed Jan 23, 2008 8:39 pm | |
| thanks for posting! at least may mag uupdate na sa amin every week! 
dami ko na naman bibilhin, haayy.. ang hirap talaga ng may ganitong bisyo, magastos tsk!
btw, ganda nung book cover ng series ni sheena rose, kala ko under phr classic, hehe...
WAIT A MINUTE!.... napansin ko bat nasa series #8 na yung fruitcake ni RT? di ba last yung #4 titled The nerd? so nalaktawan yung series # 5-7?  expected ko kasi yung series # 5 na ang title is Coockadoodleduo? o namali lang ako last week?  |
|
 | |
suicide

Age : 16 Joined : 11 Jan 2008 Posts : 7 Location : san carlos city, pangacnan
| Subject: .. Wed Jan 23, 2008 8:52 pm | |
| tnx po sa post nio pra po dun s bgong release n nobela. . sna po magsulat pa kau ng mas mrming mgagandang nobela. . gudluck. . |
|
 | |
Caleb

Age : 18 Joined : 17 Jan 2008 Posts : 507
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Wed Jan 23, 2008 8:59 pm | |
| wow ang daming readers choice ngayon!!!!!
galing naman.... _________________
im deym tired and bored with all this shenanigan, GET REAL and BE REALISTIC
"you dont know what you got till its gone"
|
|
 | |
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 125 Location : Quezon City
| Subject: corrections Thu Jan 24, 2008 9:10 am | |
| | mtf>lineup pala yon. post ko na actual book release. magkaiba pala iyon. sorry, guys. |
|
 | |
BlueFlame

Joined : 24 Jan 2008 Posts : 8
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Thu Jan 24, 2008 1:17 pm | |
| nagtaka ako.. bakit TSI 8,9 na... eh wala pa na release na TSI 4 to 7...... line up pa lang pala iyon.... well... at least alam na namin ang susunod na lalabas na mga pocketbooks.  |
|
 | |
rhodz

Age : 26 Joined : 16 Jan 2008 Posts : 25
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Thu Jan 24, 2008 2:52 pm | |
| | Wow... thanks for the update. dami pla e-ere release........... |
|
 | |
mtf

Joined : 22 Jan 2008 Posts : 206
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Thu Jan 24, 2008 7:46 pm | |
| hi jen, yep, medyo na advance nga, k lang yun at least may idea na kami what it look like ng mga upcoming books! for next (or next-next week )
i already avail my copy.
OT: maganda yung cover ng modern girl!  |
|
 | |
rhyzie

Age : 20 Joined : 17 Jan 2008 Posts : 75 Location : calamba city, laguna
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Thu Jan 24, 2008 10:18 pm | |
| ala p poh b bago s ms. sonia??? kung ala... kailan pu kaya??? ^_^ _________________
  a Mystery deserves Brilliance... |
|
 | |
raveneyes

Joined : 16 Jan 2008 Posts : 416
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Fri Jan 25, 2008 3:55 pm | |
| Thanks for posting..
galing naman. _________________ "People go but memories stay." I luv Vanessa l Rose Tan Fansite
 |
|
 | |
lailah86

Joined : 25 Jan 2008 Posts : 10
| Subject: WOW Fri Jan 25, 2008 4:10 pm | |
| Ang bilis nman narelease na TSI.... first issue nyo ung kay ICE ryt last dec 12 bah???
Can't imagine anjan na c ELF.. jay!!!
Dmi q na nmang aabangan... ubos na nman sahod q nito..
Anyway thanks for posting...
Lam q na bibilhin q nxttym my teaser pah, galing and super bait mo...
Importante skin ung teaser ng novel eh..
God bless po and more power...
Continue writing great novels... |
|
 | |
Jen

Age : 20 Joined : 19 Dec 2007 Posts : 125 Location : Quezon City
| Subject: THANK YOU! Fri Jan 25, 2008 5:54 pm | |
| | Salamat sa pag-appreciate ninyo sa effort ko. Wag kaung mag-alala, di ako magsasawang mag-post ng mga ilalabas na PHR books... Kakarerin ko na to, me constant supply kayo linggu-linggo. |
|
 | |
raveneyes

Joined : 16 Jan 2008 Posts : 416
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Fri Jan 25, 2008 6:51 pm | |
| | Jen wrote: | | Salamat sa pag-appreciate ninyo sa effort ko. Wag kaung mag-alala, di ako magsasawang mag-post ng mga ilalabas na PHR books... Kakarerin ko na to, me constant supply kayo linggu-linggo. |
really Jen? promise ha? thanks talaga.. saya naman. _________________ "People go but memories stay." I luv Vanessa l Rose Tan Fansite
 |
|
 | |
jluvlenskie13

Age : 30 Joined : 15 Jan 2008 Posts : 133 Location : japan
| Subject: Re: January 23, 2008 Book Release Fri Jan 25, 2008 7:46 pm | |
| talaga jen? aabangan ko palagi to' sau nakasalalay ang mga buks na ipapadala sakin ng pinsan ko. |
|
 | |
| January 23, 2008 Book Release | |
|